Ang Jihad (pagbigkas: /ji·hád/; Arabic: جهاد‎ ǧihād [dʒiˈhæːd]) ay salitang Islamiko na relihiyosong katungkulan ng mga Muslim. Sa Arabiko, ang salitang jihād ay isinasalin na pangngalan bilang "pakikibaka". Ang jihad ay lumitaw ng 41 beses sa Qur'an at karaniwan ay isang idyomatikong ekspresyon na "nagsisikap sa paraan ng diyos" (al-jihad fi sabil Allah)". Ang isang taong nagsasagawa ng jihad ay tinatawag na mujahid at ang plural nito ay mujahideen. Ang jihad ay isang mahalagang katungkulan para sa mga Mulim. Ang maliit na bilang ng skolar na Sunni ay tumutukoy sa katungkulang ito bilang ika-anim na haligi ng Islam bagaman ito ay walang hinahawakang opisyal na katayuan. Sa Twelver na Islam na Shia, ang jihad ay isa sa 10 mga pagsasanay ng relihiyon.

Ginagamit ng mga Muslim ang salitang jihad sa kontekstong relihiyon at tumutukoy sa tatlong uri ng pakikibaka: ang panloob na pakikibaka upang mapanatili ang pananampalataya, ang pakikibaka na mapabuti ang lipunang Muslim at ang pakikibaka upang ipagtanggol ang Islam. Ayon sa kilalang Briton-Amerikangong orientalistang si Bernard Lewis, sa hadith at mga klasikong manwal ng batas Islamiko, ang jihad ay may militar na (pandigmang) kahulugan sa napakalaking mga kaso.

Jihad sa digmaan

baguhin

Sa konteksto ng digmaan, ang jihad ay ginagamit upang ilarawan ang pakikipaglaban o mga motibo sa likod nito.[1] Ang panimula ng jihad sa kontekstong ito ay nagmula sa mga salita at gawa ni Muhammad at Qur'an. Eto ay humihikayat ng paggamit ng jihad laban sa mga hindi Muslim.[2] Ang Surah 25, bersikulo 52 ay nagsasaad na: Kung gayon, huwag niyong sundin ang mga hindi mananampalataya at magsikap kayo laban sa kanila ng ganito, isang dakilang pakikibaka."[3] Samakatuwid, tungkulin ng lahat ng Muslim na makibaka sa mga hindi sumasampalataya kay Allah at sa mga nagsasagawa ng mga opensibong aksiyon laban sa mga Muslim. Gayunpaman, ang Qur'an ay hindi gumagamit ng salitang jihad para sa pakikipaglaban at pakikidigma sa ngalan ni Allah. Ang salitang ginagamit sa "pakikipaglaban" ay "qital". Ang pakikibaka ng jihad ay orihinal na may layunin para sa mga kalapit na kapitbahay ng mga Muslim, ngunit sa paglipas ng panahon at paglitaw ng maraming mga kaaway, ang mga mga pangunugsap sa Qur'an na sumusuporta sa Jihad ay binago para sa mga bagong kaaway. Ang unang dokumentasyon ng batas ng Jihad ay isinulat ni ‘Abd al-Rahman al-Awza’i and Muhammad ibn al-Hasan al-Shaybani. Ang dokumentong ito ay lumago sa mga debate na lumitaw simula nang mamatay si Muhammad. Ang unang mga anyo ng militar na jihad ay naganap sa migrasyon (pandarayuhan) o hijra ni Muhammad at ng kanyang maliit na pangkat na mga tagasunod patungo sa Medina mula sa Mecca at pag-akay sa ilang mga naninirahan sa siyudad na ito sa relihiyong Islam. Ang unang pahayag ukol sa pakikibaka laban sa mga Meccan ay sinasaad sa surah 22, bersikulo 39-40.

Sanggunian

baguhin
  1. Rudolph Peters, Jihād (The Oxford Encyclopedia of the Islamic World);[patay na link]
  2. Jonathon P. Berkey, The Formation of Islam; Cambridge University Press: Cambridge, 2003
  3. "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-01-07. Nakuha noong 2011-10-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)