Hubileo

Paggunita sa isang pangyayari
Tungkol ito sa pagdiriwang, para sa tauhan sa komiks pumunta sa Jubilee (komiks).

Ang hubileo o hubelyo ay isang malaking pagdiriwang, pagsasaya, pagbubunyi, o anibersaryo katulad ng ginagamitan ng mga katagang ika-25 anibersaryo, o ika-50, ika-75, at iba pa. Maaari rin itong tumukoy sa isang buong taon ng pamamahinga ng mga Israelita, na batay sa Aklat ng Lumang Tipan ng Bibliya. Sa Katolisismo, ito ang indulhensiya sa pamamagitan ng mga debosyon.[1][2] Ayon kay Jose Abriol, nagmula ang salitang ito sa yobel o ang katawagang Hebreo para sa sungay ng isang lalaking tupa, na hinihipan bilang instrumentong gumagawa ng tunog kapag may pagdiriwang o kapag isinasagawa ang isang "hubileo".[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Jubilee, hubelyo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Hubileo". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 186.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.