Ulam

(Idinirekta mula sa Culinary art)

Ang ulam, putahe o potahe ay tawag sa mga pagkain na isinasama sa kanin kapag kinakain. Sa bansang tulad ng Pilipinas, ang ulam ay isang intigral na parte ng hapagkainan. Ang pinakamalapit na tawag sa ulam sa wikang Ingles ay viand.[1] Samantala ang putahe ay katumbas din ng salitang Ingles na cuisine[2], na nagmula sa Pranses na cuisine o "pagluluto", "sining ng pagluluto" o "kulinaryong sining", "kusina"; na nagmula naman sa Lating coquere, "magluto". Sa mas tiyak na kahulugan, isang ispesipiko o partikular na pangkat ng mga nakaugalian o mga tradisyon at pagsasagawa sa pagluluto, na karaniwang kaugnay ng isang partikular na kultura o kalinangan. Karaniwang pinapangalan ang ulam o putahe mula sa rehiyon o pook kung saan umiiral ang nasabing kalinangan. Pangunahin naiimpluwensiyahan ang putahe ng mga ingridyente o mga sangkap na makukuha sa lugar o sa pamamagitan ng pakikipagkalakal. Nakakaimpluho rin ng malakas ang mga pampananampalatayang mga batas sa mga putahe.

Halimbawa ng mga tinututuring na ulam o putahe sa Pilipinas ay ang adobo, sinigang, tinola at sisig.

Mga sanggunian

baguhin
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Blake, Matthew (2008). "Cuisine, putahe". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Putahe Naka-arkibo 2011-06-11 sa Wayback Machine..

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.