Si Ester (Persa (Persian): استر; Ebreo: אסתר) ay isang reyna ng Imperyong Persa (Persian) ayon sa Aklat ni Ester sa Bibliya. Ang kaniyang pangalan ay hango sa ستاره, setāreh, ang Persa (Persian) na salita para sa "bituin."

Ester

Kilala si Ester sa pagligtas ng mga Hudyo sa Imperyong Persa (Persian) sa tulong ng impormasyon ng kaniyang pinsang si Mardoqueo, mula sa mga masasamang pambabalak ni Hamán, isang pangyayaring binibigyang-alala ng pista ng Mga Palabunutan.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.