Si Santa Claus, na karaniwang iniuugnay sa Pasko, ay karaniwang inilalarawan bilang isang malaki, mataba at masayahing lalaki na nakasuot ng pulang damit na ginayakan ng puting palamuti. Ayon sa Amerikanong bersiyon ng alamat, si Santa, kapag pinapaikli ang kaniyang pangalan, ay nakatira sa Hilagang Polo sa piling ng kaniyang asawang si Ginang Klaus o Mrs. Claus, ilang mga duwende na gumagawa ng mga laruan, at mga usang reno na humihila ng kaniyang kareta o paragos. Sa bersiyong Nordiko ng alamat, nakikilala si Santa Claus bilang Amang Pasko o Father Christmas at sinasabing nakatira sa Lapland, Finland. May kaugnayan din siya sa pagdadala ng mga regalo sa maliliit na mga bata tuwing Pasko sa pamamagitan ng pagpapadulas sa mga tsimneya, at mayroong ding mga usang reno na humihila ng kaniyang paragos.Subalit hindi siya nakikita, napagtanto na totoo daw si Santa Claus

Pinagmulan ni Santa Claus

baguhin

Ang tradisyon ay orihinal na nagmula sa Finland (mga bansang Nordiko) at lumaganap sa mundo. Pinaka pinaniniwalaan na nalikha ang Santa Claus magmula sa Olandes na Sinterklaas na ipinagdiriwang tuwing bisperas ni San Nicolas (Disyembre 5) sa Netherlands. Noong Kristiyanisasyon ng Hermanikong Europa, ang katauhang Sinterklaas ay maaaring nagsama ng mga elemento ng Diyos na si Odin na nauugnay sa paganong Diyos na ipinagdiriwang tuwing Yule at nanguna sa isang Wild Hunt na isang prusisyong makamulto sa kalangitan. Sa paglipas ng panahon, ang mga katangian ng katauhang SinterKlaas ay isinama sa mga katangian ng katauhang British na Father Christmas upang maging Santa Claus sa modernong panahon.

Ibang katawagan

baguhin
 
Santa Klaws sa Century Park Hotel, Nobyembre 2015

Iba-iba ang pangalang ginagamit para kay Santa Claus sa iba’t ibang bansa [7].

Nguni’t sa Pilipinas, kilala siya sa pangalang Santa Klaws[1]. Ang tunay at buo niyang pangalan ay Santa Klaws[2].

Sa programang pantelebisyon na “Wowowin” na ipinalabas sa GMA 7 noong ika-31 ng Oktubre 2017,[3] kinausap si Santa ni Willie Revillame, ang host, at ipinakita sa lahat ng nanonood ang driver’s license ni Santa kung saan ang pangalan niya ay “Santa Klaws.”

Siya ay may lahing Pilipino at Irish. Siya rin ang tagapagtatag at punong opisyal sa pagpapaunlad ng negosyo o chief business development officer ng Pacific Santa’s Inc.[4], isang kumpanya na rehistrado sa Kagawaran ng Kalakalan at Industriya[5] na dumadalo at nagbibigay ng kasayahan sa mga kaganapan ng mga korporasyon at naglulunsad ng mga kampanyang pangkawanggawa para sa mga mahihirap, lalo na ang mga bata [6], mula noong itinatag ito noong ika-6 ng Pebrero 1964.

Ayon sa isang ulat ng Manila Bulletin[7], ipinanganak si Santa Klaws sa Zamboanga. Isang Pilipinong mestizo ang kanyang ama habang isang Irish ang kanyang ina. Nagsimula siyang magbihis ng kasuotang Santa sa edad na 15 taon, at nakita niya na marami siyang magagawa bilang Santa noong siya ay bumisita sa isang kolony ng mga ketongin sa Cebu.

Ayon sa ulat, may dalawang masters degree si Santa, sa child psychology at business administration.

“Inialay ko ang aking buhay sa imahe ng isang mapayapa at mapagmahal na ambasador na nagsisiwalat ng kapayapaan sa lahat sa ngalan ng ating tagapagligtas na si Hesus,” ani Santa. “Hindi pinipili ng tao ang kasuotan. Ang kasuotan ang pumipili sa tao.”

Tahanan ni Santa Claus

baguhin

Ayon sa mitong Nordiko, nakatira si Santa Claus sa isang maliit na burol na tinatawag na Korvatunturi sa Lapland, Finland. Mayroong isang liwasang may tema sa Rovaniemi, na malapit sa Korvatunturi, na tinatawag na Nayon ni Santa Claus o Santa Claus Village.

Ang santong nakapagbigay ng inspirasyon sa alamat ni Sinterklaas, na kung gayon ay si Santa Claus ay si San Nicolas, na namuhay noong ika-4 na daantaon AD at mayroong isang reputasyon na palihim na nagbibigay ng mga aginaldo, katulad ng paglalagay ng mga barya sa mga sapatos ng mga nag-iiwan ng mga sapatos na ito para sa kaniya.[8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. “He came to town,” SunStar of Bacolod, Feb. 5, 2016. Retrieved 2018-2-21 [1] Naka-arkibo 2017-07-06 sa Wayback Machine.
  2. Angelo G. Garcia, "Santa is in town and he's at the Manila Hotel," Manila Bulletin, Nov. 20, 2016. Retrieved 2018-2-21 [2] Naka-arkibo 2018-02-13 sa Wayback Machine.
  3. "Willie Revillame, nakilala si Santa Klaws sa Wowowin" [3] Naka-arkibo 2018-02-19 sa Wayback Machine.
  4. [4]
  5. "Archive copy" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-02-19. Nakuha noong 2018-02-20.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "It’s a Christmas carol holiday at The Manila Hotel", Philippine Daily Inquirer, Nov. 20, 2015. Retrieved 2018-2-21[5]
  7. Angelo G. Garcia, "Santa is in town and he's at the Manila Hotel," Manila Bulletin,Nov, 20, 2016 [6] Naka-arkibo 2018-02-13 sa Wayback Machine.
  8. "Santa Claus". Encyclopædia Britannica. Nakuha noong 2010-12-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.