Palamuting pamasko
Ang palamuting pamasko ay anumang ilang mga uri ng palamuti na ginagamit tuwing kapanahunan ng Pasko. Ang nakaugaliang mga kulay ng Pasko ay ang lunti ng punong pino (palagiang lunti), puti ng niyebe, at pula ng puso. Ang bughaw at puti ay kadalasang ginagamit upang kumatawan sa taglamig, o sa paminsan-minsan ng Hanukkah, na nagaganap sa halos kaparehong panahon. Ang ginto at pilak ay napakakaraniwan din, katulad ng anumang iba pang mga kulay na metaliko. Ang karaniwang mga ikono o kinatawang larawan ng pagdiriwang ay ang mga wangis ng Sanggol na Hesus, Santa Claus, at ang bituin ng Betlehem. Ang karaniwang ikono ng taglamig ay kinabibilangan ng tiklap ng niyebe, taong niyebe, at mga yelong nakabitin, at pati na ang mga penguino at mga oso ng polo.
Sa maraming mga bansa, maraming iba't ibang mga uri ng mga palamuting ginagamit ayon sa mga kaugalian at nakukuhang mga bagay.
Ang punong pamasko ay kadalasang ipinaliliwanag bilang isang Kristiyanisasyon ng tradisyon at ritwal na pagano na nakapaligid sa solstisyo ng taglamig, na kinabibilangan ng paggamit ng mga sangang palaging lunti ang kulay, at isang pag-aangkop ng pagsamba sa puno.[1] Ang pariralang Ingles na "Christmas tree" ay unang naitala noong 1835[2] at kumakatawan sa pag-aangkat mula sa wikang Aleman. Ang makabagong tradisyon ng punong pamasko ay pinaniniwalaang nagsimula sa Alemanya noong ika-18 daantaon[1] bagaman maraming mangangatwiran na si Martin Luther ang nagpasimula ng tradisyon noong ika-16 na daantaon.[3][4] Magmula sa Alemanya, ang kostumbre ay ipinakilala sa Inglatera, una sa pamamagitan ni Reyna Charlotte, asawa ni George III, at pagkaraan ay mas matagumpay na nailunsad ni Prinsipe Albert noong panahon ni Reyna Victoria. Ang maimpluwensiyang imahe ng pinalamutiang punong pamasko ng Reyna na may kulay na nananatiling lunti ay muling inilathala sa Estados Unidos, at bilang unang malawakang ipinamudmod na larawan ng isang pinalamutiang punong pamasko sa Amerika, ang kostumbre ay lumaganap doon.[5] Ang mga punong pamasko ay maaaring palamutian pa ng mga ilaw at mga ornamentong pamasko.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 van Renterghem, Tony. When Santa was a shaman. St. Paul: Llewellyn Publications, 1995. ISBN 1-56718-765-X
- ↑ Harper, Douglas, Christ, Online Etymology Dictionary, 2001.
- ↑ "The Chronological History of the Christmas Tree". The Christmas Archives. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 21, 2007. Nakuha noong Disyembre 18, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Christmas Tradition – The Christmas Tree Custom". Fashion Era. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 18, 2007. Nakuha noong Disyembre 18, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shoemaker, Alfred Lewis. (1959) Christmas in Pennsylvania: a folk-cultural study. Edisyon bilang 40. p. 52 at 53. Stackpole Books 1999. ISBN 0-8117-0328-2