Tsokolate

pagkaing gawa sa mga binhi ng kakaw

Ang tsokolate o sikulate[1] ay isang pagkain na gawa sa mga binhi ng kakaw na binusa't giniling. Lagap ito sa mga iba't ibang anyo: likido, solido o masa, sa ganang sarili o bilang pampalasa sa mga ibang pagkain. Matagal nang nakonsumo ang kakaw sa iba't ibang anyo mula noong sibilisasyong Olmeka (ika-19–ika-11 siglo BK),[2][3] at nakagawa ang karamihan ng mga taong Mesoamerikano, kabilang ang mga Maya at Asteka, ng mga inuming tsokolate.[4] Tinatawag na sikulatihan ang kasangkapan o aparatong ginagamit sa paggawa ng tsokolate.[1]

Tsokolate
Tsokolate sa mga pinakakaraniwang anyo nito: pulbos at bareta
Rehiyon o bansaMesoamerika
Pangunahing SangkapKakaw

Napakapait ang mga binhing kakaw at kailangang iburo upang gumanda ang lasa. Matapos iburo, pinapatuyo, nililinis, at binubusa ang mga binhi. Tinatanggal ang bunot ng kakaw para makagawa ng kukot ng kakaw, na ginigiling para maging masang kakaw, purong tsokolate sa krudong anyo. Kapag natunaw na ang masa sa pag-iinit nito, tinatawag itong tsokolateng likor. Maaari ring palamigin ang likor at iproseso upang mahiwalay ang dalawang sangkap: solidong kakaw at mantikilyang kakaw. Ang tsokolateng panluto, tinatawag ding tsokolateng mapait, ay binubuo ng mga solidong kakaw at mantikilyang kakaw sa iba't ibang sukat at hindi nilalagyan ng asukal. Maaaring iproseso ang pinulbos na panlutong kakaw kasama ng alkali upang makabuo ng kakaw Olandes. Tsokolateng matamis ang karamihan ng kinokonsumong tsokolate ngayon, isang kombinasyon solidong kakaw, mantikilyang kakaw, o mga langis ng gulay at asukal. Ang tsokolateng de-gatas ay tsokolateng matamis na may pulbos-gatas o kondensada. Ang tsokolateng puti ay may mantikilyang kakaw, asukal, at gatas, ngunit walang solidong kakaw.

Ito ang karaniwang sangkap sa maraming mga matatamis na pagkain, sorbetes, mga tinapay, keyk, empanada at mga pang-himagas. Ito ang isa sa mga sikat na lasa (flavor) sa daigdig. Karaniwan itong nasa anyong buo, ngunit karaniwan din sa Pilipinas ang pagiging isang inumin ito (cocoa).[1]

Etimolohiya

baguhin
 
Glipong Maya para sa kakaw

Pinepetsahan sa 1000 BK o mas maaga pa ang salitang tsokolate, na binigkas ng mga Olmeka bilang kakawa,[2] Pumasok ang salita sa wikang Tagalog mula sa salitang chocolate sa Kastila na nanggaling naman mula sa salitang chocolātl sa Nahuatl, ang wika ng mga Asteka. Hindi malinaw ang pinagmulan ng salita sa Nahuatl, dahil hindi ito mahahanap sa anumang sangguniang Nahuatl, kung saan ang salita para sa inuming tsokolate ay cacahuatl "tubig-kakaw". Posible na inilikha ng mga Kastila ang salita (siguro para maiwasan ang caca, isang bulgar na salita para sa "tae") sa pagsama ng salitang chocol ("mainit" sa Maya Yukateko), at salitang atl ("tubig" sa Nahuatl).[5] Sinisipi nang marami na nanggaling ang salita mula sa xocolatl ("pait na inumin"), ngunit wala itong basehan. Walang paliwanag para sa pagbabago mula x- pa-ch-, pati na rin ang -l-. Iminungkahi rin na nagmula ito sa salitang chicolatl, na may kahulugang "binating inumin", na maaari namang nagmula sa chicoli ("batirol").[6] Tinatanggihan ng mga ibang iskolar ang lahat ng mga mungkahing ito. Kinokonsidera nilang lingid ang unang bahagi ng pangalan.[7]

Mga uri

baguhin
 
Mga balat ng iba't ibang uri ng tsokolate

Maaaring mag-uri ng ilang klase ng tsokolate. Binubuo ang purong, di-pinatamis na tsokolate, kadalasang tinatawag na "tsokolateng panluto", ng solidong kakaw at mantikilyang kakaw sa iba't ibang proporsiyon. Karamihan ng tsokolate na kinakain ngayon ay nasa anyo ng tsokolateng matamis, na halo ng tsokolate at asukal.

Tsokolateng pangkain

baguhin

Ang mga tradisyonal na uri ng tsokolate ay maitim, ginatasan, at puti. Nilalaman ang lahat nito ng mantikilyang kakaw, na ang sangkap na nagpapakahulugan sa mga pisikal na katangian ng tsokolate (konsistensiya at temperaturang pantunaw). Ang payak (o maitim) na tsokolate, gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan nito, ay anyo ng tsokolate na kahawig sa purong likor ng kakaw, ngunit karaniwang nilalagyan ito ng kaunti pang mantikilyang kakaw kumpara sa likor.[8] Sa ibang salita, tinutukoy ito ayon sa porsiyento ng kakaw nito. Sa ginatasang tsokolate, pinalitan ang bahagya o karamihan ng di-tabang solidong kakaw ng solidong gatas.[9] Sa puting tsokolate, napalitan ang lahat ng solidong gatas, kaya kakulay nito ang garing.[10]

May mga iba pang uri ng tsokolateng kinakain, kabilang dito ang tsokolateng hilaw (gawa sa di-binusang binhi) at tsokolateng rubi. Isa pang sikat na uri ng kinakaing tsokolate ang gianduja, na ginagawa sa paghahalo ng masang nuwes (karaniwan, abelyana) sa masang tsokolate.[11]

Mga ibang uri

baguhin

Ginagamit ang mga ibang klase ng tsokolate sa paghuhurno at konpeksiyonaryo. Kabilang dito ang tsokolateng panluto, tsokolateng kobertura (pampahid), tsokolateng tambalan (mas murang alternatibo) at tsokolateng pangmodelo. Ang pangmodelong tsokolate ay masang tsokolate na gawa sa pagtutunaw ng tsokolate at paghahalo nito sa sirup de-mais, sirup de-glukosa, o gintong sirup.[12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Tsokolate, sikulate, sikulatihan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Powis, Terry G.; Cyphers, Ann; Gaikwad, Nilesh W.; Grivetti, Louis; Cheong, Kong (24 Mayo 2011). "Cacao use and the San Lorenzo Olmec" [Paggamit ng kakaw at mga Olmeka ng San Lorenzo]. Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 108 (21): 8595–8600. Bibcode:2011PNAS..108.8595P. doi:10.1073/pnas.1100620108. ISSN 0027-8424. PMC 3102397. PMID 21555564.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Consumían olmecas chocolate hace 3000 años". El Universal (sa wikang Kastila). Mexico City. 29 Hulyo 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 20 Enero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Chocolate: A Mesoamerican Luxury 1200–1521 – Obtaining Cacao" [Tsokolate: Isang Rangyang Mesoamerikano 1200–1521 – Pagkamit ng Kakaw] (sa wikang Ingles). Field Museum. Nakuha noong 23 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Coe & Coe (2013), pp. 121–123.
  6. Dakin, Karen; Wichmann, Søren (2000). "Cacao and Chocolate: A Uto-Aztecan perspective". Ancient Mesoamerica. 11 (1): 55–75. doi:10.1017/S0956536100111058. S2CID 162616811. Nakuha noong 10 Enero 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Kaufman, Terrence; Justeson, John (2007). "The history of the word for Cacao in ancient Mesoamerica" [Ang kasaysayan ng salitang Cacao sa sinaunang Mesoamerika]. Ancient Mesoamerica (sa wikang Ingles). 18 (2): 193–237. doi:10.1017/S0956536107000211. S2CID 163097273. Nakuha noong 18 Hunyo 2021.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Afoakwa, Emmanuel Ohene (2011). "7.3 Materials and Methods". Chocolate Science and Technology [Agham at Teknolohiya sa Tsokolate] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. ISBN 9781444357332. Mga resiping ginamit sa pagbabalangkas ng tsokolateng maitim (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Spyropoulos, Fotis (2019). Handbook of Food Structure Development [Hanbuk ng Pag-unlad ng Istraktura ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Royal Society of Chemistry. p. 136. ISBN 9781788012164.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Beckett, Steve T. (2017). Beckett's Industrial Chocolate Manufacture and Use [Pagmamanupaktura at Paggamit ng Tsokolateng Industriyal ni Beckett] (sa wikang Ingles). John Wiley & Sons. p. 498. ISBN 9781118780145. Mga tipikal na resipi para sa bareta ng puting tsokolate (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Medrich, Alice (2015). Pure Dessert: True Flavors, Inspiring Ingredients, and Simple Recipes [Purong Panghimagas: Mga Totoong Lasa, Kinasihang Sangkap, at Simpleng Resipi] (sa wikang Ingles). Artisan Books. p. 157. ISBN 9781579656850. kahawig ng bareta ng tsokolate ang gianduja. Mas malambot ito kapag kinagat kumpara sa simpleng bareta ng tsokolate (dahil sa langis mula sa abelyana) (Isinalin mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Peters, Colette (Disyembre 6, 2013). "Modeling Chocolate" [Tsokolateng Pangmodelo]. Food & Wine (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 28, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)