Ikalawang pagbabalik

(Idinirekta mula sa Parousia)

Sa Kristiyanismo at islam, ang Ikalawang Pagbabalik ni Hesus o Second Coming na minsang tinatawag na parousia ay tumutukoy sa inaasahang pagbabalik ni Hesus sa mundo. Ang paniniwalang ito ay batay sa mga hula na matatagpuan sa mga kanonikal na ebanghelyo at sa karamihan ng mga eskatolohiyang Krsitiyano at Islamiko. May mga iba't ibang mga interpretasyon at pananaw ang iba't ibang mga sekta ng Kristiyanismo tungkol sa Ikalawang Pagbabalik ni Hesus. Maraming mga iskolar ng bibliya ay naniniwalang si Hesus ay isang apokaliptikong Propeta na humula sa nalalapit na pagwawakas ng daigdig na magaganap noong unang siglo at hahatol kasama ng kanyang 12 apostol sa 12 lipi ng Israel (Mateo 19:28). [1] Isinaad sa bibliya na sinalita ni Hesus sa kanyang mga alagad na "ang henerasyong ito ay hindi papanaw hangga't hindi natutupad ang lahat ng mga bagay na ito.(Mateo 24:34,Marcos 13:30–33). Ayon sa mga skolar, ang henerasyon sa Griyego ay nangangahulugang "mga kakontemporaryo; mga ipinanganak sa parehong panahon; mula 30 hanggang 40 taon". Ito ay sinusuportahan ng mga talatang Marcos 8:11–12,38,9:19–20. Ayon sa Griyegong historyan na si Herodotus, "ang tatlong mga henerasyon ng mga tao ay bumubuo ng 100 mga taon". Sa Mateo 16:24–28, isinaad na sinalita ni Hesus sa kanyang mga alagad "Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan hanggang hindi nila makita ang Anak ng Tao sa kaniyang paghahari, sa kaniyang pagdating.". Sinabi ni Hesus sa 12 mga alagad sa Mateo 10:1,23 na " Ngunit kapag inuusig nila kayo sa lungsod na ito, tumakas kayo patungo sa iba sapagkat katotohanang sinasabi ko sa inyo: Hindi pa ninyo natatapos libutin ang mga lungsod ng Israel, darating na ang Anak ng Tao." Nang mabigo ang huling pagbabalik ni Hesus pagkatapos ng ilang mga dekada, ang tekstong ito ay muling pinakahulugan ng kanyang mga tagasunod.[2] Ang inaasahang nalalapit pagbabalik ni Hesus ng mga Kristiyano noong unang siglo CE ay makikita rin sa ibang mga aklat ng Bagong Tipan at mga Sulat ni Pablo. Si Apostol Pablo ay naniwalang ang pagbabalik ni Hesus ay mangyayari habang siya ay nabubuhay noong unang siglo(1 Tesalonica 4:15–17,1 Corinto 7:29–31,15:51–54 ). Ayon sa 1 Juan 2:18Ang ilang mga komentador ng bibliya ay naniniwalang ang Marcos 13:32 ay isang kalaunang dagdag ng sinaunang Simbahan upang pangatwiranan ang pagkaantala ng inaasahang nalalapit na muling pagbabalik ni Hesus sa unang siglo CE. Kanilang ikinatwiran na dahil hindi kailanman ginamit sa Marcos ang absolutong anyong "ang Anak" sa iba pang lugar, ang pag-iral nito ay dapat pagdudahan. [3]

Mga pananaw o interpretasyon ng mga Kristiyano sa Ikalawang pagbabalik ni Hesus

baguhin
  • Preterismo
    • Parsiyal na preterismo:Ang pananaw na karamihan sa mga hula tungkol sa ikalawang pagbabalik ni Hesus ay naganap sa pagbagsak ng Herusalem noong 70 CE ngunit ang huling ikalawang pagbabalik ay sa hinaharap. Ito ang nananaig na anyo ng preterismo sa kasalukuyan. Kabilang sa mga kilalang tagapagtaguyod nito ang mga mga teologong sina R.C. Sproul, Kenneth L. Gentry, Jr., Gary DeMar, David Chilton(na naging buong preterista pagkatapos malimbag ang lahat ng kanyang mga aklat).
    • Buong Preterismo:Ang pananaw na ang lahat ng mga hula tungkol sa ikalawang pagbabalik ni Hesus ay naganap na noong 70 CE at tumatanggi sa panghinaharap na pangkatawang pagbabalik ni Hesus. Kabilang sa mga tagapagtaguyod nito ang mga teologong sina J. Stuart Russell, Max R. King, David Chilton, Ed Stevens, Don K. Preston, John Noe, at John L. Bray.
  • Historisismo: Ang pananaw na ang muling pagbabalik ni Hesus ay sa hinaharap.
  • Futurismo at Dispensasyonalismo: Ang pananaw na ang mga hula tungkol sa ikalawang pagbabalik ni Hesus ay sa hinaharap.

Mga palpak na hula sa muling pagbabalik ni Hesus

baguhin
 
Pag-aanunsiyo ng Araw ng Paghuhukom na magaganap sa Mayo 21,2011 ng tagasunod ni Harold Camping, Radio City Music Hall, New York.
Hinulaang petsa ng Ikalawang pagbabalik ni Hesus Nag-aangkin Paglalarawan
1700 Henry Archer Binilang ni Archer ang 1335 mga taon mula sa wakas ng paghahari ni Julian ang Tumalikod(na ang petsa ng paghahari ay hindi matiyak) na kinuha ang 1335 araw mula sa Aklat ni Daniel 12:12 batay sa interpretasyong araw-taon ng ilang mga sektang Kristiyano.[4]
1757 Emanuel Swedenborg Sumunod sa Huling Paghuhukom noong 1757 na naganap sa daigdig na espiritwal.[5][6] [7]
1829 Sep 15 George Rapp Tagapagtatag at pinuno ng Harmony Society na humula na sa Setyembre 15,1829, ang tatlo at kalahati ng Babae ng Apokalipsis ay magwawakas at si Kristo ay magsisimula ng kanyang paghahari sa daigdig,.[8] Ang mga hindi pagkakasunduan ay lumago nang ang mga hula ni Rapp ay hindi natupad. Noong Marso 1832, ang ikatlong pangkat at ilan pa ay nagsimulang sumunod sa isang lalakeng nagngangalang Bernhard Müller na nag-angking Leon ni Judah. Gayunpaman, ang karamihan ng mga kasapi ng pangkat ay nanatili at ipinagpatuloy ni Rapp ang pamumuno sa kanila hanggang sa kanyang kamatayan noong Agosto 7, 1847.[9]
1844 Oct 22 William Miller, Mga Millerite Ang hindi pagkatupad ng hulang ito ay kalaunang tinukoy na Dakilang Pagkasiphayo. Ang ilang mga Millerite ay nagpatuloy na magtakda ng mga petsa. Ang ilan ay nagtatag ng Adbentistang Ikapitong araw(Sabadista) at Simbahang Kristiyanong Adbento na nagpatuloy sa pag-asa sa nalalapit na ikalawang pagbabalik ni Hesus.
1874 Charles Taze Russell Ang unang pangulo ng ngayong Watchtower Society ng Jehovah's Witnesses ay kumwenta ng taong 1874 bilang ang taon ng ikalawang pagbabalik ni Hesus at hanggang sa kanyang kamatayan ay nagturo na si Kristo ay hindi makikitang presente at namumuno sa mga kalangitan mula sa petsang hinulaang ito. [10][11][12][13] Inihayag ni Russell ang hindi makikitang pagbabalik ni Hesus noong 1874,[14] at muling pagkabuhay ng mga santo noong 1875,[15] humula ng wakas ng pag-aani at isang rapture ng mga santo sa 1878,[16] at ang huling wakas ng "araw ng poot" noong 1914.[17][18]
1891 Joseph Smith, Mormons Sa Kasaysayan ng Simbahang Mormon, ang isang salaysay ng saksi ng hula ni Joseph Smith noong 1835 ay nagtala na ang pagbabalik ni Hesus ay mangyayari sa loob ng 56 taon.
1917 hanggang 1930 Sun Myung Moon
1930 hanggang 1939 Rudolf Steiner Si Steiner ay humulang si Kristo ay muling lilitaw sa eteriko o pinakamababang espiritwal na plano sa simula ng mga 1930.[19]
1975 Herbert W. Armstrong Si Armstrong, Pastor-Heneral ng Radio Church of God at pagkatapos ay ng Worldwide Church of God ay naniwalang ang pagbabalik ni Kristo ay sa taong 1975.
1980 Pat Roberston Isinaad ni Robertson na sa taong 1980 ay aahon ang kaharian ng kanyang Diyos mula sa mga giba ng mawawasak na daigdig. Hinulaan ni Pat Robertson na host ng The 700 Club noong 1976 na ang wakas ng mundo ay darating sa Oktubre o Nobyembre 1982. Sa isang broadcast ng The 700 Club noong Mayo 1980, kanyang isinaad na "Ginagarantiya ko sa inyo na sa wakas ng 1982 ay magkakaroon ng isang paghatol ng daigdig."[20]
1982 Jun 21 Benjamin Creme Ang mga tagasunod ng New Age Theosophical na guru na si Benjamin Creme, tulad ni Alice A. Bailey ay naniwalang ang ikalawang pagbalik ni Hesus ay mangyayari kapag ang maitreya(na kinikilala ng mga teopista bilang Kristo) ay magpapamalas nang publiko sa daigdig. Si Crème ay naniwalang ang maitreya ay nasa lupa na simula pa noong 1977 at namumuhay nang sikreto.
1994 Sep 6 Harold Camping Camping, isang pangkalahatang tagapangasiwa ng Family Radio ay humula ng pagdating ni Hesus noong 1994.
1999 hanggang 2009 Jerry Falwell Isang mangangaral na pundamentalista na humula noong 1999 na ang ikalawang pagbalik ni Hesus ay malamang sa loob ng 10 taon. [21]
2011 Mayo 21
2011 Oktubre 21
Harold Camping Si Camping ay muling humula na ang rapture ay sa Mayo 21,2011 na sinundan ng pagwawakas ng daigdig sa Oktubre 21,2011.[22] Ang mga billboard na "Judgment Day" ay itinayo sa mga iba't ibang lokasyon sa buong mundo kabilang ang Dominican Republic, Ethiopia, Ghana, Israel, Jamaica, Jordan, Lebanon, Lesotho, the Pilipinas, Tanzania at Estados Unidos.[23][24] Ang Family Radio ay gumugol nang higit sa US$100 milyon sa pag-aanunsiyo ng Araw ng Paghuhukom at ang mga tagasunod ni Camping ay gumugol ng kanilang mga naipon sa buong buhay upang ianunsiyo ang hulang ito.[25]
2011 Setyembre 29
2012 Mayo 27
Ronald Weinland Hinulaan ni Weinland ay babalik sa Setyembre 29, 2011.[26][27][28] Nang hindi matupad ang kanyang hula, kanyang inilipat ang petsa nito sa Mayo 27,2012.[29]
2012 Jack Van Impe Ang telebanghelista na sa maraming mga taon ay humula ng mga spesipikong petsa ng ikalawang pagbabalik ni Hesus ngunit patuloy na inililipat ang petsa sa kalaunang petsa. Kanyang itinuro na ang 2012 ang posibleng petsa ng muling pagbabalik.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Sanders, E. P. The historical figure of Jesus. Penguin, 1993. Chapter 15, Jesus' view of his role in God's plan.
  2. http://www.pbs.org/wgbh/pages/frontline/shows/apocalypse/explanation/jesusjohnbaptist.html
  3. Javier-José Marín, The Christology of Mark: Does Mark’s Christology Support the Chalcedonian Formula “Truly Man and Truly God”?, (Bern: Peter Lang, 1991), 142-143
  4. Brady, David (1983). The Contribution of British Writers Between 1560 and 1830 to the Interpretation of Revelation 13.16-18. Mohr Siebeck. p. 183.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. The Last Judgment and Babylon Destroyed. All the Predictions in the Apocalypse are at This Day Fulfilled
  6. Emanuel Swedenborg, The True Christian Religion. Containing the Universal Theology of The New Church Foretold by the Lord in Daniel 7; 13, 14; and in Revelation 21;1,2, Chapter 14
  7. "Angelic Wisdom Concerning the Divine Providence". Smallcanonsearch.com. Nakuha noong 2009-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Frederic J. Baumgartner, Longing for the End: A History of Millennialism in Western Civilization (1999) p.166
  9. William E. Wilson, The Angel and the Serpent: The Story of New Harmony (Indiana University Press, 1984) p.11
  10. "Charles Taze Russell—FREE Charles Taze Russell Information | Encyclopedia.com: Find Charles Taze Russell Research". Encyclopedia.com. Nakuha noong 2009-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The writer, among many others now interested, was sound asleep, in profound ignorance of the cry, etc., until 1876, when being awakened he trimmed his lamp (for it is still very early in the morning.) It showed him clearly that the Bridegroom had come and that he is living "in the days of the Son of Man."C.T. Russell (Abril 1880). "From and To The Wedding". Zion's Watch Tower: 2. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-05-28. Nakuha noong 2013-01-15.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Russell explained how he accepted the idea of an invisible return of Christ from N.H. Barbour in "Harvest Gatherings and Siftings" Naka-arkibo 2018-05-29 sa Wayback Machine. in the July 15, 1906 Watch Tower, Reprints page 3822.
  13. The Three Worlds and The Harvest of This World by N.H. Barbour and C.T. Russell (1877). Text available online at: http://www.heraldmag.org/olb/contents/history/3worlds.pdf Naka-arkibo 2006-03-20 sa Wayback Machine.
  14. The Three Worlds, p. 175.
  15. The Three Worlds, pp. 104–108.
  16. See pages 68, 89–93, 124, 125–126, 143 of The Three Worlds.
  17. The year 1914 was seen as the final end of the "day of wrath": ."..the 'times of the Gentiles,' reach from B.C. 606 to A.D. 1914, or forty years beyond 1874. And the time of trouble, conquest of the nations, and events connected with the day of wrath, have only ample time, during the balance of this forty years, for their fulfillment." The Three Worlds, p. 189.
  18. In 1935, the idea that the 6,000 years ran out in 1874 was moved forward 100 years."The Second Hand in the Timepiece of God" (PDF). The Golden Age: 412–413. Marso 27, 1935. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Oktubre 31, 2013. Nakuha noong Enero 15, 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Reappearance/Christ: Lecture I: The Event of the Appearance of Christ in the Etheric World". Wn.rsarchive.org. Nakuha noong 2009-11-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Doomsday: 1971–1997". Abhota.info. Nakuha noong 2009-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Falwell: Antichrist May Be Alive Naka-arkibo 2013-04-25 sa Wayback Machine.. Sonja Baristic, Associated Press. January 16, 1999.
  22. Harold Camping (1992). 1994?. Vantage Press, Inc. ISBN 0-533-10368-1.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "May 21, 2011 Judgment Day and Rapture Billboards". Ebiblefellowship.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 31, 2010. Nakuha noong Nobyembre 29, 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Burke, Garance (Mayo 22, 2011). "Believers' reactions mixed to unfulfilled doomsday". MSNBC. Nakuha noong Mayo 22, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Goffard, Christopher (Mayo 21, 2011). "Doomsday prediction: Harold Camping is at the heart of a mediapocalypse over his Doomsday prediction". Los Angeles Times. Oakland. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 23, 2011. Nakuha noong Mayo 23, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Ronald Weinland. "Moving Forward Rapidly, February 7, 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 9, 2008. Nakuha noong Mayo 5, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Ronald Weinland. "New Truth, June 18, 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 5, 2008. Nakuha noong Mayo 5, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Ronald Weinland. "1260 Days, December 13, 2008". Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 17, 2008. Nakuha noong Dis 17, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Kissick, Peter (Mayo 26, 2012). "Eurovision 2012: a sign of the apocalypse?". thephonograph.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2013. Nakuha noong Hunyo 6, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)