Ang taon ng liturhiya, na tinatawag ding taong liturhikal o kalendar,[1][2] ay binubuo ng siklo ng mga panahon ng liturhiya sa mga Kristiyanong simbahan na nagtatakda kung kailan ipagdiriwang ang mga pista, kabilang dito ang mga pagdiriwang ng mga santo, at kung aling bahagi ng Kasulatan ang babasahin maging sa taunang siklo o siklo ng ilang taon.[3]

Kanluraning Kristiyanismo

baguhin
 
Ang buwan ng Oktubre mula sa kalendaryong liturhikal para sa Abbotsbury Abbey. Ika-13 siglo na manuskrito (British Library, Cotton MS Cleopatra B IX, folio 59r).

Nakabase ang mga kalendaryong lithurhikal sa siklo ng Ritung Romano ng Simbahang Katolika, at sinusundan din ito sa maraming simbahang Protestante, katulad ng Luterano, Anglikano, at iba pang mga tradisyon. Sa pangkalahatan, ang mga panahon sa liturhikal na kanluraning Kristiyanismo ay Adbiyento, Pasko, Karaniwang Panahon (panahon pagkatapos ng Pagpapakita ng Panginoon), Kuwaresma, Pasko ng Muling Pagkabuhay, at Karaniwang Panahon (panahon pagkatapos ng Pentekostes). Hindi sinasama sa ilang tradisyong Protestante ang Karaniwang Panahon: pumapatak ang bawat araw sa denominadong panahon. Tinatanggihan ng mga ibang simbahang Protestante, kagaya ng minorya sa tradisyong Repormada, ang taong liturhikal sa dahilang hindi inutusan ang pamimitagan nito sa kasulatan.[4]

Kalendaryong liturhikal

baguhin

Adbiyento

baguhin
 
Taong lithurhikal ng Ritung Romano

Ang adbiyento (mula sa salitang Latin, adventus, na nangangahulugang "pagdating") ay ang unang panahon sa taong liturhikal. Nagsisimula ito apat na Linggo bago ang Pasko, ang Linggo na pumapatak sa o pinakamalapit sa Nobyembre 30, at nagwawakas sa Bisperas ng Pasko. Kinaugaliang ipagdiriwang bilang "pangilin", nakapokus ito sa paghahanda sa pagdating ni Kristo, hindi lang ang pagdating ng batang Kristo sa Pasko, kundi rin, sa mga unang linggo, sa huling pagdating ni Kristo ayon sa eskatolohiya, anupat ang Adbiyento ay "panahon para sa "madasalin at masayang paghihintay".[5]

Kadalasang minamarkhan ang panahong ito ng Korona ng Adbiyento, isang korona ng dahon na may apat na kandila. Sapagkat ang pangunahing simbolismo ng korona ay pagmamarka ng paggalaw ng oras, nag-uugnay ang maraming simbahan ng tema sa bawat kandila, kadalasan 'pag-asa', 'pananampalataya', 'kagalakan', at 'pagmamahal'. Kabilang sa mga ibang tanyag na debosyon sa Adbiyento ang paggamit ng Kalendaryo ng Adbiyento o Punungkahoy ni Jesse upang bilangin ang araw bago mag-Pasko.

Kulay ng liturhiya: biyoleta o lila;[6] bughaw sa ilang tradisyon, tulad ng Anglikano/Episkopalyano, Metodista, at Luterano.[7][8][9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Definition of KALENDAR" [Kahulugan ng KALENDAR] (sa wikang Ingles). Merriam-Webster. Nakuha noong 27 Abril 2021. —ginagamit lalo na sa mga kalendaryong eklesiastikal // ang Episcopal na kalendar (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Kalendar" (sa wikang Ingles). Anglican Catholic Church. 2015. Nakuha noong Mayo 23, 2015. Dahil sa koneksyong ito, tumutukoy na ang "kalendar/calendar" (kalendaryo) sa mahusay na pagkakaayos ng oras na alam natin ngayon, ngunit pinatili ng tatag na simbahan ang pagbaybay na may mas lumang "K" para ibukod ang kanilang kalendar mula sa ordinaryong talaan ng mga pangyayari. Sa ibang salita, ang kalendar ay kalendaryo ng simbahan lamang! (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. John Dowden (1910). The Church Year and Kalendar [Ang Taon ng Simbahan at Kalendar] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. xi. Ang Taon ng Simbahan, gaya ng pagkakilala rito ng ilang siglo sa buong Sangkakristiyanuhan, ay nailalarawan muna, ayon sa lingguhang pagdiriwang ng Araw ng Panginoon (isang tampok na nagmula sa simula ng buhay ng Simbahan at sa edad ng mga Apostol), at, pangalawa, ayon sa taunang pag-ulit ng mga pag-aayuno at kapistahan, ng ilang araw at panahon ng pangingilin. Sumipot ang mga ganito, at nakahanap ng lugar sa Kalendar sa iba't ibang panahon. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Why Doesn't the OPC Follow a Liturgical Year?" [Bakit Hindi Sumusunod ang OPC sa Taong Liturhikal?] (sa wikang Ingles). Orthodox Presbyterian Church. 2009-12-26. Pinaninindigan ng yaong mga nagmamana ng teolohiyang Repormada (kabilang dito ang OPC) na ang simbahan ay magsasamba lamang ayon sa itinatag ng Bibliya, madalas na tinatawag na "prinsipyong mahigpit" ng samba. Marami sa tradisyong Repormada ay hindi nagdiriwang ng Kuwaresma salig dito—kulang ang utos sa kasulatan. Bukod diyan, napakasimple ang kalendaryong liturhikal sa Bibliya—may pananagutan ang lahat ng tao na panatilihin ang araw ng Panginoon! (Isinalin ang sipi mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "General Norms for the Liturgical Year and the Calendar, 39" [Pangkalahatang Pamantayan para sa Taong Liturhikal at ang Kalendaryo, 39] (sa wikang Ingles).
  6. General Instruction of the Roman Missal [Pangkalahatang Tagubilin ng Misal Romano], 346
  7. Discipleship Ministries. "The Color Blue in Advent - umcdiscipleship.org" [Ang Kulay Bughaw sa Adbiyento - umcdiscipleship.org]. www.umcdiscipleship.org (sa wikang Ingles).
  8. "Liturgical Colors" [Kulay ng Liturhiya]. Episcopal Church (sa wikang Ingles). Mayo 22, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. ""What is the meaning and use of liturgical colors?", Evangelical Lutheran Church in America" (PDF).