Charles Taze Russell
Si Charles Taze Russell (Pebrero 16, 1852 – Oktubre 31, 1916), o Pastor Russell ay isang prominenteng restorasyonistang ministro mula sa Pittsburgh, Pennsylvania, USA, at tagapagtatag ng kilala ngayong Bible Student movement,[1][2] kung saan sumibol ang mga Saksi ni Jehovah at maraming mga independiyenteng pangkat na Bible Student pagkatapos ng kanyang kamatayan. Simula Hulyo 1879, sinimulan niyang maglimbag ng isang buwanang journal na relihiyoso na Zion's Watch Tower and Herald of Christ's Presence. Ang journal na ito ay nililimbag na ngayon ng mga Saksi ni Jehovah sa basehang kalahating-buwan sa ilalim ng pangalang The Watchtower Announcing Jehovah's Kingdom. Noong 1881, kanyang kapwa-itinatag ang Zion's Watch Tower Tract Society. Noong 1884, ang korporasyon ay opisyal na pinarehistro na si Russell ang presidente. Si Russell ay sumulat ng maraming mga artikulo, mga aklat, mga trakto, mga polyetos, at mga sermon na tinatayang may kabuuang 50,000 nilimbag na pahina. Mula 1886 hanggang 1904, kanyang nilimbag ang isang anim na bolyum na seryeng pag-aaral ng bibliya na orihinal na pinamagatang Millennial Dawn at kalaunang muling pinangalanang Studies in the Scriptures na malapit sa 20 milyong kopya ang inilimbag at ipinamahagi sa buong mundo sa ilang mga wika sa kanyang buhay. [3]
Charles Taze Russell | |
---|---|
Kapanganakan | 16 Pebrero 1852 |
Kamatayan | 31 Oktobre 1916 | (edad 64)
Asawa | Maria Frances Ackley |
Magulang | Joseph Lytel Russell Ann Eliza Birney |
Si Russell ay isang karismatikong pigura ngunit hindi nag-angkin ng anumang espesyal na pahayag o pangitain para sa kanyang mga katuruan at hindi nag-angkin ng espesyal na autoridad sa kanyang sarili.[4] Isinaad ni Russel na hindi siya naghangad na magtatag ng isang bagong denominasyon kundi ninais lamang niyang magtipon ng mga naghahanap ng katotohanan ng salita ng Diyos na jehovah sa panahon ng pag-aani.[5][6][7] Kanyang isinulat na ang "maliwanag na pagsiwalat ng katotohana" sa loob ng kanyang mga katuruan ay dahil sa "simpleng katotohanan na ang angkop na panahon ng diyos ay dumating na at kung hindi ako magsalita, at walang ibang ahente ang matatagpuan, ang mga bato ay sisigaw." [8] Kanyang nakita ang kanyang sarili at iba pang mga Kristiyano na pinahiran ng banal na espirito bialng "tagapagsalita ng Diyos" at isang embahador ni Kristo.[8] Kalaunan sa kanyang karera ay tinanggap niyang walang pagpoprotesta ang pagtingin sa kanya ng mga maraming mga Bible Student bilang ang tapat at matalinong lingkod ng Mateo 24:45.[9] Si Russel ay inilarawan ng Watch Tower pagkatapos ng kanyang kamatayan na ginawang "pinuno ng lahat ng mga pag-aari ng Panginoon".[9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Encyclopædia Britannica – Russell, Charles Taze". Britannica.com. 1916-10-31. Nakuha noong 2013-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Parkinson, James The Bible Student Movement in the Days of CT Russell, 1975
- ↑ Penton, M. James (1997, 2nd ed.). Apocalypse Delayed: The Story of Jehovah's Witnesses. University of Toronto Press. pp. 13–46. ISBN 0-8020-7973-3.
{{cite book}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ moreorless. "George D. Chryssides, "Unrecognized charisma? A study of four charismatic leaders". Center of Studies on New Religions. Retrieved on 23 July 2008". Cesnur.org. Nakuha noong 2013-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zion's Watch Tower, Sept. 15, 1895, pg 216: "Beware of "organization." It is wholly unnecessary. The Bible rules will be the only rules you will need. Do not seek to bind others' consciences, and do not permit others to bind yours."
- ↑ Studies in the Scriptures, Volume 4 The Battle of Armageddon, 1897, pp 157–159
- ↑ Daschke, Dereck and W. Michael Ashcraft, eds. New Religious Movements. New York: New York UP, 2005. Print.
- ↑ 8.0 8.1 Zion's Watch Tower, July 15, 1906, p. 229 Naka-arkibo May 27, 2013, sa Wayback Machine..
- ↑ 9.0 9.1 Watch Tower, March 1, 1923, pages 68 and 71.