Ang Caracas, opisyal na kilala bilang Santiago de León de Caracas, pinaikli bilang CCS, ay ang kabesera at ang pinakamalaking lungsod ng Venezuela, at ang sentro ng Rehiyong Metropolitano ng Caracas (o Kalakhang Caracas).[3] Matatagpuan ang Caracas sa may Ilog Guaire sa hilagang bahagi ng bansa, na sumusunod sa hulma ng makitid na Lambak Caracas sa Bulubunduking pambaybayin ng Venezuela (Cordillera de la Costa). Ang lambak ay malapit sa Dagat Karibe, hiwalay mula sa baybayin ng matarik na 2,200-metrong kataas (7,200 tal) bulubundukin, Cerro el Ávila; sa timog ay mas marami pang burol at bundok. Ang kalakhang rehiyon ng Caracas ay may tinatayang populasyon ng halos 3 milyon. Ito ang ikapitong pinakamataong metropolitanong lugar sa Latina Amerikana.

Caracas
Santiago de León de Caracas
Watawat ng Caracas
Watawat
Eskudo de armas ng Caracas
Eskudo de armas
Mga palayaw: 
La Sultana del Ávila
La Sucursal del Cielo
La Ciudad de la Eterna Primavera
Bansag: 
Muy Noble y Leal Ciudad
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 501: Unable to find the specified location map definition. Neither "Module:Location map/data/Venezuela" nor "Template:Location map Venezuela" exists.
Mga koordinado: 10°28′50″N 66°54′13″W / 10.48056°N 66.90361°W / 10.48056; -66.90361
CountryVenezuela
StateCapital District
Founded25 July 1567
NagtatágDiego de Losada
Pamahalaan
 • UriMayor–council
 • KonsehoGovernment of the Capital District
 • Chief of GovernmentDarío Vivas
Lawak
 • Capital City433 km2 (167 milya kuwadrado)
 • Metro
4,715.1 km2 (1,820.5 milya kuwadrado)
Taas
900 m (3,000 tal)
Pinakamataas na pook
1,400 m (4,600 tal)
Pinakamababang pook
870 m (2,850 tal)
Populasyon
 (2017)[1]
 • Capital City1,945,901
 • Kapal4,212.9/km2 (10,911/milya kuwadrado)
 • Metro
2,967,626
 • Densidad sa metro1,123.4/km2 (2,910/milya kuwadrado)
mga demonymCaraquenian (Spanish: caraqueño (m), caraqueña (f))
Sona ng orasUTC-04:00 (VET)
Postal codes[2]
1000–1090, 1209
Area code212
Kodigo ng ISO 3166VE-A
Websaythttp://www.caracas.gob.ve
The area and population figures are the sum of the figures of the five municipalities (listed above) that make up the Distrito Metropolitano.

Tinuturing na tiyak na sentro ng lungsod ang Catedral, na matatagpuan malapit sa Plaza Bolívar de Caracas[4], kahit na itinuturing din na ang Plaza Venezuela, matatagpuan sa pamayanan ng Los Caobos.[3][5][6] Ang pook Cacaíto, Plaza Luis Brión, at ang pamayanan ng El Rosal ay itinuturing din bilang heograpikong kalagitnaan ng Kalakhang Caracas.[7][8]

Kabilang ang mga kompanyang panserbisyo, bangko, at mga mall sa mga negosyo sa lungsod. Malakihang bahagi ng ekonomiya ng Caracas ang base se serbisyo, maliban sa ilang industriya sa metropolitanong saklaw nito.[9] Ang Pamilihang Sapi ng Caracas at ang Petróleos de Venezuela (PDVSA) ay nakasentro sa Caracas. Ang PDVSA ang pinakamalaking kompanya sa Venezuela. Ang Caracas ay kultural na kabesera rin ng Venezuela, na kakikitaan ng maraming restawran, teatro, museo at mga pamilihan. Ilan sa pinakamataas na skyscraper sa Latina Amerikana ang makikita rito[10], kasama na ang Parque Central Towers.[11]

Itinuturing na isa sa pinakamahalagang kultural, panturista, pang-industriya, at ekonomikong lunduyan ng Latina Amerikana. Ang Museo ng Kontemporaneong Sining ng Caracas ang isa sa pinakamahalaga sa Timog Amerika. Ang Museo ng Sining at ang Pambansang Galeriya ng Sining ng Caracas ay kilala rin.[12] Ang Pambansang Galeriya ng Sining ay tinitingnan din bilang ang pinakamalaking museo sa Latina Amerikana, ayon sa arkitekto nitong si Carlos Gómez De Llarena.[13]

Ang Caracas ang isa sa pinakamataas na tantos ng pagpatay sa bawat tao, na may 111.19 na kaso ng pagpatay sa kada 100,000 nakatira rito.[14]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Population projection for federal entities" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Oktubre 2012. Nakuha noong 30 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Postal Codes in Caracas". Páginas Amarillas Cantv. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2018. Nakuha noong 30 Disyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Caracas, Presente y Futuro: Ideas para Transformar una Ciudad". Alcaldía de Caracas. 1995.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Martín Frechilla, Juan José (2004). Diálogos reconstruidos para una historia de la Caracas moderna. Caracas, Venezuela: CDCH UCV.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Plaza Venezuela (Caracas) - Ciberturista". Ciberturista (sa wikang Kastila). 2010-01-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2018. Nakuha noong 2018-05-14. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Rodríguez, Verónica; Valero, Carla. "Una rayuela que se borra y se vuelve a dibujar cada día. Semblanza de lugar sobre la transformación urbanística y cultural de Sabana Grande" (PDF). Tesis de grado. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 10 Setyembre 2016. Nakuha noong 15 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Velásquez, Carmen (2004). "Espacio público y movilidad urbana. Sistemas Integrados de Transporte Masivo (SITM)" (PDF). Universitat de Barcelona. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Mayo 2018. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. ""¡Bienvenidos al oeste!", así recibieron vecinos a marcha que salió de Chacaito - Efecto Cocuyo". Efecto Cocuyo (sa wikang Kastila). 2017-04-22. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Mayo 2018. Nakuha noong 2018-05-14. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Caracas". Caracas.eluniversal.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Setyembre 2008. Nakuha noong 30 Abril 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "The Skyscraper Center". www.skyscrapercenter.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Mayo 2018. Nakuha noong 2018-05-03. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Caracas The Skyscraper Center". www.skyscrapercenter.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Mayo 2018. Nakuha noong 2018-05-01. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Valentina Quintero. 1998. Venezuela. Corporación Venezolana de Turismo. Caracas. 118p.
  13. "Entrevista Carlos Gómez de Llarena, arquitecto, creador de la Galería de Arte Nacional". 24 Marso 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2019. Nakuha noong 4 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "The Most Dangerous Cities in the World".