Kalusugan
Ang artikulong ito, pahina, o bahagi nito ay kasalukuyang nasa gitna ng pagpapalawig o malawakang pagbabago. Maaari ka ring tumulong sa pagsasagawa ng mga pagbabago. Pakisilip ang mga nakaraang pagbabago kung gusto mong makipag-usap sa user na naglagay nito rito. Maaari itong tanggalin kung walang naganap na mga pagbabago sa mga susunod na araw matapos itong ipaskil dito. Maliban kung walang mga pagbabago, hindi dapat ito burahin. |
Kalusúgan o salúd ang kondisyon ng katawan na walang karamdaman o pinsala. Marami itong kahulugan na ginamit sa paglipas ng panahon. Sa popular na konteksto, tumutukoy ito sa pangkalahatang katayuan ng pisikal at pangkaisipang kagalingan ng isang indibidwal, tipikal na inilalarawan bilang walang karamdaman, sakit (kabilang sa isip), o pinsala sa katawan (halimbawa, pagiging lumpo o bulag).
Kinokonsiderang maayos ang kalusugan ng isang indibidwal kung nagsasagawa ito ng mga malulusog na gawain, tulad ng regular na ehersisyo at angkop na haba ng tulog, gayundin sa pagbawas o pag-iwas sa mga kinokonsiderang nakakasama sa kalusugan tulad ng paninigarilyo o matinding stress. Madalas na personal na desisyon ang mga bagay na nakakasama sa kalusugan, tulad ng pagsasagawa ng mga gawaing delikado, o di kaya'y dahil sa sistema ng lipunan, na maaaring makaapekto sa pagkuha ng naangkop na serbisyong medikal ng mga taong nangangailangan nito. Gayunpaman, may mga sitwasyon na wala sa kontrol ng indibidwal, tulad halimbawa ng mga sakit na namamana.
Kahulugan
baguhinKalusugan ang estado ng kumpletong pisikal, mental, at panlipunang kagalingan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o kahinaan.[a]
"Constitution" [Konstitusyon]. Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Enero 2025.
Pabago-bago ang kahulugan ng kalusugan sa paglipas ng panahon. Upang umayon sa pananaw ng medisina, nakatuon ang mga unang kahulugan ng kalusugan sa kakayahan ng katawan na gumana nang maayos; tinitingnan ang kalusugan bilang ang estado ng katawan sa normal nitong kaanyuan na nasisira paminsan-minsan dahil sa mga sakit. Noong 1948, binigyang-kahulugan ng Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan (WHO) ang kalusugan sa konstitusyon nito upang isama ang kagalingan at hindi lamang ang kawalan ng sakit o kahinaan. Bagamat marami ang sumasang-ayon sa kahulugang ito, marami rin ang kritikal dito dahil pagiging malabo ng kahulugan na hindi masusukat. Dahil dito, noong 1984, binago muli ng WHO ang kahulugan upang bigyang-diin ang kakayahan ng katawan na lumaban. Sa ganitong pananaw, tinitingnan ang kalusugan bilang ang kakayahan ng katawan na panatilihin ang homeostatis at makarekober mula sa mga masasamang elemento, kabilang ang mga nagpapa-stress at ang paggawa ng mga relasyon sa iba.
Pantukoy
baguhinKalusugang pang-isipan
baguhinPagpapanatili
baguhinTrabaho
baguhinTingnan din
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Orihinal na sipi: Health is a state of complete physical, mental and social well-being and not merely the absence of disease or infirmity.
Sanggunian
baguhinLink sa labas
baguhin- May kaugnay na midya ang Kalusugan sa Wikimedia Commons