Lutuing Pranses

mga tradisyon ng Pransiya sa pagluluto

Ang lutuing Pranses (Pranses: Cuisine française) ay tradisyon at gawi sa pagluluto mula sa Pransiya. Noong ika-14 na siglo, sinulat ni Guillaume Tirel, isang kusinero ng korte na kilala bilang "Taillevent", ang Le Viandier, isa sa mga pinakaunang koleksyon ng resipi ng Edad-Medyang Pransiya. Noong ika-17 siglo, nanguna sina kusinerong François Pierre La Varenne at Marie-Antoine Carême sa kilusan na nagpalayo ng lutuing Pranses mula sa mga banyagang impluwensiya nito at naglinang ng sariling katutubong istilo ng Pransiya.

Isang presentasyon ng nouvelle cuisine
Presentasyon ng Pranses na haute cuisine

Malaking bahagi ng lutuin ang keso at alak. Magkaiba ang kanilang ginagampanan sa mga rehiyon at sa buong bansa, na may samu't saring baryasyon at batas ukol sa appellation d'origine contrôlée (AOC) (reguladong pangalan).[1]

Nakatulong ang turismong pampagkain at Guide Michelin sa pagpapakilala sa mga karaniwang tao ng cuisine bourgeoise ng mga mayayaman sa lungsod at ng lutuin ng mga mambubukid simula noong ika-20 siglo. Lumaganap at nagkaiba-iba ang maraming putahe na dating rehiyonal sa buong bansa.

Malaki ang impluwensiya ng kaalamang Pranses sa pagluluto sa mga lutuing Kanluranin. Malawakang ginagamit ang pamantayan nito sa mga Kanluraning lupon ng paaralan sa pagluluto at edukasyon pangkulinaryo. Noong Nobyembre 2010, idinagdag ang gastronomiyang Pranses ng UNESCO sa talaan nito ukol sa "di-materyal na pamanang kultural" ng mundo.[2][3]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Miller, Norman (Oktubre 2014). "The ABCs of AOC: France's Most Prized Produce" [Ang ABC ng AOC: Ang Pinakamahalagang Yari ng Pransiya]. FrenchEntree Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Mayo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bon appétit: Your meal is certified by the UN [Bon appétit: Sinertipika ang iyong pagkain ng UN] (sa wikang Ingles) Naka-arkibo 11-20-2010 sa Wayback Machine. Dallas Morning News
  3. UNESCO (2010-11-16). "Celebrations, healing techniques, crafts and culinary arts added to the Representative List of the Intangible Cultural Heritage" [Mga pagdiriwang, teknika sa pagpapagaling, gawang-kamay at sining sa pagluluto na idinagdag sa Kumakatawang Talaan ng Di-materyal na Pamanang Kultural] (sa wikang Ingles). UNESCO. Nakuha noong 2012-06-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.