Pagtatampok sa Krus na Banal

kapistahan na gumugunita sa krus na pinapakuan ni Hesus

Ang Pagtatampok sa Krus na Banal[1][2] (sa Griyego: Ὕψωσις τοῦ Τιμίου Σταυροῦ, sa Latin: Exaltatio Sanctae Crucis) ay isang kapistahang Kristiyano patungkol sa krus na pinagpakuan ni Hesukristo. Ipinagdiriwang ang kapistahan nito tuwing ika-14 ng Setyembre, kung kailan sinasabing natagpuan ni Santa Elena ang krus ni Hesus noong taóng 326, at nang ito ay mabawi naman sa mga Persiano noong taóng 628.[3][4]

Pagtatampok sa Krus na Banal
Pagtatampok sa Krus na Banal ni Adam Elsheimer
Petsa14 Setyembre
Dalastaunan

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa tradisyon ng Simbahan, ang tunay na krus ni Hesus ay natagpuan ni Santa Elena, ina ng Emperador ng Roma na si Constantinong Dakila, noong taong 326 sa Jerusalem. Sa utos ni Santa Elena at Constatino, ipinatayo ang Basilika ng Santo Sepulkro (Banal na Libingan) sa lugar kung saan ito natagpuan. Noong Setyembre 14, makalipas ang sampung taon, ihinandog ang nasabing simbahan at dito inilagak ang bahagi ng krus.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Kapistahan ng Pagtatampok sa Krus na Banal - 14 Setyembre 2014". Sa Isa Pang Sulyap. Hinango noong 2014-09-09.
  2. "Pagtatampok sa Krus na Banal Naka-arkibo 2015-06-14 sa Wayback Machine.". Radyo Veritas 846. Hinango noong 2014-09-09.
  3. "The True Cross". The Catholic Encyclopedia, New Advent. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)
  4. "Exaltation of the Cross Naka-arkibo 2012-03-01 sa Wayback Machine.". Orthodox America. Hinango 2011-09-15. (sa Ingles)