Pragmatismo
Ang Pragmatismo ay isang tradisyong pampilosopiya na nagsimula sa Estados Unidos mga noong 1870.[1] Ito ay isang pagtanggi sa kaisipan na ang paggalaw ng isip ay upang ilarawan, kumatawan, o sumalamin sa katotohanan. Sa halip, itinuturing ng mga pragmatista na ang kaisipan bilang isang ugnayan sa pagitan ng organismo at kalikasan. Kung gayon, ang gawain ng isip ay magsilbing instrumento o kagamitan para sa paghula, pagkilos, at pagsagot sa mga problema. Sinasabi ng mga pragmatista na ang karamihan ng mga paksang pampilosopiya—gaya ng sa kalikasan ng kaalaman, wika, mga konsepto, kahulugan, paniniwala, at agham—ay pinakamagandang tingnan sa pamamagitan ng kanilang praktikal na gamit at naging tagumpay sa halip na mapagkinatawang kawastuhan.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Pragmatism. 13 Setyembre 2013. Nakuha noong 13 Setyembre 2013.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.