Herbert W. Armstrong

Huwag ikalito sa Britanikong si Herbert Rowse Armstrong.

Ang Herbert W. Armstrong (31 Hulyo 1892 – 16 Enero 1986) ay isang Amerikanong tagapagtatag ng Worldwide Church of God (dating Radio Church of God) noong dekada ng 1930, pati na ng Dalubuhasaang Ambassador (na naging Pamantasang Ambassador) noong 1946. Isa rin siyang maagang tagapanimula ng ebanghelismo sa radyo at telebisyon, na orihinal na nagsasahimpapawid mula sa Lungsod ng Eugene, Oregon, Estados Unidos noong dekada ng 1930. Siya rin ang naglunsad ng Kristiyanong magasin na The Plain Truth. Sa kanyang apelyido hinango ang katagang Armstrongismo.

Herbert W. Armstrong
Kapanganakan31 Hulyo 1892
  • (Polk County, Iowa, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan16 Enero 1986
MamamayanEstados Unidos ng Amerika


TalambuhayKristiyanismoEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kristiyanismo at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.