Ang Laponia, (Pinlandes: Lappi; Sweko: Lappland; Inggles: Lapland) o Laplandiya[1] ay isang rehiyon sa hilagang bahagi ng Europa. At dahil hindi ito tumutukoy sa isang bansa, wala itong tiyak na mga hangganan. Ibinigay ang pangalang ito sa hilagang Noruwega, Suwesya, at Pinlandiya, kasama pa ang mga katabing mga parte ng Tangway ng Kola sa hilagang kanlurang Rusya. Umaabot ito sa Dagat Noruwego sa kanluran hanggang sa Dagat na Puti sa silangan, at mula sa Dagat ng Barents ng Karagatang Artiko sa hilaga magpahanggang Golpo ng Bothnia sa timog.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Literal na saling pang-ortograpiya.
  2. "Lapland". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Europa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.