Ang haute cuisine (Pranses: [ot kɥizin]; lit. na 'lutuing pangmataas') o grande cuisine ay lutuin ng mga "mataas-antas" na establisyimento, mga gourmet na restawran, at mga mararangyang otel. [kailangan ng sanggunian] Kilala ang haute cuisine sa masusing paghahanda nito at maalagang pagtatanghal ng pagkain sa mataas na presyo.

Isang halimbawa ng presentasyong Pranses na ma-haute cuisine

Sinaunang kasaysayan

baguhin

Kinakatawan ng haute cuisine ang pagluluto at pagkokonsumo ng maingat na inihandang pagkain mula sa karaniwan at primerang sangkap, na inihanda ng mga espesyalista, at inatasan ng mga maykaya. Nag-ebolb nang nag-ebolb ito sa panahon ng mga monarkiya at burgesya at kanilang kakayahang gumalugad at gumastos para sa mga inihandang pagkain na may kakaiba at samu't saring lasa na may itsura na parang hinahangaang arkitektura. Nag-iba ang haute cuisine mula sa karaniwang lutuing Pranses sa pamamagitan ng mga iniluto at inihanda, sa pagkamtan ng mga primerang sangkap kagaya ng mga prutas na di-kapanahunan, at sa paggamit ng mga sangkap na hindi karaniwang mahahanap sa Pransiya.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sidney W. Mintz (1996). "Cuisine: High, Low, and Not at All". Tasting Food, Tasting Freedom: Excursions into Eating, Culture, and the Past [Pagtikim ng Pagkain, Pagtikim ng Kalayaan: Mga Ekskursiyon sa Pagkain, Kultura, at Ang Nakaraan] (sa wikang Ingles). Boston: Beacon Press. pp. 92–134. ISBN 978-0807046296.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)