Urolagnia
Ang urolagnia (tinatawag din na urophilia, undinism, golden shower at watersports) ay isang anyo ng salirophilia (na isang anyo ng paraphilia) na kung saan ang seksuwal na katuwaan ay nauugnay sa pagkakita o pag-isip sa ihi o pag-ihi.[1] May pinagmulan ang kataga sa wikang Griyego (mula sa ouron – ihi, at lagneia – kalibugan).[2][3]
Pangkalahatang-ideya
baguhinAng urolagnia ay paghahahanap ng pagkapukaw at katuwaang sekswal sa mga ideya, gawain at lugar na may koneksiyon sa pag-ihi. Ang salitang urolagnia ay nagmula sa wikang Griyego (mula ouron , ihi, at lagneia , kalibugan). Ang mga taong nakararanas ng urolagnia ay maaaring makahanap ng saya sa pag-ihi sa ibang tao, o sa pag-ihi sa kanila ng ibang tao. Minsan ay iniinom rin ng ilang mga urophilic (indibidiwal na may urolagnia) ang ihi; ang ugaling ito na pag-inom ng ihi ay kilala bilang urophagia, hindi kinakailangang nasa kontekstong sekswal lagi ang urophagia.
Ang mga gawaing ito ay madalas na inilarawan sa mga salitang balbal tulad ng golden shower, water sports, o piss play, mga salitang Ingles. Ang urolagnia kung minsan ay iniuugnay rin sa omorashi ng bansang Hapon, kahit na may pinagkaiba ito sa urolagnia ng Kulturang Kanluranin. Ang omorashi ay mas nakatuon sa paghahanap ng katuwaang sekswal sa ideya ng pagpipigil ng ihi ng iba.
Bilang isang paraphilia, maaring inumin o iligo ang ihi. Maari rin itong makamtan sa pamamagitan ng panunuod ng taong naiihi sa kanilang salawal o sa kama. Ang ibang urophilic ay napupukaw sa amoy ng ihi, sa mga damit na nababad rito't natuyo at maging mga bahagi ng katawang nabahiran ng amoy nito. Ikinokenekta ng amoy ng ihi ang mismong akto ng pagtatalik sa mga bagay na nababahiran ng amoy nito kaya't tila nagbibigay ang amoy na ito ng kiliti sa mga urophilic. Mas nalilibugan naman ang iba sa mga diaper na naihian na, maikokonekta sa infantilismo ang espesipikong kagustuhang ito. Ang mga urophilic ay maaaring lumahok bilang bahagi ng mga sekswal na tagpo ng dominasyon at pagsumite, dahil nga sa tila laro ng kapangyarihan na bumabalot sa konteksto ng kung sino ang iihian o iihi sa katalik, ngunit hindi lahat ng sekswal na aktibidad na kinasasangkutan ng ihi ay ganoon.
Karaniwang ipiangkakalito ang urolagnia sa sekswal na pagkaakit sa mga nagpipigil ng ihi na kung tutuusi'y mas karaniwang kinikilingan ng mga sadomasochistic. Dahil nga sa tila pagpapahirap ang ng pagpipigil ng ihi sa isang indibidwal na di gusto. Sa mga hanky code, ang pagiging urophilic ay sinisimbolo ng isang dilaw na bandana sa kanan o kaliwang bulsa ng pantalon.
Legalidad
baguhinSa New Zealand, ang paglalathala o pagtataguyod ng anumang bagay na sumusuporta sa urolagnia, sa lathalain man o online, ay isang pagkakasalang pinarurusahan ng hanggang sampung taonng pagkakabilanggo.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "MerckEngage® - Healthy Living Tips and Health Information" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Mayo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Colman, Andrew M. (2006). A Dictionary of Psychology (sa wikang Ingles). Oxford University Press. ISBN 978-0-19-280632-1. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 21, 2008. Nakuha noong 2009-01-08.
{{cite book}}
: Unknown parameter|deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laws, Dr. Richard; William T. O'Donohue (1997). Sexual Deviance: Theory, Assessment, and Treatment (sa wikang Ingles). Guilford Press. p. 403. ISBN 978-1-57230-241-9. Nakuha noong 2009-01-08.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)