Bulaklak ng Mayo

(Idinirekta mula sa Flores de Mayo)

Ang Bulaklak ng Mayo o Flores de Mayo ay isang kapistahan na idinadaos sa Pilipinas sa buwan ng Mayo. Ito ay isa sa mga pamimintuho kay Birheng Maria sa Mayo at nagtatapos sa kabuuang buwan.

Ang Santacruzan (mula sa salitang Kastilang santa cruz, "banal na krus") ay isang ritwal na maringal na pagtatanghal na idinadaos sa huling araw ng Flores de Mayo. Ito ay binibigyan ng parangal sa paghahanap ng Tunay na Krus ni Santa Elena ng Konstantinople (kilala bilang Reyna Elena) at San Constantinong Dakila. Ang koneksyon nito sa Mayo ay sumasalunga sa petsang Mayo 3 ng Roodmas, na tinanggal ni Papa Juan XXIII noong 1960 dahil sa kalakaran ng panahon ng pagpapaalis ng mga ilang banal na araw. Ang Kapistahan ng Pagpaparangal sa Krus sa Setyembre 14, na ginugunita ang pagbawi ng relikya ni Emperador Heraclius mula sa mga Persyano sa halip na ang paghanap ni Santa Elena, ay nananatili sa kalendayo ng Bagong Order.[kailangan ng sanggunian]

Pinagmulan ng salita

baguhin

Ang pangalan ng kapistahan ay nagmula sa salita ng wikang Kastilang flores na ibig sabihin ay "mga bulaklak". Ang iba pang mga pangalan ay "Flores de María" ("Mga Bulaklak ni Maria") at "Alay".

Ang Flores de Mayo sa iba't ibang bahagi ng bansa

baguhin
 
Santacruzan

Sa Katagalugan

baguhin

Sa mga Tagalog, nagsimula ang kaugalian pagkatapos ng pagpapahayag ng dogma ng Kalinis-linisang Paglilihi kay Maria noong 1854 at pagkatapos ng paglalathala ng pagsasalin ni Mariano Sevilla ng halos 1867 ng madasaling "Flores de María" ("Mga Bulaklak ni Maria"), na kilala rin sa mas mahabang pamagat nitong "Mariquít na Bulaclac nasa Pagninilaynilay sa Buong Buannang Mayo ay Inihahandog nañg mañga Devoto cay María Santísima".

Isang kilalang nakaugalian na ginagawa sa buwan ng Mayo sa Batangas (lalo na sa Lipa) ay ang Luglugan, o panggabing pamimintuho at pagdiriwang na nagpaparangal kay Birheng Maria. Ginagawa sa mga istraktura na tinatawag na tuklóng, nag-aalay ng mga bulaklak at mga dasal ng mga deboto sa imahen ni Maria tuwing gabi. Pagkatapos ng dasal, ang mga Hermanos o Hermanas para sa araw ay magbibigay ng mga handog sa mga kalahok, kasunod ng pagdiriwang. Ang Luglugan ay nagtatapos sa loob ng isang buwan hanggang sa Tapusan na may Banal na Misa, isang Santacruzan at prusisyon ni Birheng Maria, at nakatapada sa huling Luglugan na tumatagal hanggang sa sumunod na umaga.

Sa Kabikulan

baguhin

Sa Rehiyon ng Bikol, nagsisimula ang ritwal na may pagbibigkas ng rosaryo, at ang huling araw at payak na tinatawag na "katapusan" na may Banal na Misa, isang Santacruzan at prusisyon ni Birheng Maria.

Ang tradisyunal na "María" na may kanya-kanyang kahulugan ay binabanggit pagkatapos ng pagbigkas ng Salve Regina sa wikang Kastila at Litanya ng Loreto. Pagkatapos ng seremonya, ang mga batang dumalo sa pamimintuho ay binibigyan ng mga simpleng miryenda. Ang Alabasyón (mula sa wikang Kastilang "papuri") ay tawag ukol sa mga panalangin na inaawit sa karangalan ng Banal na Krus.

Sa Kanlurang Visayas

baguhin

Ang mga bayan partikular sa Iloilo ay may kani-kanilang mga purok o mga kalye at ang mga baranggay na may kani-kanilang kapilya o bahay-dalanginan kahit sa simbahan kung saan ang isang imahen ni Birheng Maria ay pinaparangal at nagtitipon ang mga bata upang makinig ng simpleng katekismo at mga turo tungkol sa buhay at kuwento ni Maria, kasaysayan ng mga pagpapakita ni Maria, mga doktrina at kahalagang Kristiyano mga kabuuang pagpapahalaga at kabutihan at iba pang mga turo tungkol sa buhay. Sila ay natuturuan ng ilang mga panalangin at ilang mga awitin na natatanging binibigkas lamang sa panahon ng Flores de Mayo at ang mga bata ay nag-aalay ng mga bulaklak sa imahen ni Birheng Maria bilang sagisag ng pag-ibig, pagsinta at pamimitagan. Ito ay isang paggunita at nakapagpapaalala ng pagpapakita ng Birhen ng Fatima sa tatlong bata na unang nangyari sa Ika-13 ng Mayo, 1917. Maya-maya, inaalok sila ng mga meriyenda. Ang mga ibang simbahan at mga purok ay binibigyan ng mga bata ng ilang bilyeteng papel para sa aktibong pakikilahok at paggawa ng mabuti sa panahon ng katekismo kung saan sa katapusan ng buwan ng Mayo na sumasabay rin sa katapusan ng Flores de Mayo, ang mga bata ay makakakuha ng halaga ng mga bilyete na katumbas sa gamit sa paaralan bilang paghanda ng pagbubukas ng klase sa Hunyo. Ang Santacruzan ay karaniwang idinadaos sa huling ilang mga araw ng Mayo upang isabay ang katapusan ng katekismo para sa mga bata.

Santacruzan

baguhin
 
Santacruzan

Ang Santacruzan ay isang relihiyosong makasaysayang pagpapaganda na idinadaos sa mga maraming lungsod, bayan, at kahit ang mga maliliit na pamayanan sa buong Pilipinas sa panahon ng buwan ng Mayo. Isa sa mga pinakamakulay na aspeto ng pagdiriwang na ito, ang maringal na pagtatanghal ay naglalarawan ng paghahanap ng Tunay na Krus ni Reyna Elena, ina ni Dakilang Constantino. Maraming personalidad sa pelikula at telebisyon na sumasali sa mga kaganapan at itinatampok sa pangunahing Santacruzan. Ang pagdiriwang na ito ay naging bahagi ng mga nakaugaliang Pilipinong nakilala na may kabataaan, pag-ibig, at palasintahan.

 
Isang replika ng Tunay na Krus sa taimtim na prusisyon sa panahon ng Flores de Mayo in Noveleta, Cavite

Bago ang Santacruzan, isang pagsisiyam ay ginaganap bilang parangal sa Tunay na Krus. Ang prusisyon mismo ay ginugunita ang paghahanap ng Banal na Krus ni Reyna Elena at ang kanyang anak, Emperador Constantino. Sinasabing may mga pinanggalingan ito sa masayang pagdiriwang ng pasasalamat na sinundan ang paghahanap ng Banal na Krus sa Herusalem at ang paglilipat sa Konstantinopla (kasalukuyang İstanbul).

Ang prusisyon ay sinasamahan ng panayang kumpas ng lokal na bandang tanso, tumutugtog at umaawit ng Dios te salve (ang Kastilang bersyon ng Aba Ginoong Maria). Nagsisindi ng mga kandila ang mga deboto at umaawit ng panalangin habang naglalakad sila. Ito ay kinaugalian para sa mga lalaking lumalahok sa Santacruzan na magsuot ng tradisyunal na Barong Tagalog at ang mga kababaihan ay nagsusuot ng damit na Filipiniana.

Ayos ng prusisyon

baguhin

Ang mga kasali ng maringal na pagtatanghal ay susundan ng tipikal na pag-aayos na ito:

Ang krus ay ginagamit para sa Santa Cruzan, habang ang Imahen ng Inang Birhen ay ginagamit para sa Flores de Mayo na ito ay pagkakaiba ng dalawang kapistahan nguni't ang ibang tagapag-ayos ay pinagsama ang dalawang kapistahang magkasama sa isang pagdiriwang, Flores at Sta. Cruzan

Mga Karagdagang Titulo (Pamayanan o Komunidad)

baguhin
  1. Pamayanan Inmaculada - Siya ay Representasyon ng Kalinis-linisang Paglilihi. Ito ay Nagsasalaysay ng Kuwento ng Proklamasyon ng Dogma na ito Noong Ika-8 ng Disyembre, 1854.
  2. Pamayanan La Naval - Siya ay Representasyon ng Mahal Na Birhen ng Kabanal-Banalang Rosaryo. Dala Niya ay Rosaryo.
  3. Pamayanan Asunción - Siya ay Representasyon ng Pag-Akyat ni Maria sa Langit. Ito rin ay Nagsasalaysay ng Kuwento ng Proklamasyon ng Dogma na ito Noong Ika-1 ng Nobyembre, 1950.
  4. Pamayanan Del Carmen - Siya ay Representasyon ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo na Nagpakita Kay San Simon Stock, sa Bundok Carmelo sa Israel noong Ika-16 ng Hulyo, 1251. Dala Niya ay Kayumangging Eskapularyo
  5. Pamayanan de la Paz - Siya ay Representasyon ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan. Dala niya ay Kalapati, Tunay o hindi.
  6. Pamayanan Fatima - Siya ay Representasyon ng Mahal Na Birhen ng Fatima, na Nagpakita sa Tatlong Bata na Pinangalanang Francisco at Jacinta Marto at Lucia dos Santos, sa Cova da Iria, sa Fatima, Portugal, Noong Ika-13 ng Mayo, 1917. Dala niya ay Rosaryo o Suot Niya ay Kuwintas na May Krusipiho.
  7. Pamayanan Lourdes - Siya ay Representasyon ng Mahal na Birhen ng Lourdes, na Nagpakita kay Bernardita Soubirous sa Massabielle, Lourdes, Pransiya. Dala Niya ay Rosaryo.
  8. Pamayanan Guadalupe - Siya ay Representasyon ng Mahal Na Birhen ng Guadalupe, Na Nagpakita kay Juan Diego sa Guadalupe, Mexico Noong Ika-9 ng Disyembre, 1531.

Mga Gumaganap hango sa Bibliya at Mga Nakaugaliang Pagsasatao

baguhin
  1. Matusalem – may balbas at baluktot gawa ng kanyang edad, inilalarawan siya bilang pagsasakay sa isang kariton at mukhang abala sa pagtutusta ng mga butil ng buhangin sa isang kawali sa isang apoy. Ito ay isang paalala na ang mundo ay lumilipas at magtatapos na pawang alabok na kanyang tinutusta.
  2. Reina Banderada – isang dilag na nakasuot ng mahabang pulang damit, nagdadala ng isang dilaw at/o puti na bandirola. Siya ay kumakatawan ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
  3. Mga Aeta/Reina Aeta – kumakatawan sa maiitim ang balat ng mga taong katutubo ng Pilipinas tulad ng mga mga Aeta at mga mga Ati. Ang mga taal na grupo ay napapangunahan ang mga ninuno ng kasalukuyang karamihang Pilipinong Mga Austronesyo ng sampu-sampung libo ng mga taon. Tangan niya ay Watawat ng Pilipinas
  4. Reina Mora – kumakatawan sa mga Pilipinong Muslim, na karamihan ay nasa Mindanao at sa mga malalaking lungsod tulad ng Maynila. Dumating ang Islam sa kapuluan nang dalawang dantaon bago ang Kristiyanismo, at ito'y pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa bansa. Si Maria ay pinaparangal din sa Islam, at ang kanyang kuwento ay matatagpuan sa Ika-19 na sura (katipulo) ng Qur'an.
  5. Reina de Saba/Reina Sheba – kumakatawan sa di-nasabing reyna na dumalaw kay Haring Solomon, at napupuspusan ng kanyang karunungan, kapangyarihan, at kayamanan. Siya ay may bitbit na isang kahon ng alahas. Kasama siya sa Santacruzan sapagka't inilalarawan ng Legenda Aurea kung paano niya pinamitagan ang barakilan ng isang tulay na kanyang tinatawiran, hinuhulaan ang hinaharap na gampanin ng kahoy bilang bahagi ng Tunay na Krus.
  6. Rut y Noemi – ang Moabitanang sumapi sa Hudaismo at ang kanyang biyenan, mula kanino siya ay hindi mapaghiwalay. Si Rut ay ninuno ni Haring David, at isa sa mga apat na babaeng nakatala sa mga kaangkanan ni Hesus na matatagpuan sa mga Ebanghelyo nina Mateo at Lucas.
  7. Reina Judith – kumakatawan sa biyudang mula sa Bibliyang Judit ng Betulia, na iniligtas niya ang kanyang lungsod mula sa mga Asiryano sa pamamagitan ng pagpatay sa malupit na heneral Holofernes. Kilala rin bilang "Infanta (Prinsesa) Judít", siya ay may bitbit na ulo ni Holofernes sa isang kamay at isang espada sa iba.
  8. Reyna Ester – ang Ang reynang Hudyo ng Persya, na nagpaligtas sa kanyang bayan mula sa kamatayan sa mga kamay ni Haman sa pamamagitan ng kanyang napapanahong pakikihalo kay Haring Xerxes. Siya ay may bitbit na setro.
  9. Cleopatra – kumakatawang Cleopatra VII ng Ehipto (69-30 BK), ang sikat na huling aktibong paraon ng Sinaunang Ehipto. Ang kanyang konsorteng lalaki ay madalas na natatalastas na kumakatawang senador na Romano at heneral Marco Antonio (83-30 BK).
  10. Samaritana/Sta. Photina – ang babaeng Samaritana sa balon (kinilalang Photini) na nakausap niya si Kristo. Siya ay may bitbit na isang banga ng tubig sa kanyang balikat.
  11. Sta. Veronica – ang babaeng nagpunas ng mukha ni Hesus na may bitbit na Belo; sa nakaugaliang ikonograpiyang Hispaniko-Pilipino, ang tela ay may tatlong mapaghimalang bakas ng Banal na Mukha ni Hesus sa halip na isa.
  12. Tres Marías – bawat Maria ay may hawak na natatanging katangian na nauugnay sa Paglibing Kay Kristo.
    1. Sta. María Magdalena – Dala Niya ay isang bote ng pabango, bilang nakaugaliang Katoliko na isang beses na siya ay di-nagkaunawaan kay Maria ng Betania, ang babae na pinahiran at pinunasan ang mga paa ni Hesus.
    2. Sta. María de Cleofás (ina ni Santiago, asawa ni Cleopas) – Siya ay may bitbit na walis tingting. Sabi ng Tradisyon na Winalisan niya ang Libingan Bago Ilatag ang Katawan ni Kristo.
    3. Sta. María Salome – isang Insensaryo o isang bote ng langis, na tumutukoy sa kanyang gampanin bilang Tagabitbit ng mira.
  13. Reina Fé – sumasagisag ng Pananampalataya, ang una ng mga kalinisang-puring panteolohiya. Siya ay may bitbit na krus.
  14. Reina Esperanza – sumasagisag ng Pag-asa, ang pangalawang kalinisang-puring panteolohiya. Siya ay may bitbit na angkla.
  15. Reina Caridad – sumasagisag ng Kawanggawa, ang ikatlong kalinisang-puring panteolohiya. Siya ay may bitbit na puso na kulay pula.
  16. Reyna Sentenciada – may tali ng lubid o kadena sa kanyang mga kamay, siya ay tumatayo para sa mga Mga Unang Kristiyano, partikular ang mga dilag, na inusig at pinapasakit para sa pananampalataya. Sinasamahan siya minsan ng dalawang sundalong Romano.
Mga Titulo ni Maria
baguhin

Ang bawat tayahin sa pangkat na ito ay tumutukoy sa isang pamagat ng Birheng Maria (karaniwang matatagpuan sa Litanya ng Loreto) o sa isang tayahin na nauugnay sa kanya. Bawat titik ng pagbati ng mga anghel na "AVE MARIA" ay bitbit ng isang "anghel", o sa isang dalaga na may suot na puting ball gown.

  1. Reina Abogada – tagapagtanggol ng mga mahihirap at naaapi, siya ay nagsusuot ng itim na birete, toga, at may bitbit na malaking aklat. Ang kanyang hitsura ay isang pagkakapagpalabas ni Maria, Mapag-ampon (Tagapagtaguyod) ng mga Kristiyano. Sa ibang mga prusisyon, ang tayahin ng Reina Doctora ay nagpapakita rin, na maaaring tumutukoy kay "Maria, Kalusugan ng mga Maysakit".
  2. Reina Justícia – ang pagsasatao ng "Salamin ng Katarungan", ang kanyang mga katangian ay timbangan ng katarungan at espada.
  3. Divina Pastora – Siya ay may bitbit na baston ng pastol o imahe ng kordero.
  4. Reina de los Ángeles – Siya ay may bitbit na isang palumpon ng mga puting bulaklak, at inaabayan ng mga dalagang May suot na puting ball gown.
  5. Luklukan ng Karunungan/Asiento de la Sabiduría – Siya ay may dalang Bibliya, siya ay kumakatawan kay Maria bilang Sedes Sapiaentiæ
  6. Susì ng Langit/Clavé del Cielo – ay may bitbit na dalawang susi, isang ginto at ang isa ay pilak, hinango mula sa disenyo ng Sagisag na pampapa.
  7. Reina de las Estrellas – Siya ay may hawak na barita na may bituin sa dulong itaas. Maaari din itong pagtukoy sa Stella Maris o Tala ng Karagatan kung saan Hinihingan Si Maria ng mga Marino ng Kaniyang Pagsanggalang.
  8. Rosa Mística – Siya ay may dalang palumpon ng mga rosas, isang rosas o minsan, ang Bara Alta.
  9. Pusò ni María/Corazón de María – Siya ay may hawak na puso na kulay rosas o imahe ng Kalinis-linisang Puso ni Maria.
  10. Reyna del Santísimo Rosario – Siya ay may dalang malaking rosaryo.
  11. Reina Luna – siya ay kumakatawan sa buwan, na nagsisilbi bilang paanan ni Maria bilang Babae ng Apokalipsis. Dala niya ay Barita na May Gasuklay na Buwan sa Dulong itaas.
  12. Reina Candelaria – siya ay may dalang isang mahabang umiiliaw na kandila, sumasagisag ng Pagdadalisay kay Maria o Minsan, ang Menorah, Simbolo ng Judaismo na May Pitong Maliliit na kandila.
  13. Reina de la Paz – ay may hawak na kalapati, Sagisag ng Kapayapaang Pandaigdig, tunay o hindi.
  14. Reina de los Patriarcas – ay may bitbit na tungkod na kahoy, Sagisag ng Superioridad.
  15. Reina de los Profetas – ay may bitbit na orasan.
  16. Reina de los Confesores – ay may hawak na isang balumbon o kulay-lila na kandila.
  17. Reina de los Mártires – ay may bitbit na Koronang Tinik o ang tinusukang puso, bilang pangalawang paglalarawan ng Mater Dolorosa.
  18. Reina de los Apóstoles – ay may hawak na Palmera ng Pagpapasakit.
  19. Reina de los Santos – isang gintong korona, sumasagisag ng Korona ng mga Santo, Sinasamahan ng mga dalagang May suot na puting ball gown.
  20. Reina del Cielo – isang bulaklak; madalas na sinasamahan ng dalawang dalaga na may suot na puting ball gown.
  21. Reina de las Vírgenes – isang rosaryo o isang liryo, ang dakong huli ay nangangahulugang kalinisang-puri; sinasamahan din ng dalawang dalaga na May suot ng puting ball gown.
Mga Prominenteng Titulo
baguhin
  1. Reina de las Flores – Ang Reyna ng Bulaklak ng Mayo. Siya ay Naglalakad sa ilalim ng arko na napapalamutian ng mga bulaklak at may dalang isang pumpon ng mga bulaklak.
  2. Reina Elena – siya ay kumakatawan mismong Santa Elena, na ang pagtutuklas ng Tunay na Krus ay sinagisag sa krus o krusipiho na dinadala niya sa kanyang mga braso. Ang dakilang prestihiyosong gampaning ito ay karaniwang iginagawad sa pinakamagandang babae o mahalagang matrona sa maringal na pagtatanghal. Sa mga ibang pamayanan, ang pagkakakilanlan ng babaeng gumaganap na Reyna Elena ay isang sikretong binabantayan hanggang sa Santacruzan mismo. Ang iba pang mga lugar ay mas tumatanggap, pinapayagan ang tatlong Reina Elena sa kanilang mga prusisyon.
  • Constantino - ang kasama ni Reina Elena, kumakatawan sa kanyang anak, Dakilang Constantino (272 – 337 AD). Ang papel na ito ay halos palaging ginagampanan ng isang maliit na batang lalaki na may malaprinsipe o maharlikang kasuotan.
  1. Reyna Emperatríz – ang palaging huling kasapi ng prusisyon, ang pagsasatao ni Santa Elena ng Konstantinopla, o kilala bilang Reyna Elena, ang Emperatris ay kapareho sa reyna partikular sa kanyang titulong Augusta ('emperatris' o 'inang reyna') na tinanggap niya mula kay Constantino noong 325 AD.

Tingnan din

baguhin

Mga karagdagang babasahin

baguhin

Mga panlabas na kawing

baguhin