Angono
Ang Angono (pagbigkas: a•ngó•no) ay isang Unang Klaseng bayan sa lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay nasa 30 km silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 130,494 sa may 30,291 na kabahayan.
Angono Bayan ng Angono | |
---|---|
Mapa ng Rizal na nagpapakita sa bayan ng Angono. | |
Mga koordinado: 14°31′24″N 121°09′13″E / 14.523375°N 121.153625°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Rizal |
Distrito | — 0405801000 |
Mga barangay | 10 (alamin) |
Pagkatatag | 1766 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Jeri Mae E. Calderon |
• Manghalalal | 70,448 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 26.22 km2 (10.12 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 130,494 |
• Kapal | 5,000/km2 (13,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 30,291 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 6.10% (2021)[2] |
• Kita | ₱452,417,610.99182,716,771.88201,790,507.3023,288,847.15267,738,045.0631,059,210,359.00342,830,693.65392,079,758.82432,941,301.57439,112,295.78591,232,678.37 (2020) |
• Aset | ₱680,663,454.86281,355,591.00293,122,119.49350,084,363.60382,717,616.05486,454,169.78481,489,226.44647,949,174.73654,370,348.50803,270,267.411,125,488,724.61 (2020) |
• Pananagutan | ₱276,212,938.87120,262,533.00149,373,597.781,998,010,130.20221,002,717.66301,063,207.60270,105,372.58395,413,639.73327,062,694.11318,645,592.65475,323,348.04 (2020) |
• Paggasta | ₱455,716,699.75178,058,917.28198,771,811.82203,301,283.78238,823,735.06275,683,645.71319,058,974.30349,752,224.96407,288,888.48439,112,295.78539,232,678.37 (2020) |
Kodigong Pangsulat | 1930 |
PSGC | 0405801000 |
Kodigong pantawag | 2 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | angono.gov.ph |
Itinatag ito bilang isang pueblo noong 1766 at naging bayan noong 1935. Natamasa nito ang kaunlaran sa paglipas ng panahon. Nagsimula ito bilang isang maliit na bayang nagsasaka at nangingisda, ngunit umunlad sa isang makabagong bayan na nagkaroon ng madaming maliliit at katamtamang laking mga negosyo, na karamihan ay mga bangko na nagsitayo ng mga sangay sa bayan. Ang mga sikat na fastfood at iba pang mga establisyamento ay nagkaroon din ng mga sangay. Ang bayan ay may makabagong sistemang pangtelekomunikasyon, na nagbibigay ng serbisyo sa hattinig (telepono), Cable TV, serbisyong internet atbp.
Kilala rin ang bayan ng Angono bilang Kabisera ng Sining ng Pilipinas. Tahanan ito ng dalawang Pambansang Artista ng Pilipinas, si Carlos V. Francisco para sa Pagpipinta (1973) at Lucio D. San Pedro para sa musika (1991). Kilala rin ang bayan dahil sa pinakamatandang gawa ng sining sa Pilipinas, ang Angono Petroglyphs subalit ito ay nasa hangganan ng Angono, Binangonan at Antipolo sa lalawigan ng Rizal.
May mangilan-ngilang na tanghalan ng sining at istudiyo sa Angono at ito ang talaan ng iba sa kanila:
- Blanco Family Museum, Nemiranda Arthouse & Gallery Naka-arkibo 2009-06-30 sa Wayback Machine.
- Tiamson Art Gallery
- Ang Nuno Artists Foundation Gallery
- Village Artist Gallery
- Juban Studio, # Vicente Reyes Art Studio
- The Second Gallery
- The Angono Ateliers Gallery.
Si Papa Clemente I, na mas kilala bilang San Clemente, ay ang santong patron ng Angono at ng karamihan ng mga bayan sa Pilipinas, ay isang pista na pinagdiriwang taon-taon. Ang pagdiriwang na ito tuwing Nobyembre 23 ay pinapaganda ng mga prusisyon na kilala bilang "pagoda", at dinadaluhan ng mga katututbo at ng mga turista.
Mga barangay
baguhinAng bayan ng Angono ay nahahati sa 10 mga barangay.
- Bagumbayan
- Kalayaan
- Poblacion Ibaba
- Poblacion Itaas
- San Isidro
- San Pedro
- San Roque
- San Vicente
- Santo Niño
- Mahabang Parang
Demograpiko
baguhinTaon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 2,231 | — |
1939 | 3,896 | +1.56% |
1948 | 5,255 | +3.38% |
1960 | 7,093 | +2.53% |
1970 | 12,127 | +5.50% |
1975 | 17,574 | +7.72% |
1980 | 26,571 | +8.62% |
1990 | 46,014 | +5.65% |
1995 | 59,444 | +4.92% |
2000 | 74,668 | +5.01% |
2007 | 97,209 | +3.71% |
2010 | 102,407 | +1.91% |
2015 | 113,283 | +1.94% |
2020 | 130,494 | +2.82% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Noong senso 2015, ang populasyon ng Angono, ay 113,283 katao, na may kapal na 4,300 katao kada kilometro kuwadrado o 11,000 katao kada milya kuwadrado.
Mga sanggunian
baguhin- ↑
"Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Angono UnOfficial website
- People of Angono Discussion Board Naka-arkibo 2021-06-20 sa Wayback Machine.
- Nemiranda - Official website with Online Gallery Naka-arkibo 2009-06-30 sa Wayback Machine.
- Northern California Angono Association
- Official website of the Provincial Government of Rizal Naka-arkibo 2007-04-02 sa Wayback Machine.
- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2010 Philippine Census Information Naka-arkibo 2012-06-25 sa Wayback Machine.
- "Balik-tanaw sa Kasaysayan ng Angono" Naka-arkibo 2017-07-22 sa Wayback Machine. Balita. 21 Agosto 2016.