Empanada

pinalamanang pastelerya o tinapay

Ang empanada o panada ay isang uri ng pinalamanang pastelerya o tinapay, na karaniwan sa Espanya, Timog Europa, Amerikang Latino, at mga kulturang naimpluwensiyahan ng mga Ibero. Nagmula ang pangalan sa Kastilang salita, empanar,[3][4] na may salinwikang 'tininapay', i.s., binalutan ng tinapay. Nabubuo ang mga ito sa pagbabalot ng palaman, na maaaring may karne, keso, kamatis, mais, o iba pang sangkap, sa masa, at niluluto ito sa paghuhurno o pagpiprito. Tinatawag na mga empanadita o empanaditas ang mga maliliit na empanada, para makain ng isang subo lamang,[1][5] at karaniwang tinimplahan ng pulot-pukyutan at mani.[2]

Empanada
Empanada de kaliskis mula sa Malolos, Bulacan
Ibang tawagmeat turnover o meat pie[1], meat pastry turnover[2]
UriPastelerya
KursoPampagana, ulam
LugarEspanya
Rehiyon o bansaGalicia
Kaugnay na lutuinKastila, Arhentino, Tsileno, Ekwadoryano, Sisilyano, Mehikano, Kolombiyano, Beneswelano, Uruguayo
GumawaMga bansang Hispano
Pangunahing SangkapKarne, keso, mais, o iba pang mga sangkap

Pinagmulan

baguhin

Hindi natin alam ang pinanggalingan ng empanada, ngunit ipinapalagay na nagmumula ang mga ito sa Galicia, isang rehiyon sa hilagang-kanluran ng Espanya.[6][7][8] Binanggit sa isang aklat-luto na inilathala sa wikang Katalan noong 1520, Llibre del Coch ni Robert de Nola, ang mga empanadang pinalamanan ng pagkaing-dagat sa mga resipi para sa mga pagkaing Katalan, Italyano, Pranses, at Arabe.[9][10]

Nauna pa sa aklat-luto nang dalawang siglo, nabanggit sa libro ukol sa Batas Hudyo, kilala bilang Arba'ah Turim - na ang awtor, Rabbi Jacob ben Ahser ay ipinanganak sa Colonia noong mga 1270 (nasa Alemanya ngayon) at namatay sa Toledo (nasa Espanya ngayon) noong mga 1340 - pati na rin ang kalaunang akda na Shulchan Aruch (napetsahan sa kalagitnaan ng s. 1500) sa Orach Chaim 318:16[11][12][13] at Yoreh Deah 112:6[14][15],113:3[16][17][18] - ang "inpanada" at "panada" bilang pantukoy sa tininapay na produkto na may palamang taba, karne o isda.

Ayon sa bansa at rehiyon

baguhin

Pilipinas

baguhin
 
Mga pritong empanada sa Pilipinas, na may giniling na baka, patatas, karots, keso, at pasas

Karaniwang pinalalamanan ang mga empanadang Pilipino ng giniling na baka, baboy o manok, patatas, tinadtad na sibuyas, at pasas (kahawig sa Kubanong picadillo), at binabalutan ng medyo matamis na tinapay na gawa sa harinang trigo. Mayroong dalawang uri: ang hinurno at ang pinirito na patumpik-tumpik. Upang mapababa ang gastusin, kadalasang idinaragdag ang mga patatas bilang pampapuno, at ipinampalaman din ang kutsay.

 
Empanada ng Ilocos

Sa hilagang bahagi ng Ilocos, karaniwang may malinamnam na palaman ang mga empanada roon, kagaya ng berdeng papaya, munggo, at minsan hiniwang tsoriso o longganisa at apyak. Piniprito itong baryante at gumagamit ng galapong para mas malutong ang balat nito.[19] Maaari ring palamanan ang mga empanada ng minasang talong, binating itlog, at repolyo, na tinatawag na poqui poqui.[20]

Sa Bulacan, may kakaibang balat ang empanada de kaliskis, na kahawig sa kaliskis, kaya iyon ang pangalan. Sa Cebu, mayroon silang empanada Danao na matamis at malinamnam. Pinalalamanan ito ng hiniwang tsoriso at sayote, piniritong-lubog, at binubudburan ng puting asukal bago ihain. Sa Zamboanga, pinalalamanan ang empanada Zamboanguenyo ng tinadtad na kamote, garbansos, at sinasawsaw sa matamis na suka.[21]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, may 194 na mga pahina, ISBN 971-08-0062-0
  2. 2.0 2.1 Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)}
  3. "empanar". SpanishDict. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 29, 2022. Nakuha noong Setyembre 28, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ASALE, RAE-; RAE. "empanar | Diccionario de la lengua española". «Diccionario de la lengua española» - Edición del Tricentenario (sa wikang Kastila). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 25, 2021. Nakuha noong Enero 20, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  6. "Historia de la empanada criolla" (PDF). Dra. Susana Barberis. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong Setyembre 22, 2020. Nakuha noong Hulyo 8, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Penelope Casas (1982), The Food, Wines, and Cheeses of Spain [Ang Pagkain, Bino, at Keso ng Espanya] (sa wikang Ingles), Alfred A. Knopf, New York 1982 (pa. 52)
  8. "Breve historia de la alimentación en Argentina". Liliana Agrasar. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 17, 2019. Nakuha noong Hulyo 8, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Adamson, Melitta Weiss (2004). Food in medieval times [Mga pagkain sa panahong medyebal] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. ISBN 0-313-32147-7. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 6, 2023. Nakuha noong Nobyembre 10, 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Lady Brighid ni Chiarain. "An English translation of Ruperto de Nola's Libre del Coch" [Isang salinwikang Ingles ng Libre del Coch ni Ruperto de Nola] (sa wikang Ingles). Stefan's Florilegium. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 7, 2019. Nakuha noong Enero 31, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Shulchan Aruch/Orach Chaim/318 - Wikisource, the free online library". en.wikisource.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-10-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "TurShulchanArukh – AlHaTorah.org". turshulchanarukh.alhatorah.org (sa wikang Ebreo). Nakuha noong 2023-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Shulchan Arukh, Orach Chayim 318:16". www.sefaria.org. Nakuha noong 2023-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Karo, Yosef. Shulchan Aruch.
  15. "Shulchan Arukh, Yoreh De'ah 112:6". www.sefaria.org. Nakuha noong 2023-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Karo, Yosef. Shulchan Aruch.
  17. "TurShulchanArukh – AlHaTorah.org". turshulchanarukh.alhatorah.org (sa wikang Ebreo). Nakuha noong 2023-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Shulchan Arukh, Yoreh De'ah 113:3". www.sefaria.org. Nakuha noong 2023-07-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Ian Ocampo Flora (Abril 23, 2010). "Vigan Empanada and the gastronomic treats of Ilocos" [Empanada ng Vigan at ang masasarap na pagkain ng Ilocos] (sa wikang Ingles). www.sunstar.com.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 5, 2010. Nakuha noong Disyembre 30, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Galiste, Ria (Hunyo 17, 2016). "Look: Restaurant adds twist to Ilocos empanada". ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 31, 2019. Nakuha noong Mayo 31, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Polistico, Edgie (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto & Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing, Inc. ISBN 9786214200870. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 6, 2023. Nakuha noong Setyembre 14, 2020.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Kawing panlabas

baguhin