Kristiyanismo sa Pilipinas

Nakaranggo ang Pilipinas bilang ika-5 pinakamalaking Kristiyanong bansa sa Daigdig noong 2010,[2] kung saan halos 93% ng populasyon ang mga tagasunod.[1] Magmula noong 2019 , ito ang pangatlong pinakamalaking bansang Katoliko sa buong mundo (Brasil at Mehiko ang unang dalawa) at isa sa dalawang pangunahing bansang Katoliko sa Asya (Silangang Timor ang isa pa).[3]

Mga Kristiyanong Pilipino
Kabuuang populasyon
86,500,000
Mga rehiyong may malalaking populasyon
Karamihan sa Luzon at Visayas at minoridad sa Mindanao (dahil sa pangingibabaw ng pananampalatayang Islam)
Mga wika
Tagalog, Latin, Ingles, Bikolano, Aklanon Waray, Sebwano, Iloko, Hiligaynon, Bisaya, Pangasinense, Mëranaw, Kapampangan, Surigaonon, Karay-a, Ivatan, Chavacano, at iba pang mga wikang Pilipino

Ayon sa pambansang senso ng Pambansang Tanggapan ng Estadistika para sa taong 2010, tinatayang 90.1% ng mga Pilipino ang mga Kristiyano na binubuo ng 80.6% Katoliko, 2.7% Ebandyeliko, 2.4% Iglesia ni Cristo, 1.0% Aglipayan, at 3.4% iba pang mga pangkat-Kristiyano kabilang ang iba pang denominasyong Protestante (Bautista, Pentekostal, Anglikano, Metodista, at Adbentistang Pang-ikapitong Araw) pati na rin ang Ortodokso. Humigit-kumulang ng 5.6%[4] ng buong bansa ang Muslim; halos 1.0% hanggang 2.0% ang Budista; 1.8% ng buong populasyon ang sumusunod sa iba pang mga independiyenteng relihiyon, habang ang 1.0% hanggang 11.0% [5] ang di-relihiyoso.[6]

Kasaysayan

baguhin

Posibleng matatalunton ang maagang presensya ng Kristiyanismo sa Kapuluang Malay at Kapuluan ng Pilipinas sa mga negosyanteng Arabeng Kristiyano mula sa Tangway ng Arabia. Nagkaroon sila ng mga pakikipag-ugnay ukol sa kalakalan sa mga unang Malay na Raja at Datu na namuno sa mga iba't ibang Pulo. Napakinggan ng mga unang Arabo ang ebanghelyo mula kay Pedro ang Apostol sa Herusalem (Gawa 2:11), gayunding naebanghelyo ng ministeryo ni Pablo sa Arabya (Galacia 1:17) at pati na rin ng ministeryong ebanghelistiko ni San Tomas. Nitong huli, huminto sa Pilipinas ang mga Arabeng negosyante kasama ang Persyanong Nestoriano, habang patungo sila Timugang Tsina para makipagkalakalan. Gayunpaman, hindi nila tinangkang mag-ebanghelyo ng katutubong populasyon. Sa pagkalat ng Islam sa Arabya, natapos ang karamihan sa pamanang Kristiyano sa Arabya at natutok ang mga Arabeng manlalakbay sa pagkalat ng Islam sa Mindanao, kung saan ipinadala nila ang kaalaman tungkol kay Jesus bilang propeta sa mga mamamayang Moro.

Noong 1521, dumating sa Pilipinas si Fernando de Magallanes, isang nabiganteng at galugaring Portugues, sa ilalim ng Espanya habang hinahanap ang Kapuluang Maluku. Lumapag si Fernando de Magallanes at ang kanyang mga tauhan sa Cebu sa gitnang Pilipinas.[7]

Sa panahong ito, halos walang alam sa Kanluran ukol sa Pilipinas at sa gayon ang impormasyon sa karamihan ng mga pre-Hispanikong lipunan sa kapuluan ay nagsimula sa maagang panahon ng pakikipag-ugnay sa mga Kastila. Karamihan sa mga pamayanang Pilipino, maliban sa mga kasultanang Muslim sa Mindanao at Kapuluang Sulu, ay medyo maliit at kulang sa kumplikadong sentralisadong awtoridad. Dahil sa kawalan ng sentralisadong kapangyarihan, nakapagkumberte ang kakaunting Kastilang eksplorador ng mas mararaming katutubong tao kaysa sa pagtangka ng ganito sa mga mas malaking, mas organisadong pamamahala tulad ng mga kahariang Inindyano o ng Budismong Theravada sa Indotsina, Tagway ng Malaya at ang Tagway ng Indonesya.

Sa kanyang pagdating sa Cebu noong 17 Marso 1521, ang kanyang unang tangka ay sakupin ang mga isla at upang isa-Kristyano ang mga naninirahan dito. Ayon sa kwento nakasalubong si Magallanes kay Raha Humabon, pinuno ng isla ng Cebu, na may isang apong lalaki na may sakit. Si Magallanes (o isa sa kanyang mga tauhan) ay nakapagpagaling o tumulong sa bata, at bilang pagpapasalamat pinayagan ni Humabon ang kanyang sarili, ang kanyang pangunahing konsorte Humamay, at 800 napasailalim sa kanya na mabinyagan nang lansakan. Upang makamit ito, nagkaroon ang Espanya ng tatlong pangunahing layunin sa patakaran nito patungo sa Pilipinas: ang una ay ang pagtiyak sa kontrol ng Espanya at pagkuha ng bahagi sa kalakalan ng pampalasa; gamitin ang kapuluan sa pagbuo ng pakikipag-ugnay sa Hapon at Tsina upang maisulong ang mga pagsisikap ng mga Kristiyanong misyonero doon; at sa wakas upang magpakalat ng kanilang relihiyon.[8]

Pagkamatay ni Magallanes, kalaunang ipinadala ng mga Kastila si Miguel López de Legazpi. Dumating siya sa Cebu mula sa Bagong Espanya (Mehiko na ngayon), kung saan ipinakilala ng Espanya ang Kristiyanismo at naganap ang kolonisasyon sa Pilipinas.[9] Pagkatapos, itinatag niya ang unang Permanenteng Tirahan ng mga Kastila sa Cebu noong 1565. Ang tirahang ito ay naging kabisera ng bagong kolonya ng Espanya, kung saan naging unang gobernador nito si Legazpi. Pagkatapos ni Magallanes, sinakop ni Miguel López de Legazpi ang naisa-Islam na Kaharian ng Maynila noong 1570. Nakapagkalat ang mga Kastilang misyonero ng Kristiyanismo sa Luzon at Kabisayaan, ngunit naiwasan ng mga magkaiibang grupong etno-linggwistiko sa mga kabundukan ng Luzon ang pagsasanib ng Kastila dahil sa kanilang malayuang at bulubunduking rehiyon na mahiraap puntahan. Nanatili ang pananampalatayang Islam sa mga kasultanan sa Mindanao, na naroroon sa timog Pilipinas mula noong mga pagitan ng ika-10 at ika-12 siglo, ay dahan-dahang kumalat sa hilaga sa buong kapuluan, lalo na sa mga baybayin.[7] Dahil sa ganitong pakikipaglaban sa Kanluraning panghihimasok, mahalagang bahagi ang kwentong ito sa makabayang kasaysayan ng Pilipinas. Mararaming mananalaysay ang nagsabi na mapayapang tinanggap ng Pilipinas ang pamamahala ng Kastila; sa katotohanan, marami ang nagpatuloy na insureksyon at paghihimagsik sa maliitang paraan sa iba't ibang lugar noong panahon ng pananakop ng Kastila.

Mga kilalang tao

baguhin

Mahahalagang tradisyon

baguhin

Para sa karamihan ng mga Pilipino, nangingibabaw ang paniniwala sa Diyos sa maraming aspeto ng buhay. Ipinagdidiriwang ng mga Kritiyano ang mahahalagang kapistahan sa maraming iba't ibang paraan, kung saan pinakamahalaga ang Pasko, Kuwaresma at Semana Santa, Araw ng Kaluluwa, pati na rin ang mararaming lokal na pistang nagpapangaral ng mga santong patron at lalo na ang Birheng Maria. Madalas na bumabalik ang mga Pilipinong nakatira at nagtatrabaho sa Kalakhang Maynila at paminsan-minsan ang mga mula sa diaspora sa kani-kanilang mga lalawigan at bayan upang obserbahan ang gayong mga pista opisyal kasama ng kanilang mga pamilya, katulad ng kaugalian sa Kalupaang Tsina para sa mga tradisyonal na kapistahan. Malimit kaysa hindi, inaasahang mabibinyagan ang mga sanggol at indibidwal na Pilipino bilang mga Kristiyano upang pagtibayin ang pananampalataya kay Kristo at pagiging kasapi sa isang tiyak na denominasyon.[10]

Ang Pasko ang pinakamalaking pista, at isa sa pinakamamahal nitong ritwal ay ang Simbang Gabi o Misa-de-galyo, isang serye ng Misa na nagaganap bago mag madadaling araw ng mga siyam na araw bago ang Araw ng Pasko. Dumadalo ang mga deboto sa bawat Misa (na iba sa liturhiyang Adbiyento ng araw sa ibang lugar) sa kanilang paghihintay sa kapanganakan ni Kristo at para parangalan ang Birheng Maria, pati na rin ang paniniwala na nagsisiguro ang pagdalo sa pagsasiyam ng katuparan ng isang kahilingan na hiniling sa Diyos. Pagkatapos ng serbisyo, kumakain ang mga sumamba o bumibili ng almusal ng mga tradisyonal at masasarap na pagkain na ipinagbibili sa mga simbahan, pinakasikat dito ang puto bumbong at bibingka.

Kuwaresma

baguhin

Ang Kuwaresma ang pangalawang pinakamahalagang relihiyosong panahon, na ipinagugunita ang Pasyon at Kamatayan ni Kristo, na nagtatapos sa Paskuwa na ipinagdidirwang ang Muling Pagkabuhay ni Hesus. Simula sa Miyerkules ng Abo, malungkot ang damdamin sa Kuwaresma na nagiging mas matindi sa pagdating ng Semana Santa. Ang Semana Santa sa Pilipinas ay panahon na may lubusang kayamanan sa mga antigong tradisyon, na may mga pagbubulay-bulay mula sa mga katutubong kaugalian at paniniwala mula sa pre-Kristiyanong panahon.

Mga kaugalian

baguhin

Kasama sa mga kasanayan ang tuloy-tuloy at malambing na pagbigkas ng Pasyon, isang ika-17 siglong panulaang epiko na nagsasalaysay ng mga kwentong Bibliya at buhay ni Kristo, na nakatuon sa naratibo ng Pasyon (kaya ang pangalan nito). Nakuha mula sa sinaunang kasiningang Pilipino ng pasalitang paghatid ng mga tula sa pag-usal, madalas ginagampanan ang debosyon ng mga pangkat ng indibidwal, ang bawat miyembro ay umaawit nang salitan upang matiyak ang kumpletong, di-putol na pagbigkas ng teksto. Samantala nagtatanghal ang mga mananayaw ng teatro ng mga dula ng Pasyon na tinatawag na Senakulo, na magkatulad sa mga nauna sa Europa na walang unibersal na teksto, na ang mga aktor at tauhan ay karaniwang mga ordinaryong taong-bayan, at na nagpapakita ito ng mga eksena sa Bibliya na may kaugnayan sa Kasasayan ng Kaligtasan maliban sa Pasyon.

Ang Visita Iglesia ay ang pagdarasal ng Daan ng Krus sa ilang simbahan (kadalasan pito) sa Huwebes Santo o Biyernes Santo. Ang mga prusisyon ay pangunahing bahagi ng buong linggo, ang pinakamahalaga ito sa Miyerkules Santo, Biyernes Santo (kung kailan isinasadula ang paglibing kay Kristo sa imaheng Santo Entierro ng bayan) at ang maligayang Salubong na nangunguna sa unang Misa ng Linggo ng Pagkabuhay.

Isinasagawa ang pag-aayuno at pangingilin sa buong panahon at ipinatutupad ang mga tradisyonal na ipinagbabawal sa Biyernes Santo, madalas pagkatapos ng alas-3 ng hapon PHT (UTC+8)—ang oras na sinabi ni Cristo na namatay— sa buong Sabado de Gloria hanggang sa Bisperas ng Paskuwa. Limitado ang mga oras ng pagsasahimpapawid ng telebisyon at radyo at karamihan ng isinahimpapawid ay mga programa ng nagbibigay-inspirasyon kasabay ng mga relihiyosong serbisyo sa araw; pahinga rin ang mga pahayagan, habang sarado ang mga pamilihan at karamihan sa mga restawran upang makauwi ang mga empleyado. Madalas na isinasantabi ng mga tanyag na bakasyunan tulad ng Boracay ang ganitong kaugalian, habang ginagamit ng mararaming tao ang mahabang bakasyon para maglakbay sa ibang bansa sa halip na obserbahan ang mga tradisyonal na kaugalian.

Mga iba pang kapistahan

baguhin

Kinabibilangan sa mga ibang pagdiriwang ang Todos los Santos at Araw ng mga Kaluluwa noong Nobyembre, na pinagsama-sama sa panahong tinatawag na Undas. Tulad ng Pasko at Kuwaresma, umuuwi rin ang karamihan ng mga Pilipino sa panahong ito (ang pangatlong pinakamahalaga sa kalendaryo), ngunit may pangunahing hangarin na bisitahin at linisin ang mga libingan ng mga ninuno.

Ang Enero mismo ay may dalawang mahahalagang pagdiriwang-Kristolohikal: ang Piging ng Traslasyon ng Itim na Nazareno noong Enero 9, kung kailan ibinabalik ang imahen sa dambana nito sa Simbahan ng Quiapo sa isang buong araw na prusisyon ng milyun-milyon; at ang Piging ng Santo Niño de Cebu (Holy Batang Hesus) tuwing Ikatlong Linggo ng Enero, at ginaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa Lungsod ng Cebu.[7]

Noong Mayo, tuwing Flores de Mayo (literal na, "Bulaklak ng Mayo"), napapalamutian ang mga maliliit na altar ng mga bulaklak bilang paggalang sa Birheng Maria. Nagaganap din sa mga komunidad ang Santacruzan, na isang bahaging prusisyon na nagpaparangal ng pagtatampok sa Krus na Banal (sa dati nitong petsang Galisyano), at bahaging fashion show para sa mga binibini ng bayan.

Bilang karagdagan, mayroong pista ang karamihan sa alinmang lugar na mayroong santong patron (madalas mga barangay, bayan, mga paaralanng Katoliko, at halos bawat simbahan), kung saan nasasaayos ang imahen ng santo at ipinagdiwang ng mga tradisyunal na pagkain, funfair, at buhay na pagtatanghal sa kanyang kapistahan, na madalas na idineklara bilang pista opisyal para sa lugar. Ang mga halimbawa ng mga kapistahan ng patron ay ang Kapanganakan ni San Juan Bautista tuwing 24 Hunyo, kung kailan ipinagdidiriwang ng mga pamayanan sa ilalim ng kanyang pagtaguyod ang kanyang tag-araw na kapanganakan sa pamamagitan ng pagsasaboy ng tubig sa ibang tao, at ang triduum ng mga kapistahan na kilala bilang Sayaw sa Obando na ginaganap tuwing kalagitnaan ng Mayo, kung kailan sumasayaw ang mga deboto para sa kasaganaan sa isang kaugaliang may mga sinaunang ugat sa animista.

Tingnan din

baguhin

Talababa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Philippines still top Christian country in Asia, 5th in world". Inquirer Global Nation. Disyembre 21, 2011. Nakuha noong 2 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mula noong 2010, nakatira ang karamihan ng mga Kristiyano sa Estados Unidos na may 246.8 milyon), sinusundan ng Brasil na may 175.8 milyon, Mehiko na may 107.8 milyon, at Rusya na may 105.2 milyon.[1]
  3. "Timor-Leste: A young nation with strong faith and heavy burdens". The Catholic World Report. Abril 24, 2019.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. The Philippines in Figures 2014, census.gov.ph (archived from PIF.pdf the original July 28, 2014)
  5. http://www2.ttcn.ne.jp/~honkawa/9460.html (in Japanese)
  6. "Religion - Christianity". Stanford School of Medicine. Nakuha noong 22 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 7.2 Russell, S.D. (1999) "Christianity in the Philippines". Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Mayo 2019. Nakuha noong 2 Abril 2013. {{cite news}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "The Early Spanish Period, 1521-1762". Matthew Blake. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2015. Nakuha noong 2 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Religion in the Philippines". Asia Society. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2013. Nakuha noong 2 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Filipino Culture and Tradition". My Philippine Lifestyles. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Setyembre 2013. Nakuha noong 22 Abril 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

baguhin
  • Fenella Cannell, 1999, Power at Intimacy sa Christian Philippines. Cambridge: Cambridge University Press.
  • David J. Steinberg, 1982, The Philippines: A Singular and a Plural Place. Boulder, CO: Westview Press.