Sa Aklat ni Rut (1-5) ng Lumang Tipan ng Bibliya, si Naomi (נָעֳמִי, may kahulugang "kawili-wili; masayang kasama; aking katamisan", Pamantayang Hebreo: Noʻomi, Tiberyanong Hebreo: Noʻŏmî) ay ang asawa ni Elimelech ng Betlehem. Dahil sa kagutuman sa Judea, napilitan ang kanyang mag-anak na lumikas patungo sa Lupain ng Moab. Pagkaraan ng kamatayan ng kanyang asawa at dalawang mga anak na lalaki, nagbalik siya sa Judea na kasama si Rut na kanyang manugang.[1] Dahil sa mapait na karanasang pagkamatay ng asawa at dalawang lalaking anak, mas ninais niyang tawagin na siyang Mara.

Ang pagsusumamo ni Naomi kina Rut at Orpah upang magbalik sa lupain ng Moab. Iginuhit ito ni William Blake noong 1795.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Naomi". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 429.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.