Québec
Ang Québec (postal code: QC) ang pinakamalaking probinsiya sa Canada sa sukat, ang pangalawang pinakamatao pagkatapos ng Ontario, na may populasyon ng 7,568,640 (Statistics Canada, 2005). Kinakatawan nito ng humigit-kumulang 24% ng populasyong Canadian. Ang pangunahin at tanging opisyal na wika ng Québec ay French, at ang probinsiya din ang kumakatawan sa pinakamalaking populasyong Frangkofono sa Hilagang Amerika. Ang Québec ang tanging probinsiya ng Canada na kung saan ang Inggles ay hindi opisyal na wika (sa antas pangprobinsiya), at isa sa dalawa lamang na probinsiyang Canadian kung saan ang Pranses ay isang opisyal na wika (ang isa, ayon sa Constitution Act 1982, bilang New Brunswick. Nagtataglay ang Manitoba ng limitadong opisyal na bilinggwalismo, tulad ng sa paglalathala ng mga batas, sang-ayon sa Manitoba Act ng 1870.) Ang lungsod ng Québec ang kapital ng Québec at ang Montréal ang pinakamalaki nitong lungsod.
Québec | |||
---|---|---|---|
lalawigan ng Canada | |||
| |||
Mga koordinado: 52°N 72°W / 52°N 72°W | |||
Bansa | Canada | ||
Lokasyon | Canada | ||
Itinatag | 1 Hulyo 1867 | ||
Ipinangalan kay (sa) | Lungsod ng Québec | ||
Kabisera | Lungsod ng Québec | ||
Bahagi | Talaan
| ||
Pamahalaan | |||
• monarch of Canada | Charles III | ||
• Premier of Quebec | François Legault | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 1,542,056 km2 (595,391 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (2021, Senso)[1] | |||
• Kabuuan | 8,501,833 | ||
• Kapal | 5.5/km2 (14/milya kuwadrado) | ||
Kodigo ng ISO 3166 | CA-QC | ||
Wika | Pranses | ||
Websayt | https://www.quebec.ca |
2014: Philippe Couillard (PLQ)
Mga teritoryong pampangasiwaan
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ https://www12.statcan.gc.ca/census-recensement/2021/dp-pd/prof/details/page.cfm?Lang=F&GENDERlist=1,2,3&STATISTIClist=1&HEADERlist=0&DGUIDlist=2021A000224&SearchText=Qu%E9bec; wika ng trabaho o pangalan: Pranses; hinango: 18 Agosto 2022.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Canada ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.