Ang Venezuela, opisyal na Republikang Bolivariano ng Venezuela ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika. Sinasakop ng teritoryo ng Venezuela ang lawak na 916,445 km2 (353,841 mi kuw) na may tinatayang populasyon na 29,100,000. Itinuturing ang Venezuela na estado na may napakataas na biodiversity, na may mga naninirahang hayop at halaman mula sa mga kabundukan ng Andes sa kanluran hanggang sa mga kagubatan ng batis ng Amazon sa timog, na dumadaan sa malawak na mga kapatagan ng llanos at baybayaing Karibe sa gitna at sa Orinoco Delta sa silangan.

Republikang Bolivariano ng Venezuela
República Bolivariana de Venezuela (Kastila)
Salawikain: Dios y Federación
"Diyos at Pederasyon"
Awitin: Gloria al Bravo Pueblo
"Luwalhati sa Sambayanang Magiting"
Territory controlled by Venezuela shown in dark green; territory claimed but not controlled shown in light green
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Caracas
10°30′N 66°55′W / 10.500°N 66.917°W / 10.500; -66.917
Wikang opisyalKastila
KatawaganVenezolano
PamahalaanFederal presidential republic under a centralized authoritarian state
• Pangulo
Nicolás Maduro
Delcy Rodríguez
LehislaturaNational Assembly
Independence mula sa Espanya Espanya
• Declared
5 July 1811
• from Gran Colombia
13 January 1830
• Recognized
29 March 1845
20 December 1999
Lawak
• Kabuuan
916,450 km2 (353,840 mi kuw) (32nd)
• Katubigan (%)
3.2%[d]
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
30,518,260[1] (50th)
• Densidad
33.74/km2 (87.4/mi kuw) (144st)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $211.926 billion[2] (81st)
• Bawat kapita
Increase $7,985[2] (159th)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $92.210 billion[2] (94th)
• Bawat kapita
Increase $3,474[2] (145th)
Gini (2013)44.8[3]
katamtaman
TKP (2021)Decrease 0.691[4]
katamtaman · 120th
SalapiVenezuelan bolívar (official)
United States dollar (de-facto recognised, unofficial)
Sona ng orasUTC−4 (VET)
Ayos ng petsadd/mm/yyyy (CE)
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+58
Kodigo sa ISO 3166VE
Internet TLD.ve

Napapaligiran ang bansa ng Dagat Karibe at Karagatang Atlantiko sa hilaga, Guyana sa silangan, Brazil sa timog, at Colombia sa kanluran. Sa labas ng pampang nito, matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba, ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago. Venezolano/Venezolana (Ingles: Venezuelan) ang tawag sa mamamayan.

Ang teritoryong kilala ngayon bilang Venezuela ay sinakop ng Espanya noong 1522 sa gitna ng paglaban ng mga katutubo sa Venezuela. Noong 1811, isa ang bansa sa unang mga kolonya ng Espanya sa Amerika na nagpahayag ng kasarinlan, na hindi naging tuluyang matatag hanggang 1821, nang ang Venezuela ay isang kagawaran pa ng republikang pederal ng Gran Colombia. Tuluyan nitong nakamit ang kasarinlan bilang isang hiwalay na bansa noong 1830. Noong ika-19 na dantaon, nakaranas ang Venezuela ng kaguluhang pampulitika at autokrasya, nanatiling pinangunahan ng rehiyunal na mga caudillo (mga malalakas na tao sa militar) hanggang noong kalagitnaan ng ika-20 dantaon. Mula noong 1958, naranasan ng bansa ang serye ng mga pamahalaang demokratiko. Ang pagkagimbal sa ekonomiya noong mga dekada ng 1980 at 1990 ay nagdulot ng ilang mga krisis pampulitika, kasama ang mga nakamamatay na gulo (riot) ng Caracazo noong 1989, ang dalawang tangkang kudeta noong 1992, at ang pagtataluwalag (impeachment) ni Pangulong Carlos Andrés Pérez dahil sa katiwalian sa kaban ng bayan noong 1993. Ang pagbagsak ng tiwala sa mga umiiral na partido ang naghudyat sa pagkakaluklok noong halalan ng 1998 ng opisyal na dating kasama sa kudeta na si Hugo Chávez at ang paglulunsad ng Himagsikang Bolivariano, na sinimulan sa Asamblea sa Konstitusyon ng 1999 upang magsulat ng bagong Saligang-Batas ng Venezuela.

Ang Venezuela ay isang pederal na republikang pampanguluhan na binubuo ng 23 estado, ang Distritong Kabisera ng Venezuela (Venezuelan Capital District) kung saan kabilang dito ang Caracas, at ang mga federal dependencies ng Venezuela kung saan kabilang ang mga pulóng nakahiwalay sa Venezuela. Inaangkin din ng Venezuela ang lahat ng mga teritoryo ng Guyana sa kanluran ng Ilog Essequibo, isang malawak na sukat (tract) na tinaguriang Guayana Esequiba o ang Zona en Reclamación (ang sonang inaangkin).[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Venezuela". The World Factbook (sa wikang Ingles) (ika-2024 (na) edisyon). Central Intelligence Agency. Nakuha noong 22 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Venezuela)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 Oktubre 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Nobyembre 2023. Nakuha noong 14 Oktubre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Income Gini coefficient". undp.org. United Nations Development Programme. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hunyo 2010. Nakuha noong 21 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa wikang Ingles). United Nations Development Programme. 8 Setyembre 2022. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 8 Setyembre 2022. Nakuha noong 8 Setyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Geneva Agreement, 17 February 1966" (PDF). United Nations. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Enero 2013. Nakuha noong 15 Ene 2013.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)