Ipot

Solid o semisolid na labi ng hindi natutunaw na pagkain

Ang ipot o dumi (kilala din bilang tae, pupu, aa o takla) ay isang solido o medyo-solidong natirang pagkain na hindi natunaw sa maliit na bituka, at pinaghiwa-hiwalay ng bakterya sa malaking bituka.[1][2] Maaring naglalaman ang pupu ng mahalagang maliit na dami ng duming metabolikong produkto tulad ng bilirrubina na binago ng bakterya, at mga selulang epiteliyal mula sa poro ng bituka.[1] Nilalabas ang dumi sa tumbong o kloaka tuwing nagbabawas.

Maaring gamitin ang dumi bilang pataba o pangkondisyon ng lupa sa agrikultura. Maari din sunugin ang mga ito bilang panggatong o patuyuin at gamitin para sa konstuksyon.

Katangian

 
Ang eskatol ay ang prinsipal na kompuwesto na may responsable sa mabahong amoy ng tae.
 
Ang molekulang asido sulpidriko (o hydrogen sulfide) ay umaambag sa amoy ng pupu.

Dahil sa eskatol ang katangi-tanging amoy ng pupu, gayon din ang mga tiol (mga kompuwesto na may asupre) at mga amita at mga asido karboksilika. Nagkakaroon ng eskatol dahil sa dekarboksilaksyon.[3][4]

Pinalagay ang halatang mabahong amoy ng tae na pampigil para sa mga tao, yayamang maaring magresulta ang pagkonsumo o paghawak nito ng sakit o impeksyon.[5]

Pisiyolohiya

Nilalabas ang dumi sa tumbong o kloaka tuwing tatae. Nangangailangan ang proseso ng presyon na maaring umabot sa 100 milimetro ng merkuryo (3.9 inHg) (13.3 kPa) sa tao at 450 milimetro ng merkuryo (18 inHg) (60 kPa) sa penguwin.[6][7] Nagagawa ang puwersa na kailangan upang ilabas ang dumi sa pamamagitan ng mga pagpapaliliit at pag-ipon ng mga gas sa loob ng bituka, na inuudyok ang espinter na pawiin ang presyon at ilabas ang dumi.[7]

Lipunan at kalinangan

Pagkadiri

Sa maraming kalinangan ng tao, nakakakuha ang mga adulto ng iba't ibang antas ng disgusto o pagkadiri sa pupu. Ang mga bata may edad mas mababa sa dalawa ay walang pagkadiri na tugon dito, na minumungkahi na naihango ito mula sa kultura.[8] Mukhang pinakamalakas ang disgusto sa pupu sa mga kalinangan kung saan ang inidoro na may pambuhos ay ginagawang kaunti lamang ang kontak sa pang-amoy sa pupu ng tao.[9][10] Pangunahing nararanasan ang disgusto na may relasyon sa panlasa (halata o inisip) at, pangalawa sa kahit anumang nagdudulot ng katulad na pakiramdam ng pandamdam ng amoy, hipo, o tingin.

Mayroong Pile of Poo emoji (emoji ng Tambak ng Pupu) na kinakatawan sa Unicode bilang U+1F4A9 💩 PILE OF POO, na tinatawag na unchi o unchi-kun sa Hapon.[11][12]

Mga biro

Sentro ang pupu sa toilet humor o katatawanang pampalikuran, at karaniwan itong interes ng mga bata at tinedyer.[13]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Tortora, Gerard J.; Anagnostakos, Nicholas P. (1987). Principles of anatomy and physiology (sa wikang Ingles) (ika-Fifth (na) edisyon). New York: Harper & Row, Publishers. p. 624. ISBN 978-0-06-350729-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Diem, K.; Lentner, C. (1970). "Faeces". in: Scientific Tables (sa wikang Ingles) (ika-Seventh (na) edisyon). Basle, Switzerland: CIBA-GEIGY Ltd. pp. 657–660.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Whitehead, T. R.; Price, N. P.; Drake, H. L.; Cotta, M. A. (25 Enero 2008). "Catabolic pathway for the production of skatole and indoleacetic acid by the acetogen Clostridium drakei, Clostridium scatologenes, and swine manure". Applied and Environmental Microbiology (sa wikang Ingles). 74 (6): 1950–3. Bibcode:2008ApEnM..74.1950W. doi:10.1128/AEM.02458-07. PMC 2268313. PMID 18223109.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Yokoyama, M. T.; Carlson, J. R. (1979). "Microbial metabolites of tryptophan in the intestinal tract with special reference to skatole". The American Journal of Clinical Nutrition (sa wikang Ingles). 32 (1): 173–178. doi:10.1093/ajcn/32.1.173. PMID 367144.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Curtis V, Aunger R, Rabie T (Mayo 2004). "Evidence that disgust evolved to protect from risk of disease". Proc. Biol. Sci. 271 (Suppl 4): S131–3. doi:10.1098/rsbl.2003.0144. PMC 1810028. PMID 15252963.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Langley, Leroy Lester; Cheraskin, Emmanuel (1958). The Physiology of Man (sa wikang Ingles). McGraw-Hill. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2020. Nakuha noong 3 Disyembre 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Meyer-Rochow, Victor Benno; Gal, Jozsef (2003). "Pressures produced when penguins pooh?calculations on avian defaecation". Polar Biology (sa wikang Ingles). 27 (1): 56–58. Bibcode:2003PoBio..27...56M. doi:10.1007/s00300-003-0563-3. ISSN 0722-4060. S2CID 43386022.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Moore, Alison M. (8 Nobyembre 2018). "Coprophagy in nineteenth-century psychiatry". Microbial Ecology in Health and Disease (sa wikang Ingles). 30 (sup1): 1535737. doi:10.1080/16512235.2018.1535737. PMC 6225515. PMID 30425610.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Yes, poop is gross. But that's not the only reason for its shameful social stigma". Upworthy (sa wikang Ingles). 25 Mayo 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Hulyo 2020. Nakuha noong 8 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Goldman, Jason G. "Why do humans hate poo so much?" (sa wikang Ingles). BBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Marso 2019. Nakuha noong 8 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "The Oral History Of The Poop Emoji (Or, How Google Brought Poop To America)", Fast Company (sa wikang Ingles), 18 Nobyembre 2014, inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2018, nakuha noong 9 Nobyembre 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Darlin, Damon (7 Marso 2015), "America Needs its own Emojis", The New York Times (sa wikang Ingles), inarkibo mula sa orihinal noong 30 Oktubre 2016, nakuha noong 1 Marso 2017{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Praeger, Dave (2007). Poop Culture: How America Is Shaped by Its Grossest National Product (sa wikang Ingles). United States: Feral House. ISBN 978-1-932595-21-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)