Ang Qur'an,[1] Quran o Koran (Arabik: القرآن, al-Qur’ān, "ang pagbigkas"; tinatawag ring القرآن الكريم, al-Qur’ān al-Karīm) ang banal na aklat ng relihiyong Islam. Naniniwala ang mga Muslim na ito ang aklat ng patnubay at direksiyon ng sangkatauhan, at isinasaalang-alang ang orihinal na tekstong Arabic, na salita ng Allah, diyos ng sangkatauhan[2] na ipinakita kay Muhammad sa panahon ng dalawampu't tatlong taon[3][4], at pinaniniwalaang ito ang huling rebelasyon sa sangkatauhan.[5][6]. Binubuo ang Qur'an ng 114 na mga surah o kabanata/kapitulo(chapter). Nahahati ang mga surah sa mga ayah o bersikulo(verse). Ang bilang ng ayah(bersikulo) ay magkakaiba ayon sa iba ibang skolar na Muslim sa simula pa ng pagkakalikha ng Islam. Sa ibang skolar ito ay binubuo ng 6,000 ayah, sa iba ay 6,204, sa iba ay 6,219, at sa iba ay 6,236.

Ang Qur'an, ang banal na aklat ng Islam.

Ayon sa siyentipikong pagsasaliksik, ang lugar ng pundasyon ng Islam; Pinag-aralan ng mga mananaliksik ng kasaysayan ng Islam ang ebolusyon ng Qibla sa paglipas ng panahon para sa lugar ng kapanganakan ng Islam. Patricia Crone, Michael Cook at maraming iba pang mga mananaliksik, batay sa pananaliksik sa teksto at arkeolohiko, ay naniniwala na ang "Masjid al-Haram" ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang Arabian Peninsula. (hindi sa Mecca, tulad ng ipinahayag sa mga klasikal na akda batay sa kultura ng pagsasalaysay)[7][8][9][10]

Petra; Ayon sa mananaliksik sa kasaysayan at arkeolohiya ng Islam Dan Gibson, ito ang lugar kung saan naninirahan si Mohammed ng kanyang kabataan at natanggap ang kanyang mga unang paghahayag. Tulad ng ipinakita ng mga unang mosque ng Muslim at sementeryo, ito rin ang unang direksyon Qibla ng mga Muslim.[11][12]
Si Yusuf at ang kanyang mga kapatid, James Tissot. Ayon sa mananalaysay na taga-Egypt na si Ahmed Osman, ang kwentong "Paraon Yuya" ay inilipat sa Torah at sa Qur'an bilang Yusuf.[13]

Ang mga batas sa Sharia "batay sa mga ekspresyon at interpretasyon ng Qur'an" ay may problema sa mga tuntunin ng pangkalahatang karapatang pantao ngayon, pagkakapantay-pantay at mga indibidwal na kalayaan.[14]

Kasaysayan

baguhin

Ayon sa tradisyong Islamiko, natanggap ni Muhammad ang unang pahayag sa kweba ng Hira sa panahon ng kanyang pagiisa sa mga bundok. Si Muhammad ayon sa tradisyong Muslim ay isang "ummi"(illiterate o hindi marunong bumasa at sumulat). Pagkatapos nito, si Muhammad ay nakatanggap pa ng mga pahayag sa loob ng dalawampu't-tatlong taon. Ayon sa hadith at kasaysayan ng Islam, si Muhammad ay tumira sa Medina at bumuo ng isang sariling komunidad ng mga Muslim. Kanyang iniutos sa kanyang mga sahabah(kasama) na bigkasin ang Quran at pag-aralan at ituro ang mga kautusan na inihayag sa kanya araw araw. Ang kanyang mga sahabah na bumibigkas ng Quran ay tinatawag na Qari. Dahil sa karamihan ng sahabah ay hindi marunong bumasa o sumulat, sila ay inutusan ni Muhammad na matuto ng simpleng pagsulat sa mga bilanggo-ng-digmaan. Unti unti ay natutong sumulat ang mga sahabang ito. Sa mga unang yugto ng Islam, ang Quran ay isinulat sa mga tableta, mga buto at mga dahon ng date palm. Karamihan sa kabanata ng Qur'an ay ginagamit ng mga sinaunang Muslim ngunit ang Qur'an ay hindi pa umiiral sa anyong aklat sa panahon ng kamatayan ni Muhammad noong 632 CE.

Ayon sa skolar ng pag-aaral Islamiko na si Welch, ang mga pangingisay(seizures) ni Muhammad sa panahong ito ay maaring pinakahulugan ng mga nakapaligid sa kanya bilang isang katibayan na nagmula sa dios ang mga pahayag na ito. Ayon din kay Welch, hindi tiyak kung ang mga pangingisay ni Muhammad ay nangyari bago o pagkatapos ng unang pagkakataong inangkin ni Muhammad ang pagkapropeta. Ayon naman sa mga kritiko ni Muhammad, si Muhammad ay maaring nasasapian ng demonyo, o isang mahikero o manggagaway dahil ang kanyang karanasan ay katulad sa mga taong nag-aangking ng mga bagay ito sa sinaunang Arabia. Ayon din sa mga kritiko, si Muhammad ay nagpapanggap lang na nangingisay,[15] o may sakit na epilepsy na isang sakit na neurolohikal.[16]. Ang sakit na epilepsy ay itinuring noong sinaunang panahon na kaugnay ng mga karanasang espiritwal at para sa iba ay sa isang pagsapi ng demonyo. Sa panahon ni Hippocrates(na ama ng medisina) noong ikalimang siglo BCE, ang sakit na ito ay tinatawag na "Banal na Sakit".[17]

Abu Bakr

baguhin

Nang nabubuhay pa si Muhammad, ang mga bahagi ng Quran na bagaman isinulat ay nagkalat sa mga kasama(sahaba) nito na ang karamihan sa mga ito ay pribadong pag-aari ng mga ito. Pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad, si Abu Bakr na biyenan at isa sa mga sahaba(kasama) ni Muhammad at hinirang na unang kalipa ay nagpa-iral ng patakarang laissez faire. Ang patakarang ito ay binaligtad pagktapos ng Labanan ng Yamama noong 633. Sa labanang ito, ang 700 muslim na nagmemorya ng Quran ay napatay. Ang kamatayan ni Sālim ang napakahalaga dahil ito ang isa sa mga pinagkatiwalaan ni Muhammad na ituro ang Quran. Pagkatapos nito, sa pagpipilit ni Umar, inatasan ni Abu Bkr ang pagtitipon ng mga nagkalat ng piraso ng Quran sa isang kopya. Si Zaid ibn Thabit na pangunahing skriba ni Muhammad ang inatasan ng tungkuling ng pagtitipon ng lahat ng mga teksto ng Quran. Ang tungkuling ito ay nag-aatas kay ibn Thabit na tipunin ang mga sinulat na kopya ng Quran na ang mga talata ay pinatunayan ng testimonya ng hindi bababa sa dalawang kasama nito. Nang mabuo na ang buong Quran sa isang kopya, ang kompilasyong ito ay itinago ni Abu Bakr at pagkatapos ng kanyang kamatayan ay itinago naman ng kanyang kahaliling si Kalipa Umar na nang mamatay naman ito ay ibinigay sa kanyang anak na babeng si Hafsa bint Umar na isa sa mga asawa at biyuda ni Muhammad.

Ali ibn Abu Talib

baguhin

Ayon sa Islam na Shia gayundin sa ilang skolar ng Sunni, si Ali ibn Abi Talib ay nagtipon ng mushaf o kumpletong bersiyon ng Quran sa loob ng anim na buwan pagkatapos ng kamatayan ni Muhammad. Nang makumpleto ang bolyum nito, ito ay dinala sa Medina kung saan ito ipinakita. Ang pagkakaayos ng mga kabanata ng bolyum ni Ali ay itinatakwil ng ilan.

Kompilasyon

baguhin
 
Ang "marshy area" (Yam suph >(https://en.wikipedia.org/wiki/Yam_Suph))[18] (naitala sa Hebrew Torah bilang isang pansamantalang lugar ng paghinto) sa mga kwentong Exodus ng mga Israelita, naging legendary na tawiran sa Red Sea. (Koran 26: 52-68)[19] (Aivazovsky)

Sa panahon ng pamumuno ng kalipata ni Uthman ibn Affan, may pinaniniwala ng pangangailangan ng kompilasyon ng Quran. Ang kalipata ay labis na lumago at nagdala sa relihiyong Islam ng mga bagong akay mula sa iba't ibang kultura. Ang mga akay na ito ay nagsalita ng iba ibang wika ngunit hindi maalam sa wikang Arabiko kaya ang isang kumpletong isinulat na Quran ay kailangang matipon. Bukod dito karamihan sa mga Muslim na nagmemorya ng mga bahagi ng Quran ay unti unti nangamamatay lalo na sa digmaan. Si Uthman ay sinasabing nagsimula ng isang komite kabilang si Zayd at ilang mga kilalang miyembro ng Quraysh na lumikha ng pamantayang kopyang Quran. Ang ilang salaysay ay nagsasabing ang kompilasyong ito ay batay sa tekstong itinago ni Hafsa. Ang iba ay nagsasabing ang kompilasyong ito ay independiyente. Hanggang sa panahong ni Uthman, meron lamang isang isinulat na teksto ng Quran. Ayon sa mga salaysay na Islamiko, ang tekstong ito ay tapat sa orihinal na bersiyon. Ang mga ibang hindi Muslim na skolar ay naniniwalang bagamang ito ay posible, maaaring may mga pagkakaibang lumitaw sa ilang mga korupsiyon.

Bagaman ang pagkaka-ayos ng sinaunang skripto ay iba sa kodeks Utmaniko, tinanggap ito ni Ali bilang pamantayang bersiyon. Ang ibang skolar ay nagmungkahing ang sinaunang tekstong Utmaniko ng Quran ay iba sa punktwasyon sa bersiyong tradisyonal na binabasa sa kasalukuyang panahon. Pinaniniwalaang ang sinaunang bersiyon ng teksto ay hindi naglalaman ng mga diakritiko, marka sa mga maiksing patinig(vowels) at tuldok na ginagamit upang ibukod ang magkakatulad na isinusulat na mga letrang Arabiko gaya ng r[ر] at z[ز] or t[ت] at ṭ[ث] o f[ف] at q[ق]. Ang isang paniniwala ay ang mga tuldok ay pinakilala sa sistemang pagsulat na mga kalahating siglo(o 500 taon) pagkatapos ng standardisasyon ng tekstrong Utmaniko noong mga 700 CE. Nang matapos ang kompilasyon sa pagitan ng 650 at 656, pinaniniwalaang ipinadala ni Uthman ang mga kopya sa iba't ibang sentro ng papalawak na imperyong Islamiko. Simula nito, ang ilang libong mga skribang Muslim ay nagsimulang kumopya ng Quran.

Isang pagtatalo sa mga Muslim ang paniniwalang ang buong Quran ay naingatan ni Uthman. Ang ilang hadith ay nagpapatotoong ang ilang mga talata ay hindi matagpuan,[20][21] na ang hindi magkakaayon na kopya ay sinunog,[22] at ang kasabihan ni Muhammad ay hindi naalala bilang isang talata ng Quran.[23] Dahil dito ang mga kanlurang skolar ay naniniwalang si Uthman ay nagsagawa ng pagbabago(revision) sa Quran.[24][25]

Ang ilang mga kamakailang skolar gaya ni Allama Tamanna Imadi ay tumututol sa pagtitipon ng tekstong Quraniko ni Uthman, Umar o Abu Bakar. Ayon kay Imadi, ang Quran sa kasalukuyang anyo nito ay tinipon mismo ni Muhammad sa balat ng usa(deer) at tinawag na "Al-Imam" o "Al-Um" at mula sa orihinal na kopyang ito ay ginamit ng mga Sahaba upang kopyahin ang Quran. Bukod dito, si Imadi ay hindi rin umaayon sa lahat ng mga hadith na nagtuturo ng mga pangyayari ng pagtitipon ng Quran ni Abu bkar o Uthman at mga karagdagang mga pangyayari na nagdudulot sa pag-iral ng mga ayat mula sa iba ibang sahaba. Si Imadi ay may suspetsang ang buong kapitulo ng pagtitipon ng Quran sa Bukhari(isang hadith) ay idinagdag ng isang tagapabagbigkis nito(binder) o isang estudyante ni Imam Bukhari.

Interpretasyon at mga kahulugan

baguhin
 
Inilalarawan ng barya si Alexander the Great bilang mananakop sa Egypt na may mga sungay ni Amon sa kanyang ulo. Ayon sa karamihan ng mga komentarista ng Quran, ang taong tinukoy ni Dhu'l-Qarnayn ay si Alexander. Si Alexander ay itinuturing na anak ni "God Amon" sa Ehipto, na itinatanghal na may ulo ng isang tupang lalake.

Tafsir

baguhin

Ang Qur'an ay nagdulot ng malaking bilang mga mga komentaryo o pagpapaliwanag na tinatawag na "tafsir" na ang layunin ay upang ipaliwanag ang "mga kahulugan ng mga bersikulo ng Qur'an, liwanagin ang mga pinahihiwatig nito at paghahanap ng kabuluhan sa mga ito.

Ang tafsir ang kauna unahang akademikong gawain ng mga muslim. Ayon sa Quran, si Muhammad ang unang taong naglarawan ng mga kahulugan ng mga talata para sa mga sinaunang Muslim. Ang mga sinaunang eksehete(exegete) o tagapagpaliwanag ay kinabibilangan ng ilang mga kasamahan ni Muhammad gaya nina Ali ibn Abi Talib, Abdullah ibn Abbas, Abdullah ibn Umar at Ubayy ibn Kab. Ang eksehesis(exegesis o pagpapaliwanag) sa mga panahong ito ay sumasakop lamang sa mga paliwanag ng mga literaryong aspeto ng isang talata, ang mga nakapalibot na sirkunstansiya ng pahayag, at minsan ay intepretasyon ng isang talata gamit ang isa pang talata. Dahil sa ang Qurann ay sinalita sa klasikong Arabiko, marami sa mga huling akay sa Islam na karamihan ay hindi mga Arabo ay hindi nauunawan ang Quran na Arabiko at nabahala sa mga magkakasalungat na tema sa Quran. Ang mga komentador namang mahusay sa arabiko ay nagpaliwanag kung ano ang mga talatang angkop sa mga sinaunang komunidad ng mga Muslim at mga talatang ipinahayag kalaunan na nagpapawalang bisa(abrogasyon o nasikh) sa mga unang teksto(mansukh). Gayunpaman, ang ibang skolar ay naniniwalang walang abrogasyon na nangyari sa Quran.

Ta'wil

baguhin

Eto ang alegorikal o esoterikong interpretasyon ng Quran na kinabibilangan ng pagbibigay ng mga esoteriko(nauunawaaan lamang ng ilan) o mistikong(tagong) kahulugan sa mga teksto nito ng isang tagapagpaliwanag. Ang mga esoterikong paliwanag na ito ay matatagpuan sa Supismo(Sufism) at sa mga kasabihan (hadith) ng parehong sektang Twelver at Ismaili na mga imam ng Islam na Shia.

Kritisismo sa Qur'an

baguhin
 
Yunus at Fish, Islam pinaliit ü. Ang alamat ng Yunus, na sinasabing itinapon mula sa isang barko sa Mediterranean, nilamon ng isang malaking isda, at itinapon sa Ninive, ay paulit-ulit sa Qur'an.
 
Babae sa pangangasiwa ng Sharia; Ang mga larawang lihim na naitala ng Afghanistan's Revolutionary Women's League noong Agosto 26, 2001. Ang isang babae ay pinarusahan sa publiko ng isang stick para sa pagbubukas ng kanyang chador (ang kanyang mukha).

Ayon sa mga kritiko ng Islam, ang Quran ay naglalaman ng mga kontradiksiyon at mga salitang mahirap unawain. Bukod dito, ito ay rin ay pinaniniwalaang naglalaman ng maling paliwanag sa pinag mulan ng sansinukob. Ayon sa ibang salaysay ng kasaysayan ng Islam, mayroong 2 berso ng Quran na idinagdag ni Muhammad nang siya ay dayain ni Satanas(na tinawag na mga talatang Sataniko). Ayon pa sa mga kritiko, ang Quran ay walang ebidensiya na sinusuportahan ng arkeolohiya at ang aklat na ito ay hindi umaayon sa ibang mga literaturang isinulat.[26] Bukod sa kawalang ebidensiya para suportahan ang paniniwalang galing sa dios ang Quran, ang mga katuruan at moralidad sa Quran ay binabatikos din. Halimbawa, mababasa sa Surah 4:34 na pinapayagan ang mga lalakeng Muslim na disiplanahin ang kanilang asawang babae sa pamamagitan ng pananakit at paghataw sa kanila. Ilan din sa mga talata ay binabatikos ng mga kritiko dahil sa pagtuturo ng karahasan, jihad, terorismo at poot sa mga tagasunod ng ibang relihiyon. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay :[27]

Surah 3:151: Kami ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya.
Surah 2:191-193: At paslangin ninyo sila saan ninyo man sila matagpuan at palayasin ninyo sila sa mga lugar na pinalayas kayo, dahil ang pag-uusig (ng mga Muslim) ay mas masahol pa sa pagkatay (ng mga hindi Muslim)... ngunit kung sila ay tumigil, pagmasdan! si Allah ay mapagpatawad at mahabagin. At labanan ninyo sila hanggang sa ang pag-uusig ay wala na at ang relihiyon ay para kay Allah)
Surah 5:33: Ang parusa sa mga nakikidigma laban kay Allah at ng kanyang sugo at nagsisikap na gumawa ng panggugulo sa lupaing ito ay ito lamang, sila ay dapat patayin o ipako sa krus o ang kanilang mga kamay at mga paa ay dapat putulin sa magkabilang panig o sila ay dapat ibilanggo; eto ang kahihiyan para sa kanila sa mundo at sa kabilang buhay ay magkakaroon sila ng napakasakit na pagkastigo)
Surah 8:12 Ako ay maghahasik ng takot sa puso ng mga hindi sumasampalataya. Kaya putulin ninyo ang mga ulo nila at putulin ninyo ang bawat daliri nila
Surah 2:63:At alalahanin ninyo mga anak ng Israel, nang kami ay gumawa ng tipan sa inyo at itinaas ang Bundok Sinai sa harapan ninyong nagsasabing, Panghawakan ninyong maigi ang inihayag namin sa inyo at itatak ninyo ito sa isipan upang kayo ay maprotektahan sa masama. Ngunit kayo ay tumalikod at kung hindi dahil sa biyaya at habag ni Allah, kayo ay siguardong kabilang sa mga napahamak. At kilala ninyo ang mga nagkasala sa Sabbath. Sinabi namin sa kanilang, Kayo'y gagawing mga kinamumuhiang mga unggoy. Kaya ginamit namin sila bilang babala sa mga tao at sa mga susunod na heneresyon gayundin bilang aral sa mga may takot kay Allah

Ang pang-aalipin(slavery) ng isang tao ay tinatanggap sa Quran at sa Madh'hab na isang skwela ng batas sa Islam.[28] Si Muhammad at ang kanyang Sahabah(kasama) ay bumili, at nag-angkin ng mga alipin.[28]

Tignan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Qur'an (Tagalog) – Ako ay Isang Muslim!". Isang MUSLIM!. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-04-02. Nakuha noong Setyembre 10, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Qur'ān, Chapter 2, Verses 23-24
  3. Living Religions: An Encyclopaedia of the World's Faiths, Mary Pat Fisher, 1997, page 338, I.B. Tauris Publishers,
  4. "Qur'an, Chapter 17, Verse 106". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-15. Nakuha noong 2007-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Qur'an, Chapter 33, Verse 40
  6. Watton, Victor, (1993), A student's approach to world religions:Islam, Hodder & Stoughton, pg 1. ISBN 0-340-58795-4
  7. https://bora.uib.no/bora-xmlui/bitstream/handle/1956/12367/144806851.pdf?sequence=4&isAllowed=y
  8. Meccan Trade And The Rise Of Islam, (Princeton, U.S.A: Princeton University Press, 1987
  9. https://repository.upenn.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=5006&context=edissertations
  10. https://dergipark.org.tr/tr/download/article-file/592002
  11. Dan Gibson: Qur'ānic geography: a survey and evaluation of the geographical references in the qurãn with suggested solutions for various problems and issues. Independent Scholars Press, Surrey (BC) 2011, ISBN 978-0-9733642-8-6
  12. https://www.mdpi.com/2077-1444/11/3/102/htm
  13. Yuya's titles included "Overseer of the Cattle of Amun and Min (Lord of Akhmin)", "Bearer of the Ring of the King of Lower Egypt", "Mouth of the King of Upper Egypt", and "The Holy Father of the Lord of the Two Lands", among others. For more see: Osman, A. (1987). Stranger in the Valley of the Kings: solving the mystery of an ancient Egyptian mummy. San Francisco: Harper & Row. pp.29-30
  14. https://www.iusinitinere.it/clash-between-sharia-law-and-human-rights-in-light-of-pace-resolution-2253-23827
  15. Frank R. Freemon, A Differential Diagnosis of the Inspirational Spells of Muhammad the Prophet of Islam, Journal of Epilepsia, 17 :4 23-427, 1976
  16. Margoliouth, David Samuel (1905). Mohammed and the Rise of Islam. Putnam. p. 46.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Epilepsy: historical overview". Health Topics A TO Z. Nakuha noong 2011-03-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. http://archive.wikiwix.com/cache/index2.php?url=http%3A%2F%2Fba.21.free.fr%2Fseptuaginta%2Fexode%2Fexode_13.html
  19. Slackman, Michael (3 April 2007). "Did the Red Sea Part? No Evidence, Archaeologists Say". The New York Times. Retrieved 27 October 2016.
  20. Ibn Abī Dāwūd, Kitab al-Masahif, p. 23
  21. Imam al-Suyuti. Dur al-Manthur. Volume 1 page 104
  22. Sahih al-Bukhari VI.61.510
  23. Sahih al-Bukhari VII.76.445, compare VII.76.446; Sahih Muslim V.2285
  24. Arthur Jeffery, The Qur'ân As Scripture. 1952, Russell F Moore Company Inc., New York, p.99.
  25. A F L Beeston, T M Johnstone, R B Serjeant and G R Smith (eds.), Arabic Literature To The End Of The Ummayad Period, 1983, Cambridge University Press, p.243.
  26. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-04-21. Nakuha noong 2011-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-09-06. Nakuha noong 2011-09-14.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 Lewis 1994, Ch.1 Naka-arkibo 2001-04-01 sa Wayback Machine.

Mga direktoryo

baguhin

Mga pagsasalinwika

baguhin

Paghahanap

baguhin

Mga manuskrito

baguhin

Tunog/Bidyo/Dokumentaryo

baguhin