Visita Iglesia
Ang Visita Iglesia (literal sa Tagalog na "Pagdalaw sa Simbahan") ay isang matandang kaugaliang Katoliko ng pagdalaw sa pitóng simbahan sa gabí ng Huwebes Santo tuwing panahon ng Kuwaresma. Sa Huwebes Santo ng Mahal na Araw, kasunod ng Misa ng Hapunan ng Panginoon, ipinuprusisyon ang Banal na Sakramento patungo Altar na Pinaglalagakan ng Sakramento para sa pagpipintuho nito. Dumadalaw sa pitóng simbahan — kung minsa'y labing-apat, minsan nama'y walang tiyak na bílang — ang mga mananampalataya at nagdarasal sa Banal na Sakramento sa bawat simbahan.
Kasaysayan
baguhinAng tradisyon ng Visita Iglesia tuwing Huwebes Santo ay malamáng na nagsimula sa Roma, dahil dumadalaw sa pitóng basilika ang mga naglalakbay bílang kanilang penitensiya.[1][2]
Isang sinaunang ruta ng mga naglalakbay sa pagitan ng Inglatera at Roma ang Via Francigena. Naging kaugalian na magtapós ang paglalakabay sa libingan nina San Pedro at San Pablo. Noong 1300, ipinahayag ni Papa Bonifacio VIII ang unang Banal na Taon at nagkaloob ng tanging indulhensiya sa mga makasusunod sa ilang gawain at dadalaw sa Basilika ni San Pedro at Basilika ni San Pablo Extramuros. Sa pagdaan ng panahon, ang bílang ng simbahan na kailangang dalawin ay naging pitó.
Ang tradisyon ng pagdalaw sa pitóng simbahan ay sinimulan ni San Felipe Neri noong mga 1553.[3][4] Siya at ilang mga kaibigan ay magtitipon bago ang bukang-liwayway at dito sisimulan ang kanilang paglalakad patungò sa pitóng simbahan. Isinagawâ ang mga paglalakbay na ito, na kontrapunto sa maragalgal na kaugalian tuwing Karnabal.[5] Naging tanyág ang mga Paglalakad na ito at nagsimulang makaakit ng iba.
Kagawîan
baguhinPagkatapos ng Misa ng Hapunan ng Panginoon, na paggunita ng mga Kristiyano sa huling hapunan ni Hesukristo kasáma ang kaniyang mga Apostol, sa gabí ng pagdakip sa kaniya, gunugunita ng mga mananampalataya ang Paghihirap sa Halamanan ni Hesus.[6] Pagkatapos din ng misa tinatakluban ang pangunahin at mga altar sa tagiliran; lahat naman ng krus ay tinatanggal kung hindi kaya'y tinatakluban din. Inilalagay naman ang Banal na Sakramento sa tabernákulo sa Altar na Pinaglalagakan, at ang mga simbahan ay bukás hanggang gabí para sa tahimik na pamimintuho.[2] Tugon ito sa kahilingan ni Hesus sa kaniyang mga apostol habang sila'y nasa Hardin, gaya nang naitalâ sa Mateo 26:40, "Talaga bang hindi kayo makapagpuyat na kasáma ko kahit isang oras man lámang?"[6]
Sa mga nagbi-Visita Iglesia, pagkatápos nila dumalo ng Misa ng Hapunan ng Panginoon nagtutungo sila sa mga kalapít na simbahan upang magdasal sa Banal na Sakramento. Madalas itong magawâ sa kalungsuran kung saan magkakalapít ang mga simbahan na siyang nagpapadalî sa paglalakbay. Wala namang itinakdang dasal ang Simbahang Katolika, bukod sa panalangin para sa Santo Papa at pagsambit ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati sa Ama. Gayunman, dinarasal din ng mga nagbi-Visita Iglesia ang Daan ng Krus.
Gumawâ ng itineraryo si San Felipe Neri upang pagsamáhin ang kasayahan at ang pagbabahagi ng kanilang relihiyosong karanasán sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga pamana ng mga naunang Santo. Sa kasalukuyan, ang mga paglalakbay ay isinasaayos ng mga samaháng pamparokya at may kaugnayan sa iba pang parokya sa naturang lugar.[1][7]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Hill, William (2014-04-11). "Join the 7-church visits" (sa wikang Ingles). Diyosesis ng Pittsburgh. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-21. Nakuha noong 2016-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Finelli, Jay (2010-04-01). "The Seven Churches" (sa wikang Ingles). ipadre.net. Nakuha noong 2016-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Schneible, Ann (2012-11-12). "Visiting the Seven Pilgrim Churches of Rome" (sa wikang Ingles). Zenit. Nakuha noong 2016-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Charlotte pilgrims follow tradition of the Seven Churches Visitation". Catholic News Herald (sa wikang Ingles). Diyosesis ng Charlotte. 2014-04-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "St. Philip's 'Picnic'" (sa wikang Ingles). The Pontifical Congregation of the Oratory. 2016-03-25. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-07. Nakuha noong 2016-03-25.
{{cite web}}
: Text "accessdate - 2016-03-25" ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "Holy Thursday". CatholicCulture.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2015-03-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ McGrath, Carolee (2015-04-03). "Teens make Holy Thursday pilgrimage to seven churches in diocese" (sa wikang Ingles). Catholic Communications, Diyosesis ng Springfield. Nakuha noong 2016-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)