Turismong pampagkain

Ang turismong pampagkain ay ang paggalugad ng pagkain bilang ang hangarin ng turismo.[1] Tinuturing itong isang mahalagang bahagi ng karanasan ng turisomo.[2] Karaniwan sa mga turista ang pagkain sa labas at "pinaniniwalaang nakaranggo ang pagkain kaagapay ng klima, panunuluyan, at tanawin" sa kahalagaan sa mga turista.[2]

Naging tanyag ang turismong pampagkain noong pagkatapos na magsulat ni Erik Wolf, pangulo ng World Food Travel Association, tungkol sa paksang ito.[3]

Turismong pampagkain sa Pilipinas

baguhin

Ang bawat lugar sa Pilipinas ay may katangitanging putahe. Ang mga destinasyon ay talagang kayang maramdaman gamit ang limang pakiramdam. Dumadagdag sa karanasan at memorya ang mga pagkaing natitikman sa kanilang paglalakbay.

Pampanga

baguhin

Bilang ang tinagurian na sentro na pagkain sa buong Pilipinas, ang Pampanga ang kadalasang dinadayo ng mga panatiko pagdating sa food tourism. Dito makakakin ka ng masarap na sisig (isang putahe na gawa sa ulo ng baboy), tibok-tibok (minatamis na gawa sa gatas ng kalabaw) at ang pamosong halo-halo ng Razon’s (espesyal ito dahil hindi katulad ng ibang halo-halo, nagyelong gatas ang ginagamit dito at hindi ito naglalaman ng mga makukulay na sangkap).

Ilocos

baguhin

Sa bandang itaas pa ng archipelago ay matatagpuan ang iba’t ibang klase ng putaheng gawa sa baboy. Dalawa sa pinaka pamosong pagkain na makikita sa rehiyon na ito ay ang bagnet (isa pang tawag sa ilocanong chicharon) at ang longanisa.

Sa timog na bahagi ng Luzon matatagpuan ang isang lugar kung saan talamak ang mga pagkaing maanghang. Pinaka pamoso sa rehiyon na ito ang Bikol express kung saan ang sili ay tinadtad ng pino at niluto sa gata at nilagyan ng karne ng baboy. Para sa mga malakas ang loob, meron din silang tinatawag na Siling Labuyong Ice Cream.

Pamoso ang central ng Visayas sa kanilang kakaibang pagluto ng litson. Hindi mo na kinakailangan ng sawsawan para kainin ang litson na ito dahil sobrang malasa na ito. Isnasama nila ang ibatibang pampalasa sa loob ng baboy bago ito lutuin kaya mas nanonoot ang lasa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Long, Lucy (2004). Culinary Tourism (sa wikang Ingles). The University Press of Kentucky. p. 20. ISBN 9780813122922.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 McKercher, Bob; Okumus, Fevzi; Okumus, Bendegul (2008). "Food Tourism as a Viable Market Segment: It's All How You Cook the Numbers!". Journal of Travel & Tourism Marketing (sa wikang Ingles). 25 (2): 137–148. doi:10.1080/10548400802402404. hdl:10397/12108. S2CID 153688186.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "What is Culinary Tourism?" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-08-15. Nakuha noong 2018-08-15.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)