Basilika ni San Pedro

Ang Basilika ni San Pedro na kilala sa wikang Italyano na Basilica di San Pietro in Vaticano at sa wikang Ingles na St. Peter's Basilica ay pangalawa sa limang sikat na basilika sa Roma at Batikano. Maaaring ang pinakamalaking simbahan sa Kristiyanismo, ang lawak nito ay humigit kumulang 23,000 metro kuwadrado at kaya nitong humawak ng higit sa 60,000 na tao. Isa sa pinaka sagradong lugar sa Kristiyanismo, sa tradisyon, sa lugar nito sinasabing inilibing ang santong pinagpangalangan ng ng simbahan, si San Pedro na isa sa mga apostol ni Hesus, na unang Obispo ng Roma at unang Santo Papa. Kahit na hindi nabanggit sa Bagong Tipan na nagpunta si San Pedro sa Roma o minartir siya rito, nakasaad sa lumang tradisyon na ang kanyang libingan ay nasa ilalim ng altar kaya maraming Papa, magmula sa mga kaunaunahan, ay inilibing dito. Ang paggawa sa bagong simbahan ay sinimulan noong 18 Abril 1506 at natapos noong taong 1626. Ito ay ginawa sa lugar kung saan itinatag ng emperador na si Konstantino, ang unang emperador ng Roma na naging isang Kristiyano. Dito ginagawa ang mga seremonya ng Santo Papa dahil sa angking nitong laki at lapit nito sa tirahan ng Papa.

Basilika ni San Pedro
Basilica Papale di San Pietro in Vaticano (sa Italyano)
Basilica Sancti Petri (sa Latin)
Relihiyon
PagkakaugnaySimbahang Katoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonBasilica mayor
Taong pinabanal1626
Lokasyon
LokasyonLungsod ng Batikano
Mga koordinadong heograpikal41°54′8″N 12°27′12″E / 41.90222°N 12.45333°E / 41.90222; 12.45333
Arkitektura
(Mga) arkitektoDonato Bramante

Antonio da Sangallo the Younger
Michelangelo
Jacopo Barozzi da Vignola
Giacomo della Porta
Carlo Maderno

Gianlorenzo Bernini
IstiloRenaissance at Baroque
Groundbreaking18 Abril 1506 (1506-04-18)
Nakumpleto18 Nobyembre 1626 (1626-11-18)
Mga detalye
Haba730 talampakan (220 m)
Lapad500 talampakan (150 m)
Taas (max)452 talampakan (138 m)
Diyametro ng simboryo (panlabas)137.7 talampakan (42.0 m)
Diyametro ng simboryo (panloob)136.1 talampakan (41.5 m)
Websayt
Official website (sa Italyano)



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.