Adbiyento

Panahon ng simbahang Kristiyano

Ang Adbiyento o Pagdating ay ang apat na linggo ng paghahanda bago dumating ang araw ng Pasko sa pananampalatayang Kristiyano.[1] Pasimula ito ng taon ng liturhiya sa Kristiyanismong Kanluranin.

Adbiyento
Advent2007candlelight.JPG
Pagsisindi ng mga kandila ng korona ng Adbiyento sa isang pagsamba sa simbahan
Ipinagdiriwang ngMga Kristiyano
UriKristiyano, pangkultura
KahalagahanPaghahanda para sa paggunita sa Kapanganakan ni Hesus
DalasTaunan

Nagmula ang pangalang Adbiyento sa salitang adventus, "pagdating" sa wikang Latin, na isinalin mula sa salitang parousia sa wikang Griyego. Sa Bagong Tipan, ginamit ang salitang ito para sa Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Kaya, inaasam sa panahon ng Adbiyento sa kalendaryong Kristiyano ang "pagdating ni Kristo" mula sa tatlong magkakaibang pananaw: ang pisikal na kapanganakan sa Belen, ang pagtanggap kay Kristo sa puso ng mananampalataya, at ang eskatolohikong Ikalawang Pagdating.[2]

Kabilang sa mga kaugaliang nauugnay sa Adbiyento ang mga kalendaryo ng Adbiyento, pagsindi ng korona ng Adbiyento, pagdarasal ng pang-Adbiyentong debosyon araw-araw,[3] pagtayo ng puno ng Pasko o puno ng Chrismon,[3] pagsindi ng Christingle,[4] pati na rin ang mga ibang paraan ng paghahanda para sa Pasko, kagaya ng pag-aayos ng mga palamuting pamasko,[5][6][7] isang kaugalian na ginagawa minsan sa liturhikal na paraan sa seremonya ng pagbitin ng mga halaman.[3][8]

TalasanggunianBaguhin

  1. Diksyunaryong Tagalog-Ingles ni Leo James English, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. "mula noong panahon ni Bernard ng Clairvaux (d.1153), natalakay ng mga Kristiyano ang tatlong pagdating ni Kristo: sa anyong tao sa Belen, sa ating mga puso araw-araw, at sa kaluwalhatian sa katapusan ng panahon (isinalin mula sa Ingles)" Pfatteicher, Philip H. (Setyembre 23, 2013). Journey into the Heart of God: Living the Liturgical Year [Paglalakbay sa Puso ng Diyos: Pamumuhay sa Taon ng Liturhiya] (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 9780199997145 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.
  3. 3.0 3.1 3.2 Kennedy, Rodney Wallace; Hatch, Derek C (27 August 2013). Baptists at Work in Worship. Wipf and Stock Publishers. pa. 147. ISBN 978-1-62189-843-6. Sipi: There are a variety or worship practices that enable a congregation to celebrate Advent: lighting an advent wreath, a hanging of the greens service, a Chrismon tree, and an Advent devotional booklet.
  4. Geddes, Gordon; Griffiths, Jane (2001). Christianity. Heinemann. pa. 99. ISBN 978-0-435-30695-3. Sipi: Many churches hold Christingle services during Advent. Children are given a Christingle.adaa
  5. The Lutheran Witness. Bol. 80. Concordia Publishing House. 1961.
  6. Michelin (10 October 2012). Germany Green Guide Michelin 2012–2013. Michelin. pa. 73. ISBN 9782067182110. Sipi: Advent – The four weeks before Christmas are celebrated by counting down the days with an advent calendar, hanging up Christmas decorations and lightning an additional candle every Sunday on the four-candle advent wreath.
  7. Normark, Helena (1997). Modern Christmas. Graphic Garden. Sipi: Christmas in Sweden starts with Advent, which is the await for the arrival of Jesus. The symbol for it is the Advent candlestick with four candles in it, and we light one more candle for each of the four Sundays before Christmas. Most people start putting up the Christmas decorations on the first of Advent.
  8. Rice, Howard L.; Huffstutler, James C. (1 January 2001). Reformed Worship. Westminster John Knox Press. pa. 197. ISBN 978-0-664-50147-1. Sipi: Another popular activity is the "Hanging of the Greens," a service in which the sanctuary is decorated for Christmas.