Ang Guangzhou (Tsinong pinapayak: 广州; Tsinong tradisyonal: 廣州; Cantonese pronunciation: [kʷɔ̌ːŋ.tsɐ̂u] or [kʷɔ̌ːŋ.tsɐ́u] ( pakinggan); Pagsasalitang Mandarin: [kwàŋ.ʈʂóu]  ( listen)), kilala rin bilang Canton at dating niromanisado bilang Kwangchow o Kwong Chow,[6] ay ang kabisera at pinakamataong lungsod ng lalawigan ng Guangdong sa katimugang Tsina.[7] Ito ay nasa Ilog Perlas sa layong humigit-kumulang 120 km (75 mi) hilaga-hilagang kanluran ng Hong Kong at 145 km (90 mi) hilaga ng Macau. Ang lungsod ay may kasayasayang umaabot nang higit sa 2,200 taon at isa rin itong pangunahing dulo ng pandagat na Daang Sutla,[8] at patuloy pa rin itong naglilingkod bilang pangunahing pantalang lungsod at pusod ng transportasyon, gayon din bilang isang sa pinakamalaking mga lungsod ng bansa.[9]

Guangzhou

广州市

Canton; Kwangchow
Mula taas, kaliwa-pakanan: Tanawin ng Guangzhou kasama ang Ilog Perlas sa gabi; Toreng Canton; Rebukto ng Limang Kambing sa Liwasang Yuexiu; Toreng Zhenhai sa Liwasang Yuexiu; Katedral ng Sagrado Corazon ng Guangzhou; Distritong Sentral na Pangnegosyo ng Tianhe.
Mga palayaw: 
City of Rams, City of Flowers, Suicheng, marami pang iba
Map
Kinaroroonan ng hurisdiksiyon ng Lungsod ng Guangzhou sa Guangdong
Kinaroroonan ng hurisdiksiyon ng Lungsod ng Guangzhou sa Guangdong
Guangzhou is located in Guangdong
Guangzhou
Guangzhou
Kinaroroonan ng sentro ng lungsod sa Guangdong
Guangzhou is located in China
Guangzhou
Guangzhou
Guangzhou (China)
Mga koordinado (Pamahalaang Bayan ng Guangdong): 23°07′55″N 113°15′58″E / 23.132°N 113.266°E / 23.132; 113.266
Bansa Tsina
LalawiganGuangdong
Pamahalaan
 • UriSub-probinsiyal na lungsod
 • Kalihim ng Komite ng CPCZhang Shuofu
 • AlkaldeWen Guohui
Lawak
 • Antas-prepektura at sub-probinsiyal na lungsod7,434.4 km2 (2,870 milya kuwadrado)
 • Urban
3,843.43 km2 (1,483.95 milya kuwadrado)
Taas
21 m (68 tal)
Populasyon
 (Katapusan ng taong 2018)[2]
 • Antas-prepektura at sub-probinsiyal na lungsod14,904,400
 • Kapal2,000/km2 (5,200/milya kuwadrado)
 • Urban11,547,491
 • Metro
 (2010)[4]
25 milyon
DemonymKantones
Sona ng orasUTC+8 (Pamantayang Oras ng Tsina)
Kodigong postal
510000
Kodigo ng lugar(0)20
Kodigo ng ISO 3166CN-GD-01
GDP (nominal)[5]2018
 - Kabuuan¥2.3 trillion
$347 billion ($0.66 trillion, PPP)
 - Kada tao¥158,638
$23,963 ($46,778, PPP)
 - PaglagoIncrease 6.5%
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan粤A
Bulaklak ng lungsofBombax ceiba
Ibon ng lungsodChinese hwamei
Mga wikaKantones, Mandarin
Websaytenglish.gz.gov.cn
Guangzhou
"Guangzhou" sa Tradisyonal (itaas) at Pinapayak (ibaba) na mga panitik na Intsik
Pinapayak na Tsino广州
Tradisyunal na Tsino廣州
PostalCanton
Kwangchow
Kahulugang literalMalawak na Prepektura
daglat
Tsino
Mga dating pangalan
Nanwucheng
Tsino
Kahulugang literalKatimugang Wucheng
Panyu
Tsino番禺
Panlalawigang Kabisera
ng Guangfu
Tradisyunal na Tsino
省城
Pinapayak na Tsino广
省城
Kahulugang literalMalawak na Prepekturang
Panlalawigan na Lungsod
Xingwang
Tradisyunal na Tsino興王
Pinapayak na Tsino兴王
Kahulugang literalHappy King
Mga di-pormal na pangalan (sa Ingles)
City of Rams
City of the Five Rams
Tsino羊城
五羊城
Kahulugang literalGoat/Sheep City
Five Goat/Sheep City
City of the Immortals
Tsino仙城
City of Flowers
Tsino花城
Rice City
Tsino穗城
Kahulugang literalRice-ear City

Ang Guangzhou ay nasa pusod ng pinakamataong built-up na kalakhang pook sa kalupaang Tsina na umaabot sa pangunahing mga lungsod ng Foshan, Dongguan, Zhongshan at Shenzhen. Bumubuo ito sa isa sa pinakamalaking mga aglomerasyong urbano sa mundo. Sa pamamahala, humahawak ang lungsod ng katayuang sub-probinsiyal[10] at isa ito sa siyam na mga Pambansang Sentral na Lungsod ng Tsina.[11] Sa katapusan ng taong 2018, tinatayang nasa 14,904,400 katao ang populasyon ng malawak na pook pampangasiwaan ng lungsod, isang 3.8% paglago mula sa nakaraang taon.[12] Tinanda ang Guangzhou bilang isang Alpha global city.[13] May mabilis na dumaraming bilang ng mga banyaga na pansamantalang residente at nandayuhan mula Timog-silangang Asya, Gitnang Silangan, Silangang Europa at Aprika.[14][15] Humantong ito sa pagbansag sa lungsod bilang "Kabisera ng Ikatlong Mundo".[16]

Ang panloob na populasyong migrante mula sa ibang mga lalawigan ng Tsina sa Guangzhou ay 40% ng kabuoang populasyon ng lungsod noong 2008. Kasama ang Shanghai, Beijing at Shenzhen, ang Guangzhou ay may isa sa pinakamahal na mga pamilihan ng pag-aaring real (real estate) sa bansa.[17] Noong huling bahagi ng dekada-1990 at unang bahagi ng dekada-2000, lumipat sa Guangzhou ang mga mamamayan ng sub-Saharanong Aprika na unang tumira sa Gitnang Silangan at ibang mga bahagi ng Timog-silangang Asya, bunsod ng naganap na krisis sa pananalapi sa Silangang Asya noong 1997/98.[18]

Dating tinuringan na tanging pantalan ng Tsina na magagamit ng maraming mga dayuhang mangangalakal, bumagsak ang Guangzhou sa kamay ng mga Briton noong Unang Digmaang Opyo. At dahil hindi na nakatatamasa ng monopolyo ang pantalang lungsod kasunod ng digmaan, napunta ang mga kalakalan nito sa ibang mga pantalan tulad ng Hong Kong at Shanghai, ngunit patuloy pa ring naglingkod ito bilang isang pangunahing entrepôt. Sa makabagong komersiyo, mas-tanyag ang Guangzhou sa taunang Canton Fair, ang pinakamatanda at pinakamalaking peryang pangkalakal sa Tsina. Sa loob ng tatlong magkakasunod na taon (2013–2015), niranggo ng Forbes ang Guangzhou bilang pinakamahusay na lungsod pangkomersiyo sa kalupaang Tsina.[19]

Mga paghahating pampangasiwaan

baguhin

Isang sub-probinsyal na lungsod ang Guangzhou, at mayroon itong tuwirang hurisdiksiyon sa labing-isang mga distrito:

Mga paghahating pampangasiwaan ng Guangzhou
Kodigo ng
dibisyon
[20]
Dibisyon Lawak
(km2)[21]
Populasyon
(2010)[22]
Luklukan Kodigong
postal
Mga subdibisyon[23]
Mga subdistrito Mga bayan Mga komunidad
panresidente
Mga nayong
pampangasiwaan
440100 Guangzhou (kabuoan) 7,434.40 12,701,948 Yuexiu 510000 136 34 1533 1142
440103 Liwan 59.10 898,200 Subdistrito ng Shiweitang 510000 22   195  
440104 Yuexiu 33.80 1,157,666 Subdistrito ng Beijing 510000 18   267  
440105 Haizhu 90.40 1,558,663 Subdistrito ng Jianghai 510000 18   257  
440106 Tianhe 96.33 1,432,426 Subdistrito ng Tianyuan 510000 21   205  
440111 Baiyun 795.79 2,223,150 Subdistrito ng Jingtai 510000 18 4 253 118
440112 Huangpu 484.17 831,586 Subdistrito ng Luogang 510500 14 1 90 28
440113 Panyu 529.94 1,764,828 Subdistrito ng Shiqiao 511400 11 5 87 177
440114 Huadu 970.04 945,005 Subdistrito ng Huacheng 510800 4 6 50 188
440115 Nansha 783.86 259,900 Bayan ng Huangge 511400 3 6 28 128
440117 Conghua 1,974.50 593,415 Subdistrito ng Jiekou 510900 3 5 46 221
440118 Zengcheng 1,616.47 1,037,109 Subdistrito ng Licheng 511300 4 7 55 282

Demograpiya

baguhin
Historical population
TaonPop.±%
1950[24]2,567,645—    
1960[24]3,683,104+43.4%
1970[24]4,185,363+13.6%
1980[24]5,018,638+19.9%
1990[24]5,942,534+18.4%
2000[24]9,943,000+67.3%
2002 (taya)[25]10,106,200+1.6%
2008 (taya)[26]11,153,400+10.4%
2010[24]12,701,948+13.9%
2014 (taya)[27]13,080,500+3.0%
2018 (taya)14,904,400+13.9%
Ag paglaki ng populasyon ay maaaring naapektuhan ng mga pagbabago sa mga dibisyong administratibo.

Sang-ayon sa Senso 2010, ang populasyon ng Guangzhou ay nasa 12.78 milyong katao. Magmula noong 2014, ito ay tinatayang nasa 13,080,500 katao,[2][27] 11,264,800 sa kanila ay mga residenteng urbano.[3] Ang kapal ng populasyon nito ay nasa 1,800 katao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang built-up area ng kabayanan ng Guangzhou ay tuwirang kumokonekta sa ilang mga ibang lungsod. Sumasaklaw ang built-up area ng Sonang Ekonomiko ng Delta ng Ilog Perlas sa 17,573 square kilometre (6,785 mi kuw) at tinatayang tinitirhan ito ng 22 milyong katao, kasama ang siyam na mga distritong urbano ng Guangzhou's, Shenzhen (5.36 milyon), Dongguan (3.22 milyon), Zhongshan (3.12 milyon), malaking bahagi ng Foshan (2.2 milyon), Jiangmen (1.82m), Zhuhai (890 libo), at Distrito ng Huiyang (760 libo) ng Huizhou. Ang kabuoang populasyon ng aglomerasyong ito ay higit sa 28 milyon kapag isasama ang mga populasyon ng Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Hong Kong. Ang mabilis na lumalaking ekonomiya ng lugar at mataas na pangangailangan sa paggawa ay nakapaglikha ng malaking "floating population" ng mga manggagawang migrante. Aabot sa 10 milyong mga migrante ang naninirahan sa lugar nang hindi bababa sa anim na buwan kada taon. Noong 2008, humigit-kumulang na 5 milyon sa mga palagiang residente ng Guangzhou ay mga migranteng walang hukou.[28]

Kalakhang pook

baguhin

Ayon sa pagtataya ng Samahan para sa Kooperasyon at Kaunlarang Pang-ekonomiya (OECD), ang sumasaklaw na kalakhang pook ay may populasyon na 25 milyon noong 2010.[29][4]

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Kasalukuyang pinapanatili ng Guangzhou ang mga kasunduang kapatiran sa mga sumusunod na banyagang lungsod.[30][31]

Galeriya

baguhin

Talababa

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Mga pagbanggit

baguhin
  1. 土地面积、人口密度(2008年). Statistics Bureau of Guangzhou. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-03-23. Nakuha noong 2010-02-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "广州常住人口去年末超1490万". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-16. Nakuha noong 2019-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 统计年鉴2014 [Statistical Yearbook 2014] (sa wikang Tsino). Statistics Bureau of Guangzhou. 7 Abril 2015. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 14 Disyembre 2009. Nakuha noong 1 Mayo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 OECD Urban Policy Reviews: China 2015, OECD READ edition. 18 Abril 2015. p. 37. doi:10.1787/9789264230040-en. ISBN 9789264230033. ISSN 2306-9341. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2017. {{cite book}}: |website= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)Linked from the OECD here [1] Naka-arkibo 2017-12-09 sa Wayback Machine.
  5. 深圳GDP超广州,不过广州也不用慌 [The 2016 Guangzhou Municipal National Economic and Social Development Statistics Bulletin] (sa wikang Tsino). Baijiahao.baidu.com. Enero 15, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-02-05. Nakuha noong 2017-11-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Guangzhou CHINA". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Encyclopædia Britannica, Inc. Nakuha noong 2019-04-27.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Illuminating China's Provinces, Municipalities and Autonomous Regions". PRC Central Government Official Website. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-06-19. Nakuha noong 2014-05-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 海上丝绸之路的三大著名港口. People.cn. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-03. Nakuha noong 2014-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Tourism Administration of Guangzhou Municipality". visitgz.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Setyembre 6, 2010. Nakuha noong 2010-03-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 中央机构编制委员会印发《关于副省级市若干问题的意见》的通知. 中编发[1995]5号. docin.com. Pebrero 19, 1995. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Mayo 29, 2014. Nakuha noong 2014-05-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 全国乡镇规划确定五大中心城市. Southern Metropolitan Daily. Pebrero 9, 2010. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Hulyo 31, 2013. Nakuha noong 2010-07-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "广州常住人口去年末超1490万". Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-02-16. Nakuha noong 2019-03-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "The World According to GaWC 2016". Globalization and World Cities Research Network. 2017-03-31. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-10. Nakuha noong 2017-04-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. China cracks down on African immigrants and traders Naka-arkibo 2016-11-16 sa Wayback Machine., The Guardian, 6 October 2010
  15. Huang Junjie (黄俊杰) (11 Hunyo 2008). 广州一不小心成了"第三世界"首都?. 新周刊 (277). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2016-10-21. Nakuha noong 29 Enero 2016.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "广州常住非裔人士或达30万 被称作第三世界首都" 广州常住非裔人士或达30万 被称作第三世界首都 (sa wikang Tsino). Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-12-01. Nakuha noong 2017-11-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Cheng, Andrew; Geng, Xiao (6 Abril 2017). "Unlocking the potential of Chinese cities". China Daily. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2017-09-28. Nakuha noong 28 Setyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Mensah Obeng, Mark Kwaku (2018). "Journey to the East: a study of Ghanaian migrants in Guangzhou, China". Canadian Journal of African Studies: 1–21. doi:10.1080/00083968.2018.1536557.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Guangzhou tops best mainland commercial cities rankings". chinadaily. Disyembre 16, 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2016. Nakuha noong 2016-02-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 中华人民共和国县以上行政区划代码 (sa wikang Tsino). Ministry of Civil Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Guangzhou Bureau of Statistics (广州市统计局) (Agosto 2013). 《广州统计年鉴2013》 (sa wikang Tsino). China Statistics Print (中国统计出版社). ISBN 978-7-5037-6651-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Census Office of the State Council of the People's Republic of China; Population and Employment Statistics Division of the National Bureau of Statistics of the People's Republic of China (2012). 中国2010人口普查分乡、镇、街道资料 (ika-1 (na) edisyon). Beijing: China Statistics Print. ISBN 978-7-5037-6660-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Ministry of Civil Affairs (Agosto 2014). 《中国民政统计年鉴2014》 (sa wikang Tsino). China Statistics Print (中国统计出版社). ISBN 978-7-5037-7130-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. 24.0 24.1 24.2 24.3 24.4 24.5 24.6 广州50年统计年鉴. gzstats.gov.cn. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. 广州市商业网点发展规划主报告(2003–2012)(下篇) (PDF) (sa wikang Tsino). Department of Market System Development, Ministry of Commerce of the People's Republic of China. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2005-11-04. Nakuha noong 2011-08-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 统计年鉴2012 [Statistical Yearbook 2012] (sa wikang Tsino). Statistics Bureau of Guangzhou. Setyembre 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-12-14. Nakuha noong 2013-07-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 "Major social and economic indicators in main years". Guangzhou Statistical Yearbook 2012–2015. Statistics Bureau of Guangzhou. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-05-21. Nakuha noong 2015-05-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Migrants In Guangzhou", CRIEnglish, China Radio International, 25 Enero 2008, inarkibo mula sa ang orihinal noong 4 Marso 2016, nakuha noong 12 Marso 2013{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. CNBC.com, Justina Crabtree; special to (20 Setyembre 2016). "A tale of megacities: China's largest metropolises". CNBC. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Disyembre 2017. slide 3{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  30. "Sister Cities of Guangzhou". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 20 Oktubre 2011. Nakuha noong 19 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Guangzhou and Rabat sign sister city agreement". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 Abril 2015. Nakuha noong 17 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Gestiona Ecatepec oportunidades para intercambios estudiantiles con Guangzhou, China". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Relación México-Estados Unidos necesita puentes para construir paz, respeto y reconocimiento, no muros: EAV". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "Viajarán a China alumnos de Ecatepec". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "Gestiona Ecatepec oportunidades para Intercambios estudiantiles con Guangzhou, China". Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-09-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

baguhin

Mga kawing panlabas

baguhin

  Gabay panlakbay sa Guangzhou mula sa Wikivoyage Padron:Wikisource category