Kapuluang Britaniko
Ang Kapuluang Britaniko (Ingles: British Isles) ay isang kapuluang matatagpuan sa hilagang-kanluraning baybayin ng lupain ng Europa na binubuo ng malalaking pulo ng Gran Britanya at ng Irlanda, at ng higit pa sa anim na libong maliliit na pulo.
Pagkakahating pampolitika
baguhin- Reyno Unido, ang pinagkaisang kaharian ng mga bangsang Inglatera, Eskosya, Gales at Hilagang Irlanda. Mabibilang din dito ang Dependensiya ng Korona na Pulo ng Man.
- Republika ng Irlanda
Mga pulo at mga kapuluang maliliit
baguhin- Gran Britanya, ang pinakamalaki
- Irlanda, ang pangalawang pinakamalaki
- Pulo ng Man
- Pulo ng Wight
- Anglesey o Anglesea (bigkas: ang-GLE-sya)
- Kapuluan ng Sorlingas
- Kapuluan ng Orcadas (bigkas: OR-ka-das)
- Kapuluan ng Shetland
- Kapuluan ng Hebridas (bigkas: EB-ri-das)
- Pulo ng Portland
at maraming iba pang mga pulo sa paligid ng Gran Britanya at ng Irlanda.
Kapuluan ng Canal
baguhinAng Kapuluan ng Canal, o kapuluang Anglonormandas[1] (bigkas: ang-glo-nor-MAN-das) ay sa katunayan hindi bahagi ng Kapuluang Britaniko, kung heyograpiya ang pag-uusapan. Gayumpaman, dahil ito ay isang Dependensiya na Korona, ito ay kung minsan itinuturing na bahagi ng pangkalahatan (makroarkipielago).
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Islas Británicas (sa Kastila)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.