Kalakhang Maynila

kabiserang rehiyon ng Pilipinas
(Idinirekta mula sa Kamaynilaan)

Ang Kalakhang Maynila (Ingles: Metropolitan Manila), tinatawag din bilang Pambansang Rehiyong Kapital[5] (Ingles: National Capital Region), ay ang kabiserang rehiyon at isa sa mga itinakdang kalakhang pook ng Pilipinas. Binubuo ito ng 16 na lungsod: ang Lungsod ng Maynila, Lungsod ng Quezon, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan, Taguig, at Valenzuela, pati na rin ang bayan ng Pateros. Ang rehiyon ay may sukat na 619.57 square kilometre (239.22 mi kuw) at kabuuang populasyon na 12,877,253 noong 2015.

Kalakhang Maynilà
Metro Manila

ᜃᜎᜃ᜔ᜑᜅ᜔ ᜋᜌ᜔ᜈᜒᜎ

Kamaynilaan
Pambansang Punong Rehiyon
National Capital Region (NCR)
Estasyong J. Ruiz
Kutang Santiago
Abenida Epifanio de los Santos
Bantayog ni Rizal
Katedral ng Maynila
Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino
Lokasyon sa Pilipinas
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′N 121°00′E / 14.58°N 121°E / 14.58; 121
Bansa Pilipinas
Nangangasiwang entidadPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
Naitatag7 Nobyembre 1975[1]
Binubuo ng
Pamahalaan
 • UriKalakhang pamahalaan sa ilalim ng desentralisadong balangkas[2]
 • KonsehoPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila
 • TagapanguloDanilo Lim (LP)
 • Konsehal ng kalakhanKonseho ng kalakhang Maynila
Lawak
 • Kalakhan at Rehiyon619.57 km2 (239.22 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)[3]
 • Kalakhan at Rehiyon12,877,253
 • Kapal21,000/km2 (54,000/milya kuwadrado)
 • Metro24,100,000 (Hindi pagtitipon, lugar ng kalakhan)
mga demonymTagalog: Manileño(-a), Manilenyo(-a), Taga-Maynila
Ingles: Manilan;
Kastila: manilense,[a] manileño(-a)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
IDD:area code+63 (0)2
Kodigo ng ISO 3166PH-00
GDP (2020)5.8 trilyon
$120.56 bilyon
Bilis ng paglagoIncrease (7.5%)
PulisyaNCRPO
Palatandaan ng pagunlad ng mga mamamayan (HDI)Increase 0.837 (Sobrang taas)
Antas ng HDIPangalawa (2015)
Websaytmmda.gov.ph
  1. Ito ang orihinal na pagsasalin sa wiking Espanyol, at ginamit din ito ni José Rizal sa kanyang obra na El filibusterismo.
Makati

Ang rehiyon ay sentro ng politika, pangangalakal, lipunan, kultura, at pang-edukasyon ng Pilipinas. Ayon sa iprinoklamang Utos ng Pampanguluhan Blg. 940, ang kabuuan ng Kalakhang Maynila ay ang sentro ng pamahalaan habang ang Lungsod ng Maynila ang kabisera. Ang pinakamalaking lungsod sa Kamaynilaan ay ang Lungsod Quezon, samantalang ang pinakamalaking distritong pangkalakalan ay ang Lungsod Makati.

Ang Kalakhang Maynila ang pinakamaraming naninirahan sa tinutukoy na 12 kalakhan ng Pilipinas at pang-11 sa pinakamaraming naninirahan sa buong mundo. Batay sa senso noong 2010, ito ay may populasyon na 11,855,975, katumbas ng 13% populasyon ng bansa.

Ang kabuuang produktong pampook ng Kalakhang Maynila ayon noong Hulyo 2011 ay tinatayang $159 bilyon o 33% ng kabuuang produktong pambansa. Sa loob ng taong 2011, ayon sa PricewaterhouseCoopers, ito ay pang-28 sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa pinagsamasamang lungsod sa buong mundo at pang-4 sa Timog-Silangang Asya.

Batay sa census noong 2007, ay populasyon ay 11,553,427[6]. Kung isasama sa pagbibilang ng populasyon ang mga katabing lalawigan (Bulacan, Kabite, Laguna at Rizal) ng Malawakang Maynila, ang populasyon ay humigit kumulang 20 milyon[7][8].

Kasaysayan

baguhin
Mapa ng lalawigan ng Maynila

Isang makasaysayang kaharian na kilala bilang Maynila ang kabilang sa mga teritoryo na minsang nasaklaw sa mga sinaunang kaharian. Kasama rin dito ang mga isla sa paligid ng Maynila at Tondo, ngunit may mas maliit na kaharian din katulad ng Tambobong, Taguig, Pateros, at ang pinagtibay na kaharian ng Cainta. Naging kabisera ito ng kolonyal na Pilipinas, at ang Intramuros ay nagsilbi bilang sentro ng kapangyarihang kolonyal. Noong 1898, isinama ang lungsod ng Manila at 23 iba pang mga bayan. Ang Mariquina ay nagsilbi ring kabisera ng Pilipinas mula 1898–1899, noong inilipat ang soberanya ng Pilipinas sa Estados Unidos. Noong 1901, ang lalawigan ng Maynila ay pinawalangbisa at halos lahat ng teritoryo nito ay inilipat sa noo'y bagong lalawigan ng Rizal.

Mula pa noong panahong kolonyal ng mga Espanyol, ang Maynila ay itinuturing bilang isang orihinal na lungsod pandaigdig.

Ang galeon ng Maynila ay ang pinaka-unang kilalang kalakalan na naglayag sa rutang pangkalakaran sa Karagatang Pasipiko sa loob ng 250 taon, na nagdadala sa Espanya ng mga karagamentong may luho, benepisyong pang-ekonomiya, at pagpapalit ng kultura.

Heograpiya

baguhin
 
Retratong satelayt ng Kalakhang Maynila na kinuha mula sa International Space Station noong Mayo 2016.
 
Tanawin ng Kalakhang Maynila mula sa Moog ng San Felipe sa Kabite.

Matatagpuan sa 14°40' H 121°3 S, ang Kalakhang Maynila ay nasa isang isthmus na naghahanggan sa Lawa ng Laguna sa timog silangan at sa Look ng Maynila sa kanluran. Ang pook metropolitan ay nasa malawak na kapatagan. Naghahanggan ang sakop nito sa Bulacan sa hilaga, sa lalawigan ng Rizal sa silangan, sa Laguna sa timog at sa Kabite sa timog kanluran. Hinahati ng Ilog Pasig ang Kalakhang Maynila na nagdudugtong sa dalawang katubigan kinahahanggan nito sa kanluran at silangan.

Pinakamaliit sa mga rehiyon ng Pilipinas ang Kalakhang Maynila, subalit pinakamatao at pinakamakapal ang populasyon nito. 636 kilometrong parisukat ang lawak nito at pinapaligiran ito ng mga lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa silangan, at Laguna at Cavite sa timog. Matatagpuan naman sa kanluran ng Kalakhang Maynila ang Look ng Maynila at sa timog-silangan naman ang Laguna de Bay. Dumadaloy sa gitna ng Kalakhang Maynila ang Ilog Pasig na siyang nagdudugtong Laguna de Bay sa Look ng Maynila.

Ang Kalakhang Maynila ay itinuturing swampy isthmus na may karaniwang elebasyon na 10 metro. Ang pangunahing anyong tubig ng Kalakhang Maynila ay ang Ilog Pasig; ito ang humahati sa isthmus ng Kalakhang Maynila.

Ayon sa pagbubukod ng klima na Köppen, ang Pambansang Punong Rehiyon ay may tropikong basa at tuyo na klima at tropikong balaklaot na klima. Ang Kalakhang Maynila ay may maikling tagtuyo mula Enero hanggang Mayo, at may pagkahabang tag-ulan mula Hunyo hanggang Disyembre.


Buwan Enero Pebrero Marso Abril Mayo Hunyo Hulyo Agosto Setyembre Oktubre Nobyembre Disyembre Taon
Katamtamang Mataas na Temperatura°C 30 31 32 33 33 32 31 30 31 30 30 30 31
Katamtaman Kababaan ng Temperatura°C (°F) 21 22 22 24 25 25 24 23 23 23 23 22 23
Ulan (cm) 2 1 1 3 12 26 40 36 34 19 13 6 197
Pinagkunan: Weatherbase Naka-arkibo 2012-03-07 sa Wayback Machine.

Pamahalaan at politika

baguhin

Mga lungsod at bayan

baguhin
 
Mapa ng Kalakhang Maynila.

Ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila ay administratibong kapantay sa mga lalawigan. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga malayang lungsod na iniuri bilang "mga lungsod na mataas na urbanisado", at isang malayang bayan: Pateros.

Lungsod o
bayan
Retrato Populasyon (2015)[3] Lawak[a] Densidad Petsa ng pagsapi bilang lungsod
km2 sq mi /km2 /sq mi
Caloocan   12.3% 1,583,978 53.20 20.54 30,000 78,000 1962
Las Piñas   4.6% 588,894 32.02 12.36 18,000 47,000 1997
Makati   4.5% 582,602 21.73 8.39 27,000 70,000 1995
Malabon   2.8% 365,525 15.96 6.16 23,000 60,000 2001
Mandaluyong   3.0% 386,276 11.06 4.27 35,000 91,000 1994
Maynila   13.8% 1,780,148 42.88 16.56 42,000 110,000 1571
Marikina   3.5% 450,741 22.64 8.74 20,000 52,000 1996
Muntinlupa   3.9% 504,509 41.67 16.09 12,000 31,000 1995
Navotas   1.9% 249,463 11.51 4.44 22,000 57,000 2007
Parañaque   5.2% 664,822 47.28 18.25 14,000 36,000 1998
Pasay   3.2% 416,522 18.64 7.20 22,000 57,000 1947
Pasig
 
5.9% 755,300 31.46 12.15 24,000 62,000 1995
Pateros   0.5% 63,840 1.76 0.68[b] 36,000 93,000 Hindi pa isang lungsod
Lungsod Quezon   22.8% 2,936,116 165.33 63.83 18,000 47,000 1939
San Juan   0.9% 122,180 5.87 2.27 21,000 54,000 2007
Taguig   6.3% 804,915 45.18 17.44 18,000 47,000 2004
Valenzuela   4.8% 620,422 45.75 17.66 14,000 36,000 1998
Kabuuan 12,877,253 613.94 237.04 21,000 54,000
  1. ^ Ang mga bilang ng sukat ng lupain ay mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology at Geoscience Australia.[9][10]
  2. ^ Ang sukat ng lupain ng Pateros ay mula sa opisyal na websayt ng pamahalaan ng Munisipyo ng Pateros.[11]

Mga distrito

baguhin

Hindi tulad ng ibang rehiyon na nahahati sa mga lalawigan, nahahati ang Kalakhang Maynila sa limang hindi administratibong distrito, na nakauri batay sa heograpiya nito gamit ang Ilog Pasig bilang reperensiya. Nabuo ang mga distritong ito noong 1976 ngunit walang lokal na pamahalaan o may kinatawan sa kongreso, salungat sa mga lalawigan. Ginagamit ang mga distritong ito para sa layuning piskal at estadistikal.

Nahahati ang mga lungsod at munisipyo sa Kalakhang Maynila sa apat na distrito, ang mga ito ang sumusunod:

 
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
Distrito Mga lungsod/bayan Populasyon (2015) Lawak
Kabiserang Distrito
(Unang Distrito)
Maynila 1,780,148 42.88 km2
(16.56 mi kuw)
Silangang Distrito ng Maynila
(Ikalawang Distrito)
4,650,613 236.36 km2
(91.26 mi kuw)
Hilagang Distrito ng Maynila (CAMANAVA)
(Ikatlong Distrito)
2,819,388 126.42 km2
(48.81 mi kuw)
Katimugang Distrito ng Maynila
(Ikaapat na Distrito)
3,626,104 208.28 km2
(80.42 mi kuw)
Kalakhang Maynila 12,876,253 613.94 km2
(237.04 mi kuw)
Mga pinagkunan:

Ekonomiya

baguhin

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay bumuo ng 36% ng pambansang kita noong 2018.[15]

Lugar ng Libangan at Palatandaan

baguhin

Transportasyon

baguhin

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board, ang pampublikong sakayan sa Kalakhang Maynila ay binubuo ng mga sumusunod: 46% ng mga tao ay lumilibot sa pamamagitan ng mga dyipni, 32% sa pamamagitan ng mga pampribadong kotse, 14% sa pamamagitan ng bus, at 8% ay gumagamit ng sistemang daambakal.[16] Nakaalinsunod ang pagpapausbong ng transportasyon ng Kamaynilaan sa Metro Manila Dream Plan, na binubuo ng pagpapatayo ng mga impraestruktura na tatagal hanggang 2030 at tumutugon sa mga usaping ukol sa trapiko, paggamit ng lupain, at kalikasan.[17][18]

Mga daan at lansangan

baguhin
 
Tanawing panghimpapawid ng EDSA, ang pinakaabalang lansangan sa kalungsuran.
 
NAIA Expressway, ang kauna-unahang mabilisang daanang pampaliparan sa kalakhan at sa bansa.

Itinayo ang mga daan ng Kamaynilaan sa paligid ng Lungsod ng Maynila. Ibinukod ang mga daan bilang mga lokal na daan, pambansang daan, o daang subdibisyon. Mayroong sampung daang radyal na lumalabas ng lungsod. Gayundin, mayroong limang daang palibot na bumubuo sa isang serye na mga bilugang hating-bilog na arko sa paligid ng Maynila. Ang mga daang palibot at daang radyal ay mga sistema ng nakakonektang daan at lansangan. Isang suliranin sa mga daang palibot ay mga nawawalang daan (missing road links). Ito ay mga daan na hindi pa itinatayo (sa ngayon) para magbigay-daan sa pagpapausbong dahil sa mabilisang urbanisasyon ng Kamaynilaan. Inilulutas na ng kalakhan ang suliraning ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga nawawalang daan o sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daang nag-uugnay (connector roads).

Isang mahalagang daang palibot ay ang Daang Palibot Blg. 4 (o C-4), na binubuo ng Daang C-4 sa Navotas at Malabon, Daang Samson sa Caloocan, at EDSA (Abenida Epifanio de los Santos]]. Dumadaan ito sa mga lungsod ng Pasay, Makati, Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Caloocan. Sinusundan ng Linya 3 ng MRT ang pagkakalinya ng EDSA mula Abenida Taft sa Pasay hanggang Trinoma malapit sa sangandaan nito sa Abenida North. Ang Daang Palibot Blg. 5, o mas-kilala bilang C-5, ay nagsisilbi sa mga nakatira malapit sa mga hangganang panrehiyon ng Kamaynilaan at nagsisibi ring alternatibong ruta para sa C-4.

Ang pinakatanyag na daang radyal ay ang Daang Radyal Blg. 1 (R-1), na binubuo ng Kalye Bonifacio (Bonifacio Drive), Bulebar Roxas, at Manila–Cavite Expressway (o Coastal Road). Inuugnay nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Kabite. Ang mga iba pang kilalang daang radyal sa Kamaynilaan ay ang Daang Radyal Blg. 3 (R-3), o ang South Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa Laguna; Daang Radyal Blg. 6, na binubuo ng Bulebar Ramon Magsaysay, Bulebar Aurora, at Lansangang Marikina–Infanta na dumadaan patungong Rizal; Daang Radyal Blg. 7 (R-7), na nag-uugnay ng Maynila sa Lungsod Quezon at San Jose del Monte, Bulacan; at Daang Radyal Blg. 8 (R-8), o ang mga daan ng Abenida Bonifacio at North Luzon Expressway na nag-uugnay ng Kamaynilaan sa mga lalawigan sa hilaga tulad ng Bulacan at Pampanga.

 
Isang palatandaan ng N150 sa Abenida Padre Burgos. Ang nasabing abenida ay isang bahagi ng nabanggit na ruta ng sistemang lansangambayan ng Pilipinas.

Ang sistemang daang radyal at palibot ay kasalukuyang pinapalitan ng isang bagong sistema ng nakabilang na lansangambayan na ipinapatupad ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH), at kasalukuyang inilalagay ang mga bagong palatandaan sa pagpapatupad nito. Itinatanda ang mga mabilisang daanan ng mga bilang na may unlaping "E" (nangangahulugang "expressway" o mabilisang daanan). Itinakda naman ang mga pambansang lansangan ng mga bilang may isa hanggang tatlong tambilang, maliban lamang sa mga lansangang iniuri bilang mga pambansang daang tersiyaryo.

Sa ngayon, tuluy-tuloy ang pagtatayo ng Metro Manila Skyway Stage 3 at ang NAIA Expressway Phase 2 na bahagi ng Metro Manila Dream Plan. Kabilang sa mga iba pang proyekto itinatayo ay ang pagpapaganda ng EDSA, pagtatayo ng Taft Avenue Flyover, at ang pagtatayo ng mga nawawalang daan para sa mga daang palibot circumferential roads (hal. Metro Manila Interchange Project Phase IV).

Mga sistemang daambakal

baguhin
 
Mapang sistema ng LRT at MRT (Hulyo 2015)
 
Ang Estasyon ng J. Ruiz ng Linya 2.

May tatlong linyang daambakal ang Kalakhang Maynila, na pinangangasiwaan ng dalawang entidad. Ang Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila (LRTA) ay nagtatakbo ng Linya 1 (Linyang Lunti) at Linya 2 (Linyang Bughaw). Sa kabilang banda, ang Sistema ng Metro Rail Transit ng Maynila ay nagtatakbo ng Linya 3 (Linyang Dilaw) na dumadaan sa EDSA.

Ang Unang Linya ay may 560,000 bilang ng mga mananakay kada linggo.[19] Noong Pebrero 2014, ang kabuuang bilang na 14.06 milyong pasahero ang gumamit ng Unang Linya habang 6.13 milyon naman ang gumamit ng Ikalawang Linya.[20] 

Sa kasalukuyan, itinatayo ang Ikapitong Linya ng Metro Rail Transit ng Maynila (Linyang Pula). Pag-nakumpleto, uugnayin nito ang Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Bulacan. Bukod pa riyan, isang common station na mag-uugnay ng Unang Linya, Ikatlong Linya, at Ikapitong Linya ay nakapanukala, subalit ang pagtatayo nito ay hinahadlangan ng burukrasya sa Kagawaran ng Transportasyon (DOTr), mahigpit na alitan sa korporasyon, at mga usapin ukol sa ipinapanukalang lokasyon nito.[21][22][23][24]

Ipinanukala na ipapahaba ang Linya 1 papuntang Bacoor sa lalawigan ng Kabite.[19] Isang ikalawang pagpapahaba, ang Ika-anim na Linya ng Sistema ng Light Rail Transit ng Maynila, ang mag-uugnay ng Bacoor sa Dasmarinas sa kahabaan ng Lansangang Aguinaldo. Sa ngayon, itinatayo ang Silangang Ekstensyon ng Linya 2. Ang silangang ekstensyon na ito ang mag-uugnay ng Kalakhang Maynila sa lalawigan ng Rizal. Ipapahabain rin ito pakanluran sa hinaharap, at dahil diyan mas-dadami ang ugnayan sa mga lugar ng Divisoria at Pier 4 at ang Pantalan ng Maynila.

Ang Pambansang Daambakal ng Pilipinas (PNR) ay nagpapatakbo ng isang serbisyong riles pang-komyuter sa Kalakhang Maynila na tinatawag na PNR Metro South Commuter. Ang pangunahing estasyong terminal nito ay matatagpuan sa Tutuban sa Tondo. Kapag nakumpleto na ang kanlurang karugtong ng Linya 2, ang Tutuban ay magiging pinaka-maabalang estasyong palitan sa buong kalakhan, na may dagdag na isa pang 400,000 tao mula sa kasalukuyang 1 milyong tao na pumupuntang Tutuban Center.[25]

Himpapawid

baguhin

Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) na matatagpuan sa mga lungsod ng Pasay at Parañaque ay ang primerang pasukan sa Kalakhang Maynila. Ito lamang ang paliparan na naglilingkod sa rehiyon at ito ang pinaka-abalang paliparan sa bansa.[26] Ang Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino ay nahahati sa mga apat na terminal: ang Terminal 1, ang Terminal 2 na ekslusibong ginagamit ng Philippine Airlines, ang Terminal 3 na pinakabago at pinakamalaki sa NAIA komplex, at ang Terminal 4 na kilala rin bilang Manila Domestic Passenger Terminal. Ang isa pang paliparan na naglilingkod sa Kalakhang Maynila ay ang Paliparang Pandaigdig ng Clark na matatagpuan sa Angeles, Pampanga.

 
Isang bangka ng Pasig River Ferry Service.

Ang Pasig River Ferry Service na pinapatakbo ng MMDA ay ang sistemang shuttle na lantsang pantawid ng Kalakhang Maynila. Dumadaan ito sa Ilog Pasig mula Plaza Mexico sa Intramuros hanggang Barangay Pinagbuhatan sa Pasig. Bagamat itinuturi itong ferry, mas-kahawig nito ang isang taksi na pantubig. Ito ay may labimpitong (17) estasyon, subalit labing-apat (14) lamang ang gumagana.

Demograpiko

baguhin
Populasyon ng
Pambansang Punong Rehiyon
TaonPop.±% p.a.
1980 5,925,884—    
1990 7,948,392+2.98%
1995 9,454,040+3.30%
2000 9,932,560+1.06%
2007 11,553,427+2.11%
2010 11,855,975+0.95%
2015 12,877,253+1.59%
Sanggunian: Philippine Statistics Authority[6][27][28][3]

Ang Pambansang Punong Rehiyon ay may populasyon na &0000000012877253.00000012,877,253, ayon sa pambansang senso 2015. Ang kabuuang pook-urban (urban area), na binubuo ng pinagsamang pook-urban na tumutukoy sa tuluy-tuloy na paglawak ng urbanisasyon ng Kamaynilaan patungong Bulacan, Kabite, Laguna, Rizal, at Batangas ay may populasyon na &0000000024123000.00000024,123,000.[29] Ito ang pinakamataong rehiyon sa Pilipinas, ang ikapitong pinakamataong kalakhan sa Asya, at ang ikatlong pinakamataong pook-urban sa buong mundo.

Ang mga pinakamataong lungsod sa Kamaynilaan ay Lungsod Quezon (2,936,116), Maynila (1,780,148), Caloocan (1,583,978), Taguig (804,915), Pasig (755,300), Parañaque (665,822), Valenzuela (620,422), Las Piñas (588,894), Makati (582,602), at Muntinlupa (504,509).

Mga slum

baguhin

Noong 2014, tinatayang may apat na milyong mga tumitira sa mga slum sa Kalakhang Maynila. Isang pangunahing suliranin sa mga lungsod ng Kalakhang Maynila ang kawalan ng tirahan.[30]

Edukasyon

baguhin

Kalusugan

baguhin

Seguridad at Pulisya

baguhin

Palingkurang-bayan

baguhin

Kuryente

baguhin

Komunikasyon

baguhin

Pamamahala ng mga Basura

baguhin

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Presidential Decree No. 824 November 7, 1975". lawphil.net. Arellano Law Foundation. Nakuha noong 14 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Manasan, Rosario; Mercado, Ruben (Pebrero 1999). "Governance and Urban Development: Case Study of Metro Manila" (PDF). Philippine Institute for Development Studies Discussion Paper Series (99–03). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 16 Disyembre 2018. Nakuha noong 15 Disyembre 2018.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Census of Population (2015). "National Capital Region (NCR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "The Principal Agglomerations of the World". citypopulation.de. Nakuha noong 8 Disyembre 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Mga Pangalan ng Tanggapan ng Pamahalaan sa Filipino" (PDF). Komisyon sa Wikang Filipino (sa wikang Filipino). 2013. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 23 Septiyembre 2021. Nakuha noong 27 Marso 2018. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. 6.0 6.1 "Final Results - 2007 Census of Population". Census Bureau of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-11-20. Nakuha noong 29-03-10. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  7. "Demographia World Urban Areas & Population Projections" (PDF). 2010. Nakuha noong 29-30-10. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  8. "Official population count reveals..." Philippine National Statistics Office. 16-04-08. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-02. Nakuha noong 29-30-10. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate=, |date=, at |year= / |date= mismatch (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)
  9. "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Nobyembre 14, 2013. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  10. "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology and Geoscience Australia. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Agosto 6, 2016. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Land Use Classification". Municipality of Pateros. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Setyembre 2008. Nakuha noong 7 Abril 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Nobyembre 14, 2013. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology and Geoscience Australia. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Pateros; Land Use Classification
  15. https://psa.gov.ph/grdp/grdp-id/138508. Philippine Statistics Authority.
  16. Katerina Francisco (5 Marso 2015). "Fixing traffic: Jeeps eyed as feeders to bus routes". Rappler. Nakuha noong 5 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "JICA transport study lists strategies for congestion-free MM by 2030". Japan International Cooperation Agency. 2 Setyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Agosto 2015. Nakuha noong 27 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Jerry E. Esplanada (20 Abril 2014). "Japan presents $57-B 'dream plan' to solve Metro congestion". INQUIRER.net. Nakuha noong 27 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 "Line 1 Cavite Extension and Operation & Maintenance". Public-Private Partnership Center. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-03-16. Nakuha noong 24 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Marielle Medina. "Did you know: Lines 1 and 2 ridership". INQUIRER.net. Nakuha noong 24 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Kris Bayos (4 Pebrero 2015). "Common station at SM North EDSA pushed for LRT1, MRT3, and MRT7". Manila Bulletin. Nakuha noong 24 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Judith Balea (14 Hunyo 2014). "Why SM is after the MRT-LRT common station". Rappler. Nakuha noong 26 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Mick Basa (20 Nobyembre 2014). "DOTC eyeing another LRT-MRT common station". Rappler. Nakuha noong 26 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Danessa O. Rivera (1 Agosto 2014). "SC stops DOTC, LRTA from building common station in front of Trinoma". GMA News. Nakuha noong 26 Marso 2015. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Tutuban Center may become Manila's busiest transfer station". ABS-CBN News. Nakuha noong 21 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  26. Darwin G. Amojelar (03 Hulyo 2012). "NAIA is Philippines' busiest airport - NSCB". InterAksyon.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-02-15. Nakuha noong 29 Hunyo 2013. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong); no-break space character in |date= at position 9 (tulong)
  27. "2010 Census of Population and Housing: National Capital Region" (PDF). National Statistics Office of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 25 Hunyo 2012. Nakuha noong 6 Abril 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "National Capital Region. Total Population by Province, City, Municipality and Barangay: as of May 1, 2010" (PDF). National Statistics Office of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 15 Nobyembre 2012. Nakuha noong 22 Disyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Demographia (Enero 2015). Demographia World Urban Areas (PDF) (ika-11th (na) edisyon). Nakuha noong 2 Marso 2015.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. Paul Roy (18 Setyembre 2014). "In the slums of Manila, inequality is so bad that the worst off have no chance to protest". The New Statesman. Nakuha noong 4 Nobyembre 2016. {{cite web}}: Italic or bold markup not allowed in: |publisher= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)