Ang Katalan (Katalan: català; bigkas [ka·ta·lá]) ay isang wikang Romanse (mga wikang nag-ugat sa Latin). Ito ang opisyal na wika ng bansang Andorra at kapwa-opisyal sa mga awtonomong pamayanan ng Espanya ng Kapuluang Balear at Katalunya. Kapwa-opisyal din ito sa Pamayanang Balensyano, kung saan tinatawag itong Balensyano (Katalan: valencià; bigkas [va·len·syá]). Ang Espanya ang may pinakamaraming pang-araw-araw na tagapagsalita ng Katalan. Sinasalita ito ng mahigit-kumulang 9 milyong tao na naninirahan hindi lamang sa Andorra at Espanya kundi maging din sa Pransya at Italya. Mayroon itong katayuang semi-opisyal sa lungsod ng Algero sa Italyanong pulo ng Serdenya.

Wikipedia
Wikipedia
Katalan
Catalan-Valencian-Balear
català
Bigkas[kətəˈla] (EC) ~ [kataˈla] (WC)
Katutubo saAndorra, Pransya, Italya, Espanya
RehiyonMga bansang Katalan, distribusyong heograpiko Hilagang-silangan, sa kapalibutan ng Barselona; Katalunya, Mga lalawigang Balensyano, Kapuluan ng Balearo; Rehiyong Kartse, Lalawigan ng Murcia sa Espanya.[1]
Pangkat-etnikoMamamayang Katalan
Mga natibong tagapagsalita
4.1 million (2012)[1]
L2 tagapagsalita: 5.1 million sa Espanya (2012)
Sinaunang anyo
Pamantayang anyo
Latin (Alpabetong Katalan)
Braylyeng Katalan
Tatak Katalan
Opisyal na katayuan
Unyong Latin

Andorra
Espanya

Katalunya
Kapuluang balearo
Pamayanang Balensyano
Kinikilalang wika ng minorya sa
Pransya
kinkilala sa kagawaran ng Pyrénées-Orientales

Italya

ka-opisyal sa comune ng Algero sa Serdenya

Espanya

Aragon
Pinapamahalaan ngInstitut d'Estudis Catalans
Acadèmia Valenciana de la Llengua
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1ca
ISO 639-2cat
ISO 639-3cat
Glottologstan1289
Linguasphere51-AAA-e
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Etimolohiya at pagbigkas

baguhin

Ang salitang Katalan (Kastila: catalán) ay hango sa teritoryal na pangalang Cataluña, kung kaninong etimolohiya ay di-tiyak. Ang pangunahing teorya ay nagmumungkahi na Catalunya (Latin: Gathia Launia) ay hango sa pangalang Gothia o Gauthia ("Lupain ng mga Godo") dahil sa mga pinagmulan ng mga Katalang konde, maharlika at tao ay nahanap sa Martsang Espanyol (Catalan: Marca Hispànica), kaya (ayon sa teorya) GothlandGothlandiaGothalaniaCatalonia.[2][3]

Ang endonimo ay binibigkas [kətəˈla] sa Silangang mga diyalekto, at [kataˈla] sa Kanlurang mga diyalekto. Sa Comunidad Valenciana at Carche, madalas na ginagamit ang terminong valencià [valensiˈa, ba-] imbes. Kaya ang pangalang "Balensyano", maski madalas na ginagamit para mangahulugan ng mga diyalekto ng Comunidad Valenciano at Carche, ginagamit din ng mga Balensyano bilang isang pangalan para sa wika bilang isang buo, kumbaga, Katalan. Ang parehong mga paggamit ng termino ay itinatala sa mga talahuluganan ng Acadèmia Valenciana de la Llengua at Institut d'Estudis Catalans.

Kasaysayan

baguhin

Gitnang Kapanahunan

baguhin

Sa ika-9 na siglo, nag-evolve ang Katalan mula sa Bulgar na Latin sa parehong mga tabi ng silangang dulo ng mga Pirineos, at saka mga teritoryo ng Romanon probinsya ng Hispania Tarraconensis sa timog. Mula sa ika-8 na siglo ang mga kondeng Katalan ay nagpahaba ng nilang teritoryo sa timog at kanluran sa kapinsalaan ng mga Muslim, at sumama nila ang kaniyang wika. Ang itong proseso ay tinulungan ng paghihiwalay ng Kondado ng Barcelona mula sa Imperyong Karolinhiyo noong 988.

Noong ika-11 na siglo, ang mga dokumento na sinulat sa Lating makaroniko ay nagsimula ipakita ang mga elementong Katalan, at ang mga teksto na halos kumpleto na sinulat sa Romanse ay nagpakita noong 1080.

Noong ika-11 at ika-12 na mga siglo ang mga haring Katalan ay lumawak ng nilang teritoryo hanggang sa Ebro, at noong ika-13 na siglo sumakap ng Kaharian ng Balensiya at mga Baleares. Ang lungsod ng Alghero sa Cerdeña ay tinirhan ng mga tagapagsalita ng Katalan noong ika-14 na siglo. Umabot din ang wika sa Murcia, na naging Hispanoparlante noong ika-15 na siglo.

Noong Huling Gitnang Kapanahunan, dumanas ang Katalan ng isang ginintuang panahon kung saan umabot sa tugatog ng pagkahinog at kultural na yaman. Sumasaklaw ang mga halimbawa ng obra ni Ramon Llull (1232–1315), ng Apat na Dakilang Kronika (ika-13–14 na mga siglo), at ng obra ni Ausiàs March (1397–1459). Noong ika-15 na siglo, ang lungsod ng Valencia ay naging ang sentrong sosyokultural ng Korona ng Aragon, at narito ang Katalan sa buong mundong Mediteraneo. Habang itong panahon, isinulong ng Maharlikang Kansilyeriya (Catalan: Cancelleria Reial) ang mataas na uliran para sa wika. Malawak na ginagamit ang Katalan bilang opisyal na wika sa Sicilia hanggang sa ika-15 na siglo, at sa Cerdeña hanggang sa ika-17. Habang itong panahon, ang itong wika ay ang tinatawag ni Costas Carreras na "isa sa mga 'dakilang wika' ng mediebal na Europa."[4]

Ang nobelang kagalantihang Tirant lo Blanc (ni Joanot Martorell, noong 1490) ay ipinakita ang isang transisyon mula sa Mediebal hanggang sa Renasimiyentong mga asal. Ito ay naaninag din sa obra ni Bernat Metge. Nilimbag sa Katalan ang unang aklat na inilathala sa movable type sa Tangway ng Iberia.[5][6]

Simula ng modernong kapanahunan

baguhin

Espanya

baguhin

Salamat sa unyon ng mga korona ng Kastila at Aragon noong 1479, naghari ang mga haring Espanyol sa magkakaibang kaharian. Ang bawa't isa ay nagkaroon ng mga sariling kultural, lingguwistikong at politikal na katangian, at kailangan nilang manumpa sa Batas ng bawa't isang teritoryo sa harap ng kani-kanilang mga Parlamento. Pero pagkatapos ng Digmaan ng Paghalili sa Espanya naging Espanya isang ganap na monarkiya sa ilalim ng Felipe V ng Espanya, at ito nagdulot ng asimilasyon ng Korona ng Aragon sa Korona ng Kastila sa pamamagitan ng mga dekreto ng Nueva Planta, bilang unang hakbang sa kreasyon ng isang nasyong Espanyol. Bilang sa ibang mga kontemporanyong Europeong estado, nangahulugan ito ng pagpapataw ng mga politikal at kultural na katangian ng mga dominanteng grupo. Mula sa politikal na pagkakasundo ng 1714, patuloy ang mga polisiya ng asimilasyon ng mga Espanyol sa mga nasyonal na minorya.

Nagsimula ang prosesong pang-asimilasyon sa pamamagitan ng lihim na tagubilin sa mga corregidor ng teritoryong Katalan: "Masusing magtatrabaho [isang corregidor] para magpasok ng wikang Kastila. Para sa itong hangad ibibigay niya ang mga pinakaiingat-ingatang at pinakahihinahong paraan, upang ang epekto ay nakakamit, nang hindi napansin ang pag-aalaga [na kinabibilangan]." Galing doon, itinuloy ang mga gawain para sa asimilasyon, kung maiingat o mapupusok, tulad ng, noong 1799, Utos ng Hari (Catalan: Reial Decret) na ipinagbawal "ang representasyon, pag-awit, at pagsayaw ng mga piyesa [ng musika]] hindi sa Kastila." Kaya, kaunting-unting naging mas prestihiyoso ang paggamit ng Kastila, at nagsimula humina ang paggamit ng Katalan. Noong ika-16 na siglo, ang panitikang Katalan ay inimpluwensyahan ng Kastila, at naging bilingguwal ang mga noble, isang bahagi ng mga klaseng edukado.

Pransiya

baguhin

Sa pamamagitan ng Tratado ng Pirineos, nawalan ang Espanya ng Hilagang Cataluña sa Pransiya, at ang wikang Hilagang Katalan ay agad na inimpluwensyahan ng Pranses, na noong 1700 naging ang nag-iisang opisyal na wika ng rehiyon.

Pagkatapos ng Himagsikang Pranses (1789) ipinagbawal ng Unang Republika ng Pransiya ang rehiyonal na mga wika ng Pransiya, hindi lang ang Katalan, kundi pati ang Alsasyano, Breton, Oksitano, Plamenko, at Basko.

Pransiya: Ika-19–20 na siglo

baguhin

Pagkatapos ng kolonisasyong Pranses ng Algeria noong 1830, sinundan mga alon ng mga kolonistang catalanoparlants (Tagalog: (na) nag-Katalan). Tumanggap ang Oran ang mga tao mula sa Alicante, yamang tumanggap ang Algiers ng pandarayuhan mula sa Hilagang Cataluña at Menorca.

Kilala ang kanilang pagsasalita bilang patuet. Noong 1911, ang dami ng mga tagapagsalita ng Katalan ay humigit-kumulang 100,000. Pagkatapos ng pagpapahayag ng kalayaan ng Algeria mula sa Pransiya noong 1962, tumakas ang halos lahat ng mga tagapagsalita ng Katalan sa Hilagang Cataluña (bilang Pieds-Noirs) o sa Alacant.

Pormal na tinatanggap ng gobyerno ng Pransiya ang Pranses, at lamang Pranses, bilang isang opisyal na wika. Gayunman, noong 10 Disyembre 2007, ang Pangkalahatang Konseho ng Pyrénées-Orientales (Pranses: Conseil départemental des Pyrénées-Orientales, Catalan: Consell Departamental dels Pirineus Orientals) ay opisyal na tinanggap ang Katalan bilang isa sa mga wika ng departamento at hinahangad ang kaniyang pagtaas sa publikong buhay at sa edukasyon.

Espanya: Ika 18–20 na siglo

baguhin

Noong 1807, ang Opisina ng Estadistika ng Ministrong Panloob ng Pransiya ay humingi, sa mga préfet, ng opisyal na survey tungkol sa mga hangganan ng wikang Pranses. Humanap ang survey na sa Roussillon, sinalita halos lang ang Katalan, at dahil ang nais ni Napoleon ang inkorporasyon ng Cataluña sa Pransiya, bilang nangyari noong 1812, hiningi din ang konsul ng Barcelona. Ayon sa kanya, "[ang Katalan] ay itinuturo sa mga paaralan, nililimbag at sinasalita, hindi lang sa loob ng mga mas mababang klase, kundi pati sa loob ng mga tao ng unang kalidad, at saka sa mga sosyal na lipon, bilang sa mga bisita at kongreso," na ipinahiwatig na sinalita sa lahat ng dako "maliban na lang sa mahaharlikang korte". Ipinahiwatig din ng konsul na nag-Katalan "sa Kaharian ng Balensiya, sa mga pulo ng Mallorca, Menorca, Ibiza [kumbaga, mga Baleares], Cerdeña, Corsica [ang lugar ng kapanganakan ni Napoleon], at malaking bahagi ng Sicilia, sa Vall d'Aran, at Cerdaña".

Ang pagkatalo ng koalisyong pro-Habsburg sa Digmaan ng Paghalili sa Espanya (1714) ay nagdulot ng isang serye ng batas na, bukod sa iba pang mga panukala, ipinataw ang paggamit ng wikang Kastila sa legal na dokumentasyon sa buong Espanya. Dahil sa ito, humina ang paggamit ng wikang Katalan noong ika-18 na siglo.

Gayunman, nakita ng ika-19 na siglo ang isang Katalang pampanitikang pagbuhay (ang Renaixença) na ngayong itinutuloy. Nagsimula ang itong panahon sa Oda sa Tinubuang-Lupa (Catalan: Oda a la pàtria) (1833) at, noong huling bahagi ng ika-19 at unang bahagi ng ika-20 na mga siglo, ang obra nina Jacint Verdaguer (panulaan), Narcís Oller (mga nobelang realista), at Àngel Guimerà (drama). Noong ika-19 na siglo, ang rehiyon ng Carche, sa Rehiyon ng Murcia, ay nakita ang dagsa ng mga nag-Balensiya. Para sa ortograpiya ng Katalan itinayo ang uliran noong 1913 at naging opisyal ang wika habang Ikalawang Republikang Kastila (1931–1939). Nakita ng Ikalawang Republikang Kastila ang maiksing panahon ng pagtanggap, na may pagtanggal ng karamihang mga paghihigpit sa Katalan.

Sinimangot ang Katalang wika at kultura habang Digmaang Sibil ng Espanya (1936–1939) at habang kasunod ng mga dekada sa Cataluña sa ilalim ni Francisco Franco. Sa panahon ng kaniyang diktadura (1939–1975) ipinataw ang paggamit ng Kastila, at ipinagbawal ang paggamit ng Katalan, sa mga paaralan at publikong administrasyon sa lahat ng Espanya.

Gayunman, noong 1944, naging sapilitan (sa batas) na ang mga unibersidad na may Pilolohiyang Romanse ay sumasaklaw ng Pilolohiyang Katalan.[kailangan ng sanggunian] Maraming at prestihiyosong mga kultural na paligsahan ay nilalang para gantimpalaan ang mga obra na inilathala sa Katalan. Noong Enero 1944 nilalang ang premyong "Eugenio Nadal". Noong 1945, sa pamamagitan ng pahintulot at subsidyo ng gobyerno, ipinagdiwang ang sentenaryo ni Mossèn Cinto Verdaguer. Noong 1947 iginawad ang premyo ni Joan Martorell para sa mga nobela sa Katalan. Noong 1949, nilalang ang premyong Víctor Català para sa mga maikling nobela sa Katalan, ang premyo ni Josep Ysart para sa mga sanaysay, at ang premyong Ossa Menor (mamayang Carles Riba). Noong 1951, iginawad ang isang premyong pambansa, sa panulaan sa Katalan, na may mismong pinansiyal na dami bilang panulaan sa Kastila. Noong mismong taon, itinayo Selecta Editions para sa mga obra na nakasulat sa Katalan, at iginawad ni Josep Pla ang premyo ni Joanot Martorell para sa kaniyang panulaang El carrer estret. Noong kasunod na mga taon (mga dekada 50, 60, at 70) nilanang yuta-yutang premyo: ang Lletra d'Or, ang Amadeu Oller para sa panulaan, ang Sant Jordi (na may 150,000 peseta) para sa mga nobela, ang Honor Award of Catalan Letters, ang Verdaguer, ang Premyo ni Josep Pla, at ang Premyo ni Mercè Rodoreda para sa mga maikling kuwento at naratibo. Ang unang palatuntunang pantelebisyon sa Katalan ay inere sa panahong Franco, noong 1964.

Sabay-sabay, ginanap ang pagsupil ng Katalang wika at identidad sa mga paaralan at sentrong relihiyoso, at saka sa pamamagitan ng gobyerno. Ang nais ni Franco para isang populasyong Espanyol homoheno ay nakaakit ng mga ilang Katalan na sumuporta ng niyang rehimen. Mga ito ay pangunahing mga miyembro ng itaas na klase, na nagsimula talikdan ang Katalan. Sa kabila ng lahat ng mga kahirapan, patuloy na ginamit ang Katalan sa pribadong paraan, at nakasurvive ng diktadura ni Franco. Sa katunayan nakatiis ng pagsupil ang mararaming prominenteng Katalang awtor sa pamamagitan ng panitikan.

Bukod pa sa pagkalugi ng prestihiyo para sa Katalan at kaniyang pagsaway sa mga paaralan, ang migrasyon noong dekada 1950 hanggang sa Cataluña mula sa ibang mga bahagi ng Espanya nag-ambag din sa bawas ng paggamit ng Katalan. Ang itong mga migrante ay madalas na hindi nahalata ang Katalan at kaya hindi nakaramdan ang kailangan para mag-aral o gumamit ito. Ang Cataluña ay ekonomikong powerhouse ng Espanya, kaya patuloy na nangyari ang itong mga migrasyon mula sa lahat ng sulok ng bansa. Binawasan ang mga oportunidad para sa trabaho, para mga taong di-bilingguwal.

Ang kasalukuyang panahon

baguhin

Mula sa transisyong Espanya sa demokrasiya (1975–1982, Kastila: la Transición española) tinanggap ang Katalan bilang isang opisyal na wika, wikang pang-edukasyon, at wikang midyang pangmasa. Nag-ambag ang lahat ng mga ito sa kaniyang prestihiyong nabawi. Nasa Cataluña may isang malaking lingguwistikong komunidad na walang estado, isang sitwasyong walang paralelo sa Europa. Sapilitan ang pagtuturo ng Katalan sa lahat ng paaralan, pero puwede gumamit ng Kastila para mag-aral sa sistemang publikong pang-edukasyon ng Cataluña sa dalawang sitwasyon — kung ipinasiya ang guro gumamit ng Kastila, o kung kamakailang dumating isa o mas imigrante mag-aaral. Sa pagitan ng mga henerasyon may din isang kambiyo sa Katalan.

Mas kamakailan na, ang ilang mga puwersang politikal Espanyol ay nagtangka damihan ang paggamit ng Kastila sa sistemang Katalang pang-edukasyon. Dahil sa ito, noong Mayo 2022 hinimok ng Kataas-taasang Hukuman ng Espanya ang Katalang rehiyonal na gobyerno pagtibayin ang isang panukala na ang 25% ng lahat ng mga leksyon ay itinuturo sa Kastila.

Ayon sa Institutong Estadistikal ng Cataluña, noong 2013 ang wikang Katalan ay pangalawa sa pinaka karaniwang ginagamit na wika sa Cataluña, pagkatapos ng Kastila, bilang mga natibong tagapagsalita. Ang 7% ng populasyon ay bilingguwal, ang 36.4% ay monolingguwal sa Katalan, at ang 47.5% ay monolingguwal sa Kastila. Noong 2003 ang mismong mga estudyo ay nagpahayag na walang mahalagang diperensiya pagdating sa pagtukoy sa sarili ng mga taong 15 pataas: ang 5% ay bilingguwal, ang 44.3% ay monolingguwal sa Katalan, at ang 47.5% ay monolingguwal sa Kastila. Para isulong ang paggamit ng Katalan, ang Generalitat de Cataluña (ang opisyal na awtonomong pamahalaan ng Cataluña) ay gumagastos ng isang bahagi ng niyang taunang badyet para sa pagsusulong ng Katalan sa Cataluña at sa ibang mga teritoryo, sa pamamagitan ng mga entidad tulad ng Consorci per a la Normalització Lingüística (Tagalog: Consortium para sa Normalisasyong Lingguwistika).

Nasa Andorra ang Katalan ay nag-iisang opisyal na wika. Mula sa pagpapahayag ng Saligang Batas ng Andorra ng 1993, pinagtibay ang maraming polisiya pabor sa Katalan, tulad ng edukasyon sa Katalan.

Sa kabilang banda, sa kasalukuyan nangyayari maraming proseso ng kambiyong lingguwistiko. Sa Hilagang Cataluña (Pransiya) sumunod ang Katalan sa mismong uso bilang iba pang mga minoridad lingguwistika ng Pransiya, at kaya ang karamihang mga natibong tagapagsalita ay 60 pataas (noong 2004). Pinag-aaralan ang Katalan bilang isang wikang banyaga ng 30% ng mga estudyante sa edukasyong elementarya, at ng 15% sa edukasyong sekundarya. Isinusulong ng kultural na asosyasyong La Bressola ang isang network ng mga paaralang lokal na pinatatakbo ang mga programa para sa imersiyon sa wikang Katalan.

Sa lalawigang Alicante, ang Katalan ay pinapalitan ng Kastila, at sa Alghero, ng Italyano. May rin diglosiya nasa Comunidad Valenciana, Ibiza, at sa mas mababang lawak, sa nalalabing bahagi ng Baleares.

Noong ika-20 na siglo umalis ng Cataluña ang mararaming Katalan para sa Venezuela, Mehiko, Cuba, Arhentina, at mga ibang bayan ng Timog Amerika. Bumuo sila ng mararaming kolonyang Katalan na ngayon patuloy sa pinananatili ang wikang Katalan. Nagtatag din sila ng mararaming Katalang casal (asosasyon).

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Katalan sa Ethnologue (ika-18 ed., 2015)
  2. García Venero 2006.
  3. Burke 1900, p. 154.
  4. Costa Carreras & Yates 2009, pp. 6–7, "one of the 'great languages' of medieval Europe".
  5. Trobes en llaors de la Verge Maria ("Poems of praise of the Virgin Mary") 1474.
  6. Costa Carreras & Yates 2009, pp. 6–7.

Malayang pagbabasa

baguhin
  • Institut d'Estudis Catalans (2017a). Gramàtica de la llengua catalana (sa wikang Catalan). Barcelona. ISBN 978-84-9965-316-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  • Institut d'Estudis Catalans (2017b). Ortografia catalana (PDF) (sa wikang Catalan). Barcelona. doi:10.2436/10.2500.03.1. ISBN 978-84-9965-360-0. Inarkibo mula sa ang orihinal (PDF) noong 2021-07-12. Nakuha noong 2021-07-17.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)
  • Wheeler, Max; Yates, Alan; Dols, Nicolau (1999). Catalan: A Comprehensive Grammar (sa wikang Ingles). London: Routledge. ISBN 0-415-20777-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Wheeler, Max (2005). The Phonology of Catalan (sa wikang Ingles). Oxford: Oxford University Press. p. 54. ISBN 978-0-19-925814-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Wika, Espanya at Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.