Sa medisina at biyolohiya, ang eskatolohiya o koprolohiya ay ang akademikong pag-aaral ng mga tae at dumi .

Inoobserbahang dumi sa loob ng isang katawan na naging sanhi ng sakit na dibertikulitis. Makikitang nagbabago ang kulay ng katawan dahil sa mga organismong nakapalibot.

Nakakatulong ang mga eskatolohikal na pag-aaral sa pagtukoy ng isang malawak na hanay ng impormasyong biyolohikal tungkol sa mga nilalang, kabilang ang diyeta nito, lugar na pinanggalingan, kalusugan at mga sakit tulad ng mga bulati .

Ang isang komprehensibong pag-aaral sa eskatolohiya ay dokumentado ni John Gregory Bourke sa ilalim ng pamagat na Scatalogic Rites of All Nations (1891). Ang isang pinaikling bersyon ng akda (na may paunang salita ni Sigmund Freud ), ay nailathala bilang The Portable Scatalog noong 1994.

Etimolohiya

baguhin

Ang salita ay nagmula sa Griyegong σκῶρ ( GEN σκατός ) nangangahulugang "dumi, ipot"; ang koprolohiya ay nagmula sa Griyegong κόπρος na magkatulad ang kahulugan.

Sikolohiya

baguhin

Sa sikolohiya, ang eskatolohiya ay ang pagkahumaling sa ekskresyon o dumi, o ang pag-aaral ng mga nasabing kinahuhumalingan.

Sa petisismong sekswal, ang eskatolohiya (karaniwang dinadaglat na scat para sa scatology) ay tumutukoy sa kopropiliya. Ito ay tinutukoy kapag ang isang tao ay sekswal na pinukaw ng dumi o tae, maging sa paggamit nito sa mga iba't ibang mga sekswal na gawain, pinapanood ang pagdudumi, o simpleng pagkita sa mga dumi.

Tingnan din

baguhin

Karagdagang Pagbabasa

baguhin
  • Bakhtin, Mikhail, Rabelais and His World.
  • Lewin, Ralph, Merde: excursions in scientific, cultural and socio-historical coprology. Random House, 1999. ISBN 0-375-50198-3.
  • Susan Gubar, "The Female Monster in Augustan Satire." Signs 3.2 (Winter, 1977): 380–394.
  • Jae Num Lee, Swift and Scatological Satire. University of New Mexico Press, 1971. ISBN 0-8263-0196-7ISBN 0-8263-0196-7.
  • Smith, Peter J. (2012) Between Two Stools: Scatology and its Representation in English Literature, Chaucer to Swift, Manchester University Press

Mga Sanggunian

baguhin