Lungsod ng Malawakang Maynila

dating lungsod ng Pilipinas

Ang Lungsod ng Malawakang Maynila (Ingles: City of Greater Manila), na kilala rin sa payak bilang Malawakang Maynila (Greater Manila) at minsang Greater Manila Area (GMA)[1], ay isang dating kinartang lungsod (chartered city)[2] na umiral noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinamahalaan ito ng Komonwelt ng Pilipinas at binuwag ito ng mga puwersang mananakop na Hapones.

Lungsod ng Malawakang Maynila
City of Greater Manila
Dating Kinartang Lungsod ng Pilipinas
1941–1944
Panahon sa kasaysayan Ikalawang Digmaang Pandaigdig
 -  Itinatag 1941
 -  Binuwag 1944

Binuo ni Pangulong Manuel L. Quezon ang Malawakang Maynila bilang isang pangkagipitang hakbang (emergency measure). Sinanib ang mga lungsod ng Maynila at Lungsod Quezon pati ang mga bayan ng Caloocan, Las Piñas, San Pedro de Macati, Malabon, San Felipe Neri, Mariquina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, San Juan del Monte, at pook ng Taguig-Pateros. Itinalagang alkalde ng Lungsod ng Malawakang Maynila si Jorge B. Vargas.[3]

Ang mga alkalde ng dating mga bayan at lungsod ay naging mga bise-alkalde ng kani-kanilang mga lokalidad at nasa pamamahala ng Alkalde ng Malawakang Maynila.[3]

Binuwag ng mga Hapones ang Malawakang Maynila, at namahala ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa lugar na bumuo sa dating lungsod. Namahala rin ang Komisyong Tagapagpaganap ng Pilipinas sa ibang mga teritoryo sa bansa na sinakop ng mga Hapones sa kasagsagan ng digmaan.[3]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Chapter I". Quezon City at 75 Resurgent & Resilient. Erehwon Artworld Corporation for the Local Government of Quezon City through the Communications Coordination Center. 2014. p. 69. ISBN 9789719566632.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Chartered Cities". Official Gazette of the Republic of the Philippines. 1 (4): 200. 1942.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "Historical Background". DENR - Environment Management Bureau - National Capital Region. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Abril 2, 2017. Nakuha noong Agosto 24, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Coordinates needed: you can help!