Gabay Michelin

gabay pang-otel at panrestawran
(Idinirekta mula sa Guide Michelin)

Ang Gabay Michelin (Pranses: Guide Michelin [ɡid miʃlɛ̃]; Ingles: Michelin Guide) ay isang serye ng aklat panggabay na inilathala ng Michelin, isang Pranses na kompanya ng gulong, mula noong 1900. Iginagawad ng Gaby ng hanggang tatlong bituin Michelin para sa kahusayan sa ilang piling establisyimento. Maaaring magkaroon ng malaking epekto ang pagkuha o pagkawala ng bituin o mga bituin sa kapalaran ng isang restawran.

Gabay Michelin
Itinatag1900; 124 taon ang nakalipas (1900)
TagapagtatagMichelin
Bansang pinagmulanPransiya
Mga paksang di-piksiyonGastronomiya, turismo
Opisyal na websaytguide.michelin.com

Kasaysayan

baguhin
 
Ang unang Gabay Michelin, inilathala noong 1900

Noong 1900, wala pang 3,000 kotse ang nasa mga kalye ng Pransiya. Upang tumaas ang demand para sa kotse at, alinsunod dito, para sa gulong ng kotse, naglathala sina Édouard at André Michelin, mga pabrikante ng gulong ng kotse at magkapatid, ng gabay para sa motoristang Pranses, ang Gabay Michelin.[1] Ipinamahagi ang halos 35,000 kopya nitong unang, libreng edisyon ng gabay. Naglaan ito ng impormasyon para sa motorista, kagaya ng mga mapa, mga instruksiyon sa pagkukumpuni at pagpapalit ng gulong, listahan ng mekaniko ng kotse, mga otel, at mga gasolinahan sa Pransiya.

Noong 1904, naglathala ang magkapatid ng gabay para sa Belhika na kahawig sa Gabay Michelin.[2] Kasunod nito, gumawa rin ang Michelin ng mga gabay para sa Alherya at Tunisia (1907); mga Alpes at Rin (hilagang Italya, Suwisa, Baviera, at Olanda) (1908); Alemanya, Espanya, at Portugal (1910); Kapuluang Britaniko (1911); at "Ang mga Bansa ng Araw" (Les Pays du Soleil) (Hilagang Aprika, Katimugang Italya at Corsica) (1911). Noong 1909, nalathala ang isang gabay pang-Pransiya sa wikang Ingles.[3]

Noong Unang Digmaang Pandaigdig, isinuspinde ang publikasyon ng gabay. Pagkatapos ng giyera, patuloy na binigay ang mga binagong edisyon ng gabay hanggang 1920. Sinasabing nakapansin si André Michelin, habang bumibisita sa isang tagabenta ng gulong, ng mga kopya ng gabay na ipinampatong sa mesa. Batay sa prinsipyo ng "iginagalang lamang ng tao ang kanyang binabayaran", ipinasiya ni Michelin na maningil ng bayad para sa gabay, na mga 750 franc o $2.15 noong 1922.[4] Gumawa rin sila ng ilang pagbabago, partikular na ang paglilista ng mga restawran ayon sa mga tiyak na kategorya, pagdaragdag ng talaan ng otel (para sa Paris lamang noong una), at pagtatanggal ng mga patalastas sa gabay.[2] Palibhasa’y alam niya ang lumalagong kausuhan ng seksiyon ng restawran sa gabay, nagkalap sila ng pangkat ng inspektor para bisitahin at suriin ang mga restawran, at palagi silang anonimo.[5]

Kasunod ng paggamit sa gabay Murray at Baedeker, nagsimulang maggawad ang gabay ng mga bituin para sa mga pinakapinong kainan noong 1926. Noong una, isa lang ang iginawad na bituin. Pagkatapos, noong 1931, ipinakilala ang herakiya ng sero, isa, dalawa, at tatlong bituin. Sa wakas, noong 1936, nailathala ang pamantayan para sa ranggong nakabituin:[2]

  •   : "Isang mahusay na restawran sa kategorya nito" (Une très bonne table dans sa catégorie)
  •   : "Napakahusay na pagluluto, sulit paglikuran" (Table excellente, mérite un détour)
  •   : "Pambihirang lutuin, sulit sa espesyal na pagbibiyahe" (Une des meilleures tables, vaut le voyage).[5]

Noong 1931, binago ang pabalat ng gabay mula bughaw upang maging pula at nanatiling ganito sa lahat ng mga sumusunod na edisyon.[5] Noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, nasuspinde muli ang publikasyon. Noong 1944, sa kahilingan ng Kapangyarihang Alyado, muling inilimbag ang 1939 gabay sa Pransiya para gamitin ng militar; kinonsiderang pinakamahusay at pinakanaisapanahon ang mga mapa nito noon. Ipinagpatuloy ang publikasyon ng taunang gabay noong 16 Mayo 1945, isang linggo pagkatapos ng Araw ng VE.[2]

Sa mga unang taon pagkatapos ng digmaan, humantong ang mga nagtatagal na epekto ng kakulangan noong digmaan sa pagpapataw ng Michelin ng sukdulan hanggang dalawang bituin lamang; pagsapit ng 1950, naglista ang edisyong Pranses ng 38 establisyimento na nahatulang nakatugon sa pamantayang ito.[6] Noong 1956, nailathala ang unang Gabay Michelin ukol sa Italya. Walang nagawaran ng bituin noong unang edisyon. Noong 1974, nailathala ang unang gabay ukol sa Britanya mula noong 1931. Dalawampu't limang bituin ang iginawad.[7]

Noong 2005, inilathala ng Michelin ang kanilang unang gabay Amerikano, na sumasaklaw ng 500 restawran sa limang boro ng Lungsod ng New York at 50 otel sa Manhattan. Noong 2007, inilunsad ang isang Gabay Michellin para sa Tokyo. Sa parehong taon, sinimulan nila ang isang magasin, Étoile. Noong 2008, nagdagdag sila ng tomo para sa Hong Kong at Macau.[2] Mula noong 2013, inilalathala ang gabay sa 14 edisyon na sumasaklaw sa 23 bansa.[2]

Noong 2008, inatasan ang Alemanang restawradora na si Juliane Caspar bilang punong patnugot ng edisyong Pranses ng gabay. Bago nito, siya ang may pananagutan sa mga gabay Michelin sa Alemanya, Suwisa, at Austria. Siya ang naging unang babae at unang di-mamamayang Pranses sa puwestong ito. Nagkomento ang Die Welt, isang pahayagang Aleman, tungkol sa pagkahirang, "Dahil sa bagay na itinuturing ang lutuing Aleman bilang nakakamatay na sandata sa karamihang bahagi sa Pransiya, ang desisyong ito ay parang paghahayag ng Mercedes na isang taga-Marte ang bagong direktor ng produkto nito."[8][9]

Inanunsyo ng gabay ang unang talaan ng restawran nito sa estado ng Florida noong ika-9 ng Hunyo 2022, pagkatapos magkasundo sa mga kalupunang panturismo sa estado noong nakaraang taon.[10][11] Nagbigay ang gabay ng iisang ranggong dalawang bituin at labing-apat na ranggong isang bituin, pati rin ng 29 Bib Gourmands.[12][13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mayyasi, Alex (23 Hunyo 2016). "Why Does a Tire Company Publish the Michelin Guide?" [Bakit Inilathala ng Kompanya ng Gulong ang Gabay Michelin?]. Priceonomics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 2.5 "The Michelin Guide: 100 editions and over a century of history" [Ang Gabay Michelin: 100 edisyon at higit sa isang siglo ng kasaysayan]. ViaMichelin.co.uk (sa wikang Ingles). 2 Marso 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-05. Nakuha noong 20 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Le guide Michelin en quelques dates" [Ang Gabay Michelin sa Ilang Petsa]. Association des Collectionneurs de Guides et Cartes Michelin (sa wikang Pranses). 13 Mayo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wertenbaker, Charles (5 Hunyo 1954). "The Testing of M. Thuilier" [Ang Pagsubok ni M. Thuilier]. The New Yorker (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Hunyo 2016. Nakuha noong 1 Hulyo 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Michelin Guide History, restaurant and dining guides" [Kasaysayan ng Gabay Michelin, mga gabay sa restawran at kainan]. Provence and Beyond (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 19 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Michelin Guide" [Ang Gabay Michelin]. The Manchester Guardian (sa wikang Ingles). Blg. 32275. 28 Marso 1950. p. 4. Nakuha noong 17 Marso 2020 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Dawson, Helen (24 Marso 1974). "British Michelin revived" [e]. The Observer (sa wikang Britanyang Michelin at nabuhay muli). Blg. 9530. London. p. 40 – sa pamamagitan ni/ng Newspapers.com.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  8. Paterson, Tony (17 Disyembre 2008). "French find German's role hard to swallow" [Mga Pranses, hindi matanggap ang papel ng Alemana]. The Independent (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2022. Nakuha noong 18 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Paterson, Tony. "French shock at Michelin guide's first foreign chief" [Gulat ng mga Pranses sa unang banyagang pinuno ng gabay Michelin] (sa wikang Ingles), The Independent, 18 Disyembre 2008
  10. Freund, Helen (1 Nobyembre 2021). "Tampa, Orlando and Miami restaurants can now earn Michelin stars" [Mga restawran sa Tampa, Orlando at Miami, maaari nang makakuha ng bituing Michelin]. Tampa Bay Times (sa wikang Ingles).{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Frías, Carlos (16 Mayo 2022). "Mark your calendars. We finally know when Florida restaurants will get Michelin stars". Miami Herald. pp. Markahan ang iyong mga kalendaryo. Alam na natin kung kailan makakukuha ang mga restawran sa Florida ng bituing Michelin – sa pamamagitan ni/ng Bradenton Herald.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "MICHELIN Guide 2022 – Florida" [Gabay MICHELIN 2022 – Florida]. michelin.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2022. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Kara, Faiyaz. "The Michelin Guide handed out its stars tonight. Here are the Florida restaurants that earned them" [Nagbigay ang Gabay Michelin ng mga bituin nito ngayong gabay. Narito ang mga restawran sa Florida na nakakuha ng mga ito]. Orlando Weekly (sa wikang Ingles).