Mga paghahating pampangasiwaan ng Kalakhang Maynila

Ang Kalakhang Maynila na punong rehiyon ng Pilipinas, ay isang malaking kalakhang pook na may ilang antas ng mga subdibisyon. Administratibong nahahati ang rehiyon sa labimpitong mga pangunahing yunit ng lokal na pamahalaan na may kani-kanilang mga inihahalal na alkalde at mga sangguniang iniuugnay ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila, isang pambansang ahensiya ng pamahalaang pinamumunuan ng isang tagapangulong tuwiran na itinalaga ng pangulo ng Pilipinas. Ang mga lungsod at bayang bumubuo sa mga yunit ng lokal na pamahalaan ng rehiyon ay nahahati pa sa mga barangay (dating tinawag na mga baryo) na pinamumunuan ng isang inihalal na punong barangay at Sangguniang Barangay.

Ang kabuoang rehiyon ay heograpikong nahahati sa apat na mga distrito, ang una ay ang kabiserang sentral na Lungsod ng Maynila, ang ikalawa at ikatlong mga distrito ay nasa silangan at hilaga ng Lungsod, alinsunod sa pagkakabanggit, at ang ikaapat na distrito naman ay sumasaklaw sa nalalabing mga lugar sa timog ng Lungsod at ng Ilog Pasig.

Mga distrito

baguhin

Hindi tulad ng ibang mga rehiyong pampangasiwaan sa Pilipinas, hindi binubuo ng mga lalawigan ang Kalakhang Maynila. Sa halip, nahahati ang rehiyon sa apat na mga lugar heograpikong tinatawag na mga "distrito."[1] Taglay ng mga distrito ang kanilang mga sentrong nasa apat na mga unang lungsod ng rehiyon: ang lungsod-distrito ng Maynila (Kabiserang Distrito), Lungsod Quezon (Silangang Maynila), Caloocan (Hilagang Maynila, impormal na tinatawag ding CAMANAVA), at Pasay (Katimugang Maynila).[2] Pangunahing layon ng mga distritong ito ang pag-oorganisa ng mga yunit ng lokal na pamahalaan ng rehiyon para sa mga layuning piskal at estadistikal.

 
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
Mga distrito ng Kalakhang Maynila
Distrito Mga lungsod/bayan Populasyon (2015) Lawak
Kabiserang Distrito
(Unang Distrito)
Maynila 1,780,148 42.88 km2
(16.56 mi kuw)
Silangang Distrito ng Maynila
(Ikalawang Distrito)
4,650,613 236.36 km2
(91.26 mi kuw)
Hilagang Distrito ng Maynila (CAMANAVA)
(Ikatlong Distrito)
2,819,388 126.42 km2
(48.81 mi kuw)
Katimugang Distrito ng Maynila
(Ikaapat na Distrito)
3,626,104 208.28 km2
(80.42 mi kuw)
Kalakhang Maynila 12,876,253 613.94 km2
(237.04 mi kuw)
Mga pinagkunan:

Mga nagsasariling lungsod at bayan

baguhin

Pampangasiwaang katumbas ng mga lalawigan ang labimpitong mga yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila. Binubuo ang mga ito ng labing-anim na mga nagsasariling lungsod, iniuri na "mga mataas na urbanisadong lungsod," at isang nagsasariling bayan: Pateros.

 
Mga primerang yunit ng lokal na pamahalaan ng Kalakhang Maynila, 2012
Lungsod/Bayan Populasyon (2015)[3] Kapal ng populasyon (pop/km²)(2015)[3] Lawak (km²)
Maynila 1,780,148 71,263 42.88
Caloocan 1,583,978 28,000 53.33
Las Piñas 588,894 18,000 32.02
Makati 582,602 27,000 27.36
Malabon 365,525 23,000 15.96
Mandaluyong 386,276 18,000 11.06
Marikina 450,741 21,000 22.64
Muntinlupa 504,509 13,000 41.67
Navotas 249,463 23,000 11.51
Parañaque 664,822 14,000 47.28
Pasay 416,522 30,000 18.31
Pasig 755,300 24,000 31.46
Pateros 63,840 36,000 1.76
Lungsod Quezon 2,936,116 18,000 166.20
San Juan 122,180 21,000 5.87
Taguig 804,915 15,000 45.18
Valenzuela 620,422 13,000 45.75

Mga barangay

baguhin

Ang mga lungsod at bayan ng Kalakhang Maynila ay nahahati sa mga barangay na may populasyong mula mababa sa 1,000 hanggang higit sa 200,000. Ang mga barangay sa Lungsod ng Maynila, Caloocan at Pasay ay nakapangkat sa mga sona para sa mga layuning estadistikal. Magmula noong 2015, may 1,710 mga barangay sa Kalakhang Maynila.

Ibang mga paghahati

baguhin

Mga distritong pambatas

baguhin

Sa usapin ng pangangatawan ng mga kongresista, may 32 mga distritong pambatas ang rehiyon, at bawat isa sa mga lungsod ay binubuo ng isa o higit pang mga distritong pambatas. Ang solong munisipalidad ng Pateros ay nakikibahagi sa unang distrito ng Taguig.

Mga lumang distrito

baguhin

Maari ring ihati ang mga lungsod ng Kalakhang Maynila sa mga nakagisnang distrito, tulad ng mga dating pueblo (o bayan) na kasalukuyang mga distritong panlungsod ng Lungsod ng Maynila at mga bayan at lupaing (estates) pangkasaysayan tulad ng Novaliches, Balintawak, San Francisco del Monte at Diliman na sinanib upang mabuo ang Lungsod Quezon. Walang sariling pamahalaan ang alimang mga nakagisnang distrito. Kabilang naman sa mga nakagisnang distrito sa Pasay ang Malibay, Santa Clara, San Rafael at Maricaban.

Mga gated community

baguhin

Maari ring ihati ang ilang mga lungsod sa Kalakhang Maynila sa ilang mga nakatarangkahang komunidad (gated communities), na kilala rin bilang "mga subdibisyon," na maaring bumubuo o hindi bumubuo sa kani-kanilang mga barangay o mababang-antas na mga yunit ng lokal na pamahalaan. Ilang mga halimbawa ay: La Vista, White Plains, BF Homes, Greenmeadows at Filinvest Homes sa Lungsod Quezon; at Marina Bay, Merville, Tahanan Village at Better Living Subdivision sa Parañaque.

Mga dibisyong pangkasaysayan

baguhin

Bago ang taong 1901

baguhin

Bago ang taong 1901, umiral ang dating lalawigan ng Maynila na sumaklaw sa kasalukuyang Kalakhang Maynila at hilagang bahagi ng katabing lalawigan ng Rizal. Nahati ito sa 24 na mga bayan. Ang kabisera nito ay ang noo'y bayan ng Intramuros (noo'y tinawag na Maynila).

1901–1942

baguhin

Maliban sa Lungsod ng Maynila na pinagsama ang anim na mas maliit na mga bayan noong Hunyo 1901, sinanib ang lalawigan ng Maynila sa bagong-tatag na lalawigan ng Rizal. Nagsilbing panlalawigang kabisera nito ang Pasig.

1942–1947

baguhin

Binuo ang Lungsod ng Malawakang Maynila (City of Greater Manila) noong Enero 1942 nang sinama ang Lungsod ng Maynila at Lungsod Quezon, gayon din ang anim na ibang mga bayan mula sa lalawigan ng Rizal: Caloocan, Makati, Mandaluyong, Parañaque, Pasay at San Juan.[7]

1947–1975

baguhin

Ibinalik sa lalawigan ng Rizal ang mga bayan ng Lungsod ng Malawakang Maynila pati ang Lungsod Quezon.

Itinatag ang Metropolitan Manila (Kalakhang Maynila) noong Nobyembre 1975 sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 824. Binubuo ito ng apat na mga lungsod at labintatlong mga bayan, labindalawa ay mula sa lalawigan ng Rizal habang isa – Valenzuela – ay mula sa lalawigan ng Bulacan. Saklaw nito ang kasalukuyang teritoryo ng Kalakhang Maynila.[8] Idineklara itong Pambansang Punong Rehiyon (National Capital Region) ng Pilipinas noong Hunyo 1978.[9]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Municipal and City Level Estimates" (PDF). National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 13 Nobyembre 2013. Nakuha noong 14 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Environmental Management Bureau – National Capital Region". Environmental Management Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hulyo 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Census of Population (2015). Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "An Update on the Earthquake Hazards and Risk Assessment of Greater Metropolitan Manila Area" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Nobyembre 14, 2013. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Enhancing Risk Analysis Capacities for Flood, Tropical Cyclone Severe Wind and Earthquake for the Greater Metro Manila Area Component 5 – Earthquake Risk Analysis" (PDF). Philippine Institute of Volcanology and Seismology and Geoscience Australia. Nakuha noong Mayo 16, 2016. {{cite web}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Pateros; Land Use Classification
  7. "Executive Order No. 400, s. 1942". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Presidential Decree No. 824, s. 1975". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Agosto 2014. Nakuha noong 17 Hulyo 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Presidential Decree No. 1396, s. 1978". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-03. Nakuha noong 22 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)