Budismong Theravada

eskuwela ng Buddhismo

Ang Theravada (Pāli: थेरवाद theravāda, Sanskrito: स्थविरवाद sthaviravāda); literal na "ang mga Turo ng mga Nakatatanda" o "ang Sinaunang Pagtuturo" ay ang pinakaluma na nananatiling paaralang Budismo. Itong eskuwela ay itinatag sa India. Itong eskuwela ay maiuugnay bilang konserbatibo at sa pangkalahatan, ang pinakamalapit sa sinaunang Budismo[1] at sa maraming mga siglo ay naging ang nangingibabaw na relihiyon sa Sri Lanka (malapit sa 70% ng populasyon[2]) at sa karamihan ng mga bansa sa kontinental Timog-silangang Asya (Cambodia, Laos, Burma, Thailand). Ang Theravada ay sinasanay rin sa mga maliliit na pangkat sa mga bahagi ng timog-kanluran ng Tsina (ng mga pangkat etniko ng Shan at Tai), Byetnam (ng Khmer Krom), Bangladesh (ng mga pangkat etniko ng mga Barua, Chakma, at Magh), Malaysia at Indonesia, at sa kasalukuyan ay nakakukuha ng pagkakakilala sa Singgapur at sa Kanluraning Mundo. Ang Budismong Theravada ay mayroong 100 milyong mga tagasunod sa buong mundo at sa mga kasalukuyang dekada ay ang Theravada ay nakaaangat na sa Kanluran at sa pagbabalik ng Budismo sa India.[3]

Mga haligi ng Theravada

baguhin

Ang pinakamahalaga at ang pangunahin, ang pilosopiyang Theravada ay isang tuloy-tuloy na mapanuring pamamaraan ng buhay, hindi lamang isang lipon ng mga etika at gawain o ritwal.

Ang pinakamataas na teorya ng Theravada ay gumagait sa Apat na Dakilang Katotohanan na kilala rin sa ngalang ang Apat na Dakilang Katotohanan. Ang pinakapayak na porma nito ay mailalarawan bilang ang suliranin, ang sanhi, at ang daan sa sagot o solusyon (pagsasakatuparan).

Ang Apat na Dakilang Katotohanan

baguhin

Ang pormal na paglalarawan ng Apat na Katotohanan ay ang mga sumusunod:

1. Dukkha (paghihirap): Ito ay maaaring mapalawak ang uri sa tatlong kaurian. Ang likas na paghihirap, o ang paghihirap na ang isang tao ay dumadaan sa lahat ng mga gawain sa mundo na kung ano ang pinaghihirapan ng tao sa mga pang-araw-araw na gawain: pagkapanganak, pagtanda, mga kasakitan, kamatayan, kalungkutan, at iba pa. Sa ibang salita, ang lahat ng nararanasan ng isang tao mula sa paghihiwalay mula sa pagkakabit ng "pagmamahal" at/o pagkakabit ng "pagkamuhi" at ang mga nakapaligid sa termino. Ang ikalawang uri ng paghihira, ang Paghihirap bunga ng Pagbabago ay nagsasabi na ang mga bagay ay naghihirap dahil sa pagdikit ng kanilang mga sarili sa isang panandaliang kalagayan na ang bagay na iyon ay "mabuti"; ngunit kapag iniba ang kalagayan, maghihirap. Ang ikatlong ay ang Sankhara Dukkha ay ang pinakadalubhasa. Ang mga nilalang ay naghihirap dahil sa hindi pag-alam na sila ay kabuuuan lamang na walang nagbabagong katauhan.

2. Dukkha Samudaya (sanhi ng paghihirap): Ang pagnanais na humahangtong sa Pagkakabit at Kasabusan ay ang sanhi ng paghihirap. Ito ay may pormal na terminong Tanha. Ito ay maaaring mauri sa tatlong magkakaibang mga bunsod. Kama Tanha aya ang Pagnanais para sa mga nakapagbibigay-lugod na nadarama (na sinasamahan ng nahihipo, nakikita, naririnig, nalalasahan, naamoy at sa pag-iisip). Ang Bhava Tanha ay ang Pagnanais sa pagdidikit sa isang tulo-tuloy na paraan na naipapakita sa ilang mga anyo kasama na ang kasabikan sa buhay. Ang Vibhava Tanha ay ang Pagnanais para sa pagkahiwalay sa pamamaraan na kasama na ang kawalang-buhay at nagbubunga sa kagustuhan sa pagkasira ng sarili.

3. Dukkha Nirodha (pagtigil o paghumpay sa paghihirap): Ang isang tao ay hindi maaayon ang mundo ayon sa sariling kagustuhan para matanggal ang paghihirap at ang pag-aasa ay mananatili panghabangbuhay. Ito ay lalabag sa prinsipyo ng pagbabago na kung anumang bagay ay walang bunga sa kapayapaan ng isipan ng isang tao. Sa madaling sabi, ang ikatlong Dakilang Katotohanan ay nagpapakita na ang pagtanggal ng sanhi (Pagnanais) ay ang pagtatanggal din ng bunga (paghihirap). Ito ay pinanghahawakan sa kasulatang sinabi ng Buddha na 'Kung anuman ang magmula mula sa isang sanhi ay maitatanggal ng pagtanggal sa sanhi'.

4. Dukkha Nirodha Gamini Patipada (daan patungo sa kalayaan mula sa paghihrap): Ito ay ang Dakilang Waluhang Daan patungo sa kalayaan at Nirvana. Ang daan ay maisasalin sa Wikang Ingles bilang ang tamang tanaw, tamang kagustuhan, tamang pananalita, tamang paggawa, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kamalayan at tamang konsentrasyon.

Mga pista at kaugalian

baguhin

Mga ispiritwal na pistang Theravada:

  1. Magha Puja
  2. Vesakha Puja
  3. Asalha Puja
  4. Uposatha
  5. Vassa (Ulang Pag-urong)

Galeriya

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gethin, Foundations, pahina 1
  2. "The World Factbook: Sri Lanka". CIA World Factbook. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-12-24. Nakuha noong 2006-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link).
  3. Adherants.com Naka-arkibo 2017-06-30 sa Wayback Machine. - Tingnan ang mga pagbanggit na nasa 'Theravada Buddhism - World'