Islam sa Pilipinas
Ang Islam ay ang pinakamatandang monoteistikong relihiyon sa Pilipinas. Ang Islam ay nakaabot sa mga isla noong ika-12 at ika-14 na siglo mga higit dalawang daan taon bago ang pagdating ng mga Kastila ng nagpakilala ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang Islam ay dinala ng mga Arabong mangangalakal at maninirahang Muslim mula sa mga sultanatong Kapuluan ng Malay.
Ang Islam sa Pilipinas ay may populasyon na 5%.[1]
Ang pagdating ng Islam sa Sulu at Mindanao
baguhinSulu at Tawi-Tawi
baguhinAng relihiyong Islam ay dinala ng mga mangangalakal na Persian Bengali at Gujerati o mga Arabo sa Sulu. Nang dumating ang mga mangangalakal na Muslim sa katimugang Pilipinas mula sa Malaysia at Indonesia, kanilang dinatnan ang mga katutubo na nagsasanay ng animismo na nakatira sa maliliit na autonomosong mga pamayanan. Ayon sa Tarsila, si Tuan Mashaika ay dumating sa Jolo, sa Maimbung at nagpakasal sa anak ng isang namumunong pamilya. Bagaman hindi hayagang isinaad ng Sulu Tarsila na isang Muslim si Tuan Mashaika, ipinagpapalagay na isa siyang Muslim dahil sa pangalang Muslim ng kanyang mga anak gaya nina Tuan Hakim at Aisha. Noong 1380, ang Arabong si Karimul Makhdum (Sharif Awliya) ay dumating at kinikilalang ang nagtatag ng unang moske sa Tubig-Indangan sa Simunul, Tawi-Tawi. Noong mga 1390, dumating naman si Rajah Baguinda sa Sulu mula Sumatra o Borneo. Ang unang opisyal na Sultan ng Sulu ang Arabong mula Sumatra na si Syed Abu Bakr (Sharif Hashim) na nagpakasal sa anak ni Baguinda. Tulad ng ibang mga pinunong Arabo, itinatag ni Abu Bakr ang lehitimasiya ng kanyang dinastiya sa pag-aangking isa siyang direktang inapo ni propeta Muhammad.
Mindanao
baguhinAng pagdating at pagpapalaganap ng Islam sa Mindanao ay itinuturo kay Sharif Kabungsuwan na dumating sa Maguindinao noong 1515 mula Johor.[2] Siya ay iniulat na anak ng prinsesang Malaccan at Arabong Sharif Ali Zain ul-Abidin at dumating kasama ng kanyang mga mandirigma upang magtatag ng isang prinsipiladidad. Siya ay nagtatag ng mga alyansa sa pamamagitan ng maraming mga kasal. Kanyang sinakop at inakay ang mga pinuno at tribo sa Cotabato. Ang mga tribong hindi nagawang maakay ni Kabungsuwan sa pamamagitan ng paghihikayat o dahas ay itinulak sa mga bangin. Ang mga tribong hindi naakay sa Islam ang mga Lumad.
Ang ibang tradisyon ay nagsasaad na bago pa ang pagdating ni Kabungsuwan ay may isang Sharif Awliya na nagpakilala ng Islam sa pook na hindi kalayuan sa Cotabato. Si Awliya ay nagpakasal sa isang dalagang galing sa langit na nagkaanank ng babaeng tinawag na paramisuli o prinsesa. Si Awliya ay bumalik sa kanyang pinanggalingan ngunit iniwan ang kanyang anak. Ang isa pang tradisyon ay ang pagdating ng isang Sharif Maraja sa Maguindano mula Johor at nagpakasal kay paramisuli.
Pagdating ng mga Kastilang Kristiyano
baguhinNang unang dumating sa Pilipinas ang mga Kastilang Kristiyano noong mga gitnang 1500, sila ay nakasagupa ng malakas na pagsalungat ng mga Muslim. Pinalayawan ng mga Kastila ang mga Muslim sa Pilipinas na mga Moro na korupsiyon ng salitang Moor na pinalayas ng mga Kristiyano sa Espanya pagkatapos ng 800 taon na alitan. Bagaman mabilis na naakay ng mga Kastila ang karamihan ng rehiyon sa Pilipinas sa Kristiyanismo gamit ang dahas, nahirapan silang maakay ang mga Muslim sa katimugang Pilipinas. Nagsagawa ang mga Muslim ng paninindak sa mga Kastila sa pamamagitan ng kadalasang pagsasagawa ng paglusob at pagbibihag ng mga alipin sa Luzon at ibang mga bahagi ng Pilipinas. Nagawa lamang malabanan ng mga Kastila ang mga Muslim noong mga gitnang 1800 sa pagsulong ng teknolohiyang Kastila gamit ang mga bangkang may baril. Noong 1878, ang Sultan ng Sulu ay lumagda ng isang kasunduang kapayapaan sa Espanya at ang nasasakupan nito ay opisyal na naging autonomosong protektorado ng Kastila.
Sa kasalukuyan
baguhinAng mga Muslim sa Pilipinas ay binubuo lamang ng limang porsiyento ng populasyon ng Pilipinas[1] at ang karamihan sa mga deboto nito ay nakatira sa Mindanao. Ang karamihan ng mga Muslim sa Pilipinas ay kabilang sa sektang Islam na Sunni. Meron ding maliit na populasyon ang nakatira sa may Quiapo, Manila. Ang mga kasalukuyang pangkat Islamista at itinuturing na teroristang Islamikong grupo sa Pilipinas[3] ay kinabibilangan ng Moro Islamic Liberation Front,[4] Moro National Liberation Front o MNLF,[5] Abu Sayyaf,[6] Rajah Sulaiman Movement[3] at Jemaah Islamiyah.[6] Ang mga grupong ito ay sangkot sa paghihimagsik laban sa gobyerno ng Pilipinas upang humiwalay sila sa isang Islamikong estado na Bangsamoro na binubuo ng lahat ng Mindanao, Palawan, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan gayundin ng Sabah at Sarawak ng Malaysia. Ang mga grupong ito ay sangkot sa terorismo at pambobomba sa iba't ibang lugar sa Mindanao gayundin sa Metro Manila, pakikipaglaban, pagpatay at pagpupugot sa ulo ng mga nabihag nilang sundalong Pilipino, pagkidnap at pagpatay sa mga sibilyan at dayuhan at pangingikil ng pera.[7][8] Ang pangalan ng grupong Abu Sayaff ay nagmula mula sa Arabic ابو,Abu("ama ng") at sayyaf("tagagawa ng espada"). Ang grupong ito ay itinuturing ng Estados Unidos na isang teroristang organisasyon at isinama sa listahan ng mga dayuhang teroristang Organisasyon.[6] Ang kilusang pagtiwalag o pakikipaghiwalay ng mga Muslim sa Pilipinas ay nagsimula noong mga 1968 sa pagkakatatag ng Muslim Independence Movement. Noong mga 1970, ang MNLF ang naging pangunahing kilusang pagtiwalag ng Muslim sa Pilipinas at nakatanggap ng suporta mula sa Libya at Sabah. Ang mga negosiasyon ng kapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at MNLF ay nagresulta sa paglalagda ng Kasunduang Tripoli noong 1976 ngunit ang magkaibang mga interpretasyon sa isyu ng autonomiya ay sumira sa mga negosiasyon at nagresulta sa pagbalik ng mga alitan. Noong Oktubre 2012, ang MNLF at ang pamahalaan ng Pilipinas ay umabot sa isang kasunduang kapayapaan.[9] Noong 9 Setyembre 2013 ay tinangkang sakupin ng MNLF ang Zamboanga City at pumatay ng 4 katao at bumihag ng mga 200 sibilyan na ginamit nilang panangga sa kanilang pakikipaglaban sa mga sundalo at kapulisan ng pamahalaan ng Pilipinas.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 http://features.pewforum.org/muslim-population/
- ↑ A Local Church Living for Dialogue: Muslim-Christian Relations in Mindanao, William Larousse
- ↑ 3.0 3.1 http://www.state.gov/documents/organization/65469.pdf
- ↑ http://www.globalsecurity.org/military/world/para/milf.htm
- ↑ http://www.un.org/Docs/journal/asp/ws.asp?m=a%2F64%2F742
- ↑ 6.0 6.1 6.2 http://www.state.gov/j/ct/rls/crt/2010/170264.htm
- ↑ http://newsinfo.inquirer.net/32895/abu-sayyaf-beaheaded-5-of-7-fallen-marines
- ↑ http://newsinfo.inquirer.net/15538/metro-on-alert-for-terrorist-plot
- ↑ http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-19860907