Ang Dhaka (Bengali: ঢাকা, romanisado: Ḍhākā, /ˈdɑːkə/ DAH-kə o /ˈdækə/ DAK, IPA: [ˈɖʱaka]), dating Dacca) ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng bansang Bangladesh.[1] Ito ang ikasiyam na pinakamalaki at ikapito sa pinaka siksik na lungsod sa buong mundo. Ang Dhaka ay isang megalungsod, na may isang populasyon ng 10.2 milyong residente noong 2022, at isang populasyon ng mahigit 22.4 milyong residente nasa Malawakang Dhaka (Bengali: বৃহত্তর ঢাকা). Ito ay malawak na itinuturing na ang pinaka siksik na binuo na pook na urbano sa mundo. Ang Dhaka ay ang pinakamahalagang kultural, pang ekonomiya, at pang agham na hub ng Silangang Timog Asya, pati na rin ang isang pangunahing lungsod na may mayoryang Muslim. Ang Dhaka ay nasa ikatlong puwesto sa Timog Asya at ika 39 sa buong mundo sa mga tuntunin ng KDP. Nasa Delta ng Ganges, ito ay nakatali sa pamamagitan ng mga ilog Buriganga, Turag, Dhaleshwari at Shitalakshya. Ang Dhaka ay din ang pinakamalaking lungsod na nagsasalita ng Bengali sa buong mundo.

Dhaka

ঢাকা
ڈھاکہ
megacity, lungsod, metropolis, financial centre, largest city
Map
Mga koordinado: 23°43′44″N 90°23′40″E / 23.7289°N 90.3944°E / 23.7289; 90.3944
Bansa Bangladesh
LokasyonDhaka Division, Bangladesh
Itinatag1608
Pamahalaan
 • alkaldeAtiqul Islam
Lawak
 • Kabuuan368 km2 (142 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017)
 • Kabuuan16,800,000
 • Kapal46,000/km2 (120,000/milya kuwadrado)
WikaWikang Bangla
Websaythttp://www.dhakacity.org

Ang lugar ng Dhaka ay naninirahan mula noong unang milenyo. Ang isang maagang modernong lungsod ay umunlad mula sa ika-17 na siglo bilang isang kabisera ng lalawigan at sentro ng komersyo ng Imperyong Mughal. Ang Dhaka ay ang kabisera ng isang proto-industriyalisadong Mughal na Bengal sa loob ng 75 taon (1608–39 at 1660–1704). Ito ay sentro ng kalakalan ng muslin sa Bengal at isa sa mga pinakamaunlad na lungsod sa mundo. Ang Mughal na lungsod ay tinawag Jahangirnagar (Tagalog: Ang Lungsod ng Jahangir) sa karangalan ng dating naghaharing emperador Jahangir. Ang kaluwalhatian ng pre-kolonyal na lungsod ay pinakamataas noong ika-17 at ika-18 na siglo nang ito ay tahanan ng mga mangangalakal mula sa buong Eurasya. Ang Pantalan ng Dhaka ay isang pangunahing sentro ng kalakalan, pareho sa ilog at sa dagat. Nagpalamuti ang mga Mughal ng lungsod ng maayos na inilatag na mga hardin, puntod, moske, palasyo, at kuta. Ang lungsod ay dating tinawag na Venecia ng Silangan. Sa ilalim ng Britanikong Raj, nakita ng lungsod ang pagpapakilala ng kuryente, mga riles, sinehan, unibersidad at kolehiyo na Kanluraning estilo, at isang modernong suplay ng tubig. Ito ay naging isang mahalagang sentro ng pangangasiwa at edukasyon sa Britanikong Raj, bilang kabisera ng lalawigan ng Silangang Bengal at Assam pagkatapos ng 1905. Noong 1947, pagkatapos ng wakas ng Britanikong paghahari, ang lungsod ay naging administratibong kabisera ng Silangang Pakistan. Idineklara itong lehislatibong kabisera ng Pakistan noong 1962. Noong 1971, pagkatapos ng Digmaang Pagpapalaya (Bengali: মুক্তিযুদ্ধ), ito ay naging kabisera ng malayang Bangladesh. Noong 2008, ipinagdiwang ng Dhaka ang 400 taon bilang isang munisipal na lungsod.

Isang beta-lungsod pandaigdig, ang Dhaka ay sentro ng pampulitika, pang-ekonomiya at pangkulturang buhay sa Bangladesh. Ito ang upuan ng Pamahalaan ng Bangladesh, maraming mga kumpanya ng Bangladesh, at nangungunang mga organisasyong pang-edukasyon, pang-agham, pampananaliksik, at pangkultura ng Bangladesh. Mula nang kaniyang itatag bilang isang modernong kabisera ng lungsod, ang populasyon, lugar at pagkakaiba-iba ng lipunan at ekonomiya ng Dhaka ay lumago nang husto. Ang lungsod ay ngayon isa sa pinakasiksik na industriyalisadong mga rehiyon sa bansa. Ibinibigay ng lungsod ang 35% ng ekonomiya ng Bangladesh. Ang Dhaka ay nagho-host ng higit sa 50 misyong diplomatiko pati na rin ng punong tanggapan ng BIMSTEC, CIRDAP, at International Jute Study Group. Ang Dhaka ay may napakasikat na pamanang panluto. Ang kultura ng lungsod ay kilala sa kaniyang mga rickshaw, biryani, pistang pansining, at pagkakaiba-iba ng relihiyon. Ang lumang lungsod ay tahanan sa mga 2000 gusali mula sa mga panahong Mughal at Britaniko. Mula noong 1947, nakita ng lungsod ang makabuluhang paglago sa industriya ng paglalathala nito, kabilang ang paglitaw ng isang maunlad na midyang pangmasa. Sa panitikang Bengali, ang pamana ni Dhaka ay nasalamin sa mga akda nina Humayun Ahmed, Salimullah Khan, Farhad Mazhar, Akhteruzzaman Elias at iba pang mga manunulat na Bangladeshi.

Etimolohiya

baguhin

Di-tiyak ang pinagmulan ng pangalang Dhaka. Puwede hango sa punong dhak (Butea monosperma, Bengali: পলাশ), dating karaniwan sa purok, o puwede hango sa Dhakeshwari, ang patron na diyosa ng rehiyon. Ang ibang bantog na teorya ay sumasabi na tinutukoy ng Dhaka ang isang membranoponong instrumento, kilala rin bilang dhak (Bengali: ঢাক) na nilalaro sa pamamagitan ng pagkakasunud sunod ng Subahdar Islam Khan I sa panahon ng inagurasyon ng kabiserang Bengali noong 1610.

Sumasabi din ang ilang mga sanggunian na hango sa isang diyalektong Prakrit na tinawag na Dhaka Bhasa, o Dhakka, na ginamit sa Rajatarangini para tukuyin ang isang bantayan, o baka katulad ng Davaka, na binanggit sa inskripsiyon ng haligi ng Allahabad ng Samudragupta bilang isang silangang hangganang kaharian. Ayon sa Rajatarangini, na sinulat ng isang Kashmiri Brahman, Kalhana, ang rehiyon ay orihinal na kilala bilang Dhakka. Ang salitang Dhakka ay nangangahulugan ng bantayan. Ang Bikrampur at Sonargaon (dating matitibay na kuta ng mga pinunong Bengali) ay malalapit lang.

Kasaysayan

baguhin
 
Ang Dhaka ay kabisera ng lalawigang Mughal ng Bengal, Bihar and Orissa.

Pre-Mughal

baguhin

Ang kasaysayan ng mga urbanong pamayanan sa lugar ng modernong araw na Dhaka ay umaabot sa unang milenyo. Ang rehiyon ay bahagi ng sinaunang distrito ng Bikrampur, na pinamunuan ng dinastiyang Sena. Sa ilalim ng paghaharing Islamiko, naging ito bahagi ng makasaysayang distrito ng Sonargaon, ang rehiyonal na administratibong sentro ng mga sultanato ng Delhi at Bengal. Sa rehiyon dumaan sa Dakilang Gitnang Daan, na nagkabit ng Dhaka sa Hilagang Indiya, Gitnang Asya, at timog-silangang pantalang lungsod ng Chittagong. Bago Dhaka, ang kabisera ng Bengal ay Gauḍa (Bengali: গৌড়). Ang kahit mas maaagang kabisera ay Pandua, Bikrampur at Sonargaon. Ang huli ay din luklukan nina Isa Khan at kaniyang anak na lalaking Musa Khan, kung sinu-sino naghari ng isang kumpederasyon ng labindalawang punong bayan, na nanlaban ng pagpapalaking Mughal sa silanganing Bengal habang huling bahagi ng ika-16 na siglo. Dahil sa pagbabago ng landas ng ilog Ganges, nawala ang estratehikong kahalagahan ng Gauḍa. Nakita ang Dhaka bilang isang lungsod na may estratehikong kahalagan dahil sa kailangang Mughal para magsama ang kaniyang kontrol sa silanganing Bengal. Nagplano rin ang mga Mughal na palawigin ang kanilang imperyo nang lampas sa Assam at Arakan. Ang Dhaka at Chittagong ay naging mga silanganing prontera ng Imperyong Mughal.

Maagang panahon ng Mughal na Bengal

baguhin
 
Mga guho ng Kutang Lalbagh
 
Arkong Nimtali
 
Prinsipe Dara Shikoh at ibang lalaking nakasuot ng mga robe na gawa sa muslin
 
Babaeng nakasuot ng muslin at humawak ng isang huka (hookah) sa Dhaka noong 1789

Ang Dhaka ay naging kabisera ng lalawigang Mughal ng Bengal, Bihar, at Orissa noong 1610 na may hurisdiksyon na sumaklaw ng modernong araw na Bangladesh at silangang Indiya, kabilang sa mga modernong araw na mga estadong Indiyano ng Kanlurang Bengal, Bihar, at Odisha. Ang itong lalawigan ay kilala bilang Bengaling Subah. Ang Dhaka ay naging isa sa pinakamayaman at pinakadakilang lungsod sa mundo sa panahon ng maagang panahon ng Bengaling Subah (1610–1717). Ang kasaganaan ng Dhaka ay umabot sa rurok nito sa panahon ng pangangasiwa ng gobernador Shaista Khan (1644–1677 at 1680–1688). Ang bigas ay ibinenta sa walong maund kada rupi. Si Thomas Bowrey, isang Ingles na tindero at marino na bumisita sa lungsod sa pagitan ng 1669 at 1670, ay sumulat na sirkumperensiya ng lungsod ay 40 milya. Tinaya niya na mas maraming tao ang lungsod kaysa sa Londres, na may 990,000 tao.

Ang Bengal ang naging makinang pang-ekonomiya ng Imperyong Mughal. Ang Dhaka ay tumupad ng isang klabeng papel sa proto-industriyalisasyon ng Bengal. Ito ay sentro ng kalakalan ng muslin sa Bengal, kaya ang muslin ay tinawag na "daka" sa malalayong tiyangge kasing layo ng Gitnang Asya. Umasa ang Indiyang Mughal sa mga produktong Bengali tulad ng bigas, sutla at tela ng koton. Ang mga Europeanong East India Company mula sa Gran Britanya, Olanda, Pransiya, at Dinamarka ay umasa din sa mga produktong Bengali. Ang Bengal ay bumuo ng 40% ng mga angkat na Olandes mula sa Asya. Ang mararaming produkto ay ibinenta sa mga Olandes na barko nasa mga Bengaling puwerto, pagkatapos hinakot sa Batavia nasa Silangang Indiyas ng Olanda. Ang Bengal ay bumuo ng 50% ng mga tela at 80% ng mga sutla sa mga angkat na Olandes mula sa Asya. Ang sutla ay iniluwas din sa premodernong Hapon. Ang rehiyon ay nagkaroon ng isang malaking industriya ng paggawa ng barko na nagsuplay ng Hukbong Dagat ng Imperyong Mughal. Gumawa ang Bengal ng 223,250 tonelada kada taon habang ika-16 at ika-17 na siglo, kumpara sa 23,061 toneladang ginawa ng Hilagang Amerika habang 1769–1771. Nagpalamuti ng mga Mughal ang lungsod ng mga hardin na maayos na inilatag. Kabilang sa mga karabanseray ay Bara Katra at Chhota Katra. Ang arkitekto ng palasyal na Bara Katra ay Abul Qashim Al Hussaini Attabatayi Assemani. Ayon sa mga inskripsiyon sa Pambansang Museo ng Bangladesh, ang pamahalaan ng Bara Katra ay ipinagkatiwala sa isang Islamikong waqf. Ang Bara Katra ay nagsilbi din bilang tahanan para sa mga Mughal na gobernador, kabilang sa Prinsipe Shah Shuja (anak na lalaki ng Mughal na Emperador Shah Jahan). Ang Dhaka ay tahanan para sa napakaraming Mughal na burokrata at opisyal na pangmilitar, pati na rin ang mga miyembro ng pamilyang imperyal. Binantayan ang lungsod ng Mughal na artilyeriya tulad ng kanyong Bibi Maryam (Kanyong Ginang Maria, Bengali: বিবি মরিয়ম কামান).

Si Islam Khan I ay unang Mughal na gobernador na tumira sa lungsod. Tinatawag ito ni Khan na "Jahangir Nagar" (Lungsod ng Jahangir) sa karangalan ng Emperador Jahangir. Agad na nalaglag ang pangalan matapos nasakop ng mga Britaniko ang lungsod. Ang pangunahing pagpapalawak ng lungsod ay naganap sa ilalim ni Gobernador Shaista Khan. Noong panahong ang lungsod ay may lawak na 19 x 13 kilometro, na may populasyon na halos isang milyon. Si Dhaka ay naging tahanan ng isa sa pinakamayamang elite sa Mughal na Indiya. Ang konstruksiyon ng Kutang Lalbagh ay nagsimula noong 1678 ng Prinsipe Azam Shah, kung sino ay gobernador ng Bengali, isang anak na lalaki, at isang hinaharap na Mughal na emperador mismo. Ang layon ng Kutang Lalbagh ay isang bise maharlikang tahanan para sa mga gobernador ng Mughal sa silanganing Indiya. Bago nakabuo ang konstruksiyon ng kuta, ang prinsipe ay pinabalik ng Emperador Aurangzeb. Tinigilan ni Shaista Khan ang konstruksiyon ng kuta pagkatapos ng pagkamatay ng niyang anak na babae, Pari Bibi, kung sino ibinaon sa isang puntod nasa sentro ng kutang hindi pa tapos. Ang Pari Bibi, kung kaninong pangalan ay nangangahulugan ng Ginang Diwata, ay maalamat dahil sa kaniyang kagandahan, pagpapakasal sa Prinsipe Azam Shah, at isang potensyal na hinaharap na Mughal na emperatris, bago kaniyang biglang pagkamatay. Pinigilan ng panloob na alitan sa korteng Mughal ang paglago ng Dhaka bilang isang imperyal na lungsod. Ang tunggalian sa pagitan nina Prinsipe Azam Shah at Murshid Quli Khan ay nagdulot ng pagkawala ng katayuan ng Dhaka bilang kabisera ng lalawigan. Noong 1717, inilipat ang kabisera sa Murshidabad kung saan ipinahayag ni Murshid Quli Khan ang kanyang sarili bilang Nawab ng Bengal.

Naib Nizamat

baguhin
 
Korte ng Naib Nazim ng Dhaka, ang gobernador ng Dhaka, Chittagong, at Cumilla sa ilalim ng mga Nawab ng Bengal

Sa ilalim ng mga Nawab ng Bengal, ang Naib Nazim ng Dhaka ay namahala ng lungsod. Bilang pangunahing maniningil ng buwis, ang taunang kita ng Naib Nazim ay 1 milyong rupi, isang napakataas na dami sa panahong iyon. Ang Naib Nazim ay diputado-gobernador ng Bengal. Inatupag din niya ang pagpapanatili ng Hukbong Dagat ng Imperyong Mughal. Ang Naib Nazim ay namahala ng Dibisyong Dhaka, na sumaklaw ng Dhaka, Cumilla (Bengali: কুমিল্লা, romanisado: Kumillā), at Chittagong. Ang Dibisyong Dhaka ay isa sa apat na dibisyon sa ilalim ng mga Nawab ng Bengal. Pinayagan ng mga Nawab ng Bengal ang mga kumpanya ng kalakalan sa Europa na magtatag ng mga pabrika sa buong Bengal. Ang rehiyon pagkatapos ay naging isang inkubador para sa Europeong timpalak. Noong 1757, pinatalsik ng mga Britaniko ang huling malayang Nawab ng Bengal, na nakipag-alyansa sa mga Pranses. Dahil sa pagtalikod ng hepe ng hukbo ng Nawab na si Mir Jafar sa panig ng Britanya, natalo ang huling Nawab sa Labanan ng Plassey.

Pagkatapos ng Labanan ng Buxar noong 1765, ang Tratado ng Allahabad ay nagpahintulot sa British East India Company na maging maniningil ng buwis sa Bengal sa ngalan ng Mughal na Emperador sa Delhi. Patuloy na gumana ang Naib Nazim hanggang noong 1793 kapag ang lahat ng niyang mga kapangyarihan ay nilipatan sa East India Company. Ang kontrol ng lungsod ay pormal na nilipatan sa East India Company noong 1793. Nasira ng mga pagsalakay ng Britanya ang malaking bahagi ng imprastraktura ng lungsod. Bumuti ang mga galas ng Dhaka sa pamamagitan ng mga koneksiyon sa mga pangnegosyong network ng Imperyong Britaniko. Sa simula ng Rebolusyong Industriyal sa Reyno Unido, ang Dhaka ay naging isang nangungunang sentro ng kalakalan ng jute, kasi ang Dhaka ay bumuo ng pinakamalaking bahagi ng produksyon ng jute sa buong mundo. Pero pinabayaan ng mga Britaniko ang pag-unlad ng industriya at lungsod ng Dhaka hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Natuyo ang kita ng industriya ng tela, isang relikya mula sa isang panahong pre-kolonyal, proto-industriyalisado. Nabigo ang mga negosyo ng paghabi ng Bengal dahil sa isang buwis ng 75% sa pagluluwas ng koton mula sa Bengal, pati na rin ng pagdagsa ng mga angkat ng mga telang mura, ginawa sa Britanya, pagkatapos ng pagdating ng umiikot na mula (Ingles: spinning mule) at lakas na pinasisingawan. Ang mararaming manghahabi ng lungsod ay namatay sa gutom habang panahon ng mga malaking taggutom ni Bengal sa ilalim ng pamamahala ng Britanya. Ang mabilis na paglaki ng kolonyal na kabiserang Calcutta ay nag-ambag sa pagbagsak ng populasyon at ekonomiya ng Dhaka noong unang bahagi ng dekada 1800. Noong 1824, inilarawan ng isang obispong Anglikano[sinong nagsabi?] ang Dhaka bilang isang "lungsod ng mga kahanga-hangang guho" (Ingles: city of magnificent ruins).

Kalakalan at migrasyon

baguhin
 
Porselana ng isang pamilya ng Lumang Dhaka noong dekada 1800.

Nag-host ang Dhaka ng mga paktorya ng English East India Company, Dutch East India Company, at French East India Company. Ang ari-ariang Ahsan Manzil ay noong una binili ng mga Pranses para sa kanilang pabrika at kalaunang ibinebenta sa pamilyang Nawab ng Dhaka. Sinasabi na ang keso ay ipinakilala ng mga Portuges. Nakita ng Dhaka ang isang dagsa ng mga migrante habang Imperyong Mughal. Ang isang Armenyong komunidad mula sa Imperyong Safavid ay tumira sa Dhaka at kinasangkutan ang kalakalang pantela, sa isang buwis ng 3.5%. Napakaaktibo ang mga Armenyo sa buhay panlipunan ng lungsod, halimbawa itinayo nila ang Paaralang Pogose. Ang mga Marwari ay komunidad ng pangkalakalan ng Hindu. Tumira din sa Dhaka ang mga Hudyo at mga Griyego. Ang lungsod ay may Griyegong memoryal. Ang mararaming pamilya ng elite ng Dhaka ay nag-Urdu at sumaklaw ng iba't ibang makatang[sinong nagsabi?] nag-Urdu. Tumira din sa lungsod ang mga Persa para magsilbi bilang mga tagapangasiwa, at kumander na pangmilitar, ng pamahalaang Mughal sa Bengal. Ang pamana ng mga komunidad na pangkalakalan at kosmopolitano ay nabubuhay sa mga pangalan ng mga kapitbahayan sa Lumang Dhaka, kabilang ang Farashganj (Pranses na Basar), Armanitola (Armenyong Sangkapat) at Postogola (Portuges na Sangkapat).

Ayon sa mga nakatira ng makasaysayang lungsod, "Ang Dhaka ay isang magalang, makisig na bayan – ang kahuli-hulihang pamulaklak, sa kanilang salaysay, ng etiketa at sensibilidad ng mga Mughal. Ngayong nabubuhay pa ang itong kasaysayan sa rangyang kumupas ng lumang lungsod, na ngayong lumugso dahil sa mga dekada ng pagpapabaya. Ang mga kalye at eskinita, na may kanilang mga matataas na pader, ang lumang mga bahay, na may kanilang matataas na kisame at kanilang mga beranda at balkonaya, ang lumang mga barangay, ang mga sementeryo at hardin, ang mga moske, ang mga grandeng lumang mansyon – ang lahat ng mga ito ay umiiral pa kung hinahanap ninyo."[2] Ang mga istasyon ng riles, mga departamento ng koreo, mga post ng serbisyong sibil at mga istasyon ng daungan ng ilog ay madalas na tinauhan ng mga Anglo-Indiyano.

Sa labas ng lungsod lumago isang suplay ng bigas, jute, sako ng burlap, luyang-dilaw, luya, katad, sutla, alpombra, salitre, asin, asukal, indigo, koton, at bakal. Pagdating sa opyo, ang polisiyang Britaniko ay nag-ambag sa mga Digmaang Opyo sa Tsina. Mula sa Bengal kinolekta ng mga Amerikanong mangangalakal ang mga likhang sining, sining ng mga gawaing-kamay, terakota, iskultura, relihiyosong at pampanitikang teksto, manuskrito, at armas na pangmilitar. Ang ilang mga bagay mula sa rehiyon ay ngayong ipinapakita sa Museong Peabody Essex. Ang pagtaas ng kalakalang pandaigdig ay nagdulot ng mga kita para sa mararaming pamilya sa lungsod, at kaya nakabili nila ng mga luhong inangkat.

Britanikong Raj

baguhin
 
Isang derby na nangyari sa Dhaka noong 1890.
 
Ang Dhaka ay kabisera ng Silangang Bengal at Assam sa British Raj sa pagitan ng 1905 at 1912.
 
Si Lord Curzon (tumayo, dulong kaliwa) kasama sa maaagang sasakyan nasa Shahbag noong 1904.
 
Lumang Gusali ng Kataas-taasang Hukuman, Dhaka

Habang Rebelyong Indiyano ng 1857, nasaksihan ng lungsod ang mga himagsik ng Hukbong Katihan ng Bengal. Itinayo ang direktang pamamahala sa ilalim ng korona ng Britanya pagkatapos ng matagumpay na pagdurog sa rebelyon. Ibinigay ang mga pribilehiyo sa pamilyang Dhaka Nawab, na dinomina ang politikal at sosyal na elite ng lungsod. Itinayo ang Akantonamiyentong Dhaka bilang base para sa Hukbong Katihan ng Indiyang Britaniko. Nabuo ng mga Britaniko ang modernong lungsod sa paligid ng Ramna Thana, Harding Shahbag, at Parkeng Victoria (ngayon Parkeng Bahadur Shah). Nakakuha ang Dhaka ng sariling bersyon ng hansom cab bilang transportasyong pampubliko noong 1856. Ang dami ng mga karwahe ay tumaas mula sa 60 noong 1867 hanggang 600 noong 1889.

Ipinakilala ang isang sistemang modernong sibikong pantubig noong 1874. Noong 1885, ibinukas ang Riles ng Estado ng Dhaka na may isang koneksiyon sa pagitan ng Mymensingh at Puwerto ng Narayanganj via Dhaka. Mamayang ang lungsod ay naging isang hub ng Riles ng Silangang Bengal. Ang unang pelikulang ipinakita sa Dhaka ay iniskrin sa Crown Theatre (Tagalog: Teatro ng Korona) nasa ilog noong Abril 17, 1898. Ang pag-iiskrin ng pelikula ay inorganisa ng Bedford Bioscope Company. Nagsimula ang suplay ng elektrisidad noong 1901.

Inilalarawan ang itong panahon bilang "ang Dhaka ng panahong kolonyal, na nabuo ng mga Britaniko habang ang unang bahagi ng ika-20 na siglo. Katulad ng ibang mga sityong kolonyal sa buong Subkontinente, ang itong pag-unlad ay inihalimbawa ng mga gusaling pampamahalaan, maluwang na mga abenida na may linya ng puno, at matitibay na bungalow na hinugasan ng puti na inilagay nasa mga harding laging nakakalatan (hindi kailanman tuluyang naamuin ng mga Britaniko ang tanawin). Noong unang panahon, ito ay bagong lungsod, at maski ngayon ito ay bahagya pinaka-upscale na bahagi ng bayan, mas malawak pa rin ang mga kalye dito at mas masagana ang mga puno at mas makikita ang mga luntiang halaman kaysa sa anumang ibang bahagi."[3]

Ang ilang mga institusyong pang-edukasyong itinayo habang Britanikong Raj ay Dhaka College, Dhaka Medical School, Eden College, St. Gregory's School, Mohsinia Madrasa, Jagannath College, at Ahsanullah School of Engineering. Ang karera ng kabayo ay paboritong libangan para sa mga residenteng elite sa Ramna Race Course ng lungsod, sa tabi ng Dhaka Club. Ang Viceroy ng India ay madalas na naghapunan, at pinulong niya mga aristokratang Bengali sa lungsod. Nagsimula ang mga sasakyan magpakita pagkatapos ng pagliko ng siglo. Pinanatili ang isang Sunbeam-Talbot Ten ng 1937 sa Liberation War Museum. Ang mga Nawab ng Dhaka ay magmay-ari ng mga Rolls-Royce. ginamit[sinong nagsabi?] ang mga sasakyang Austin. Ang Beauty Boarding ay isang popular na otel at restoran.

Bumuti ang mga galas ng Dhaka sa unang bahagi ng ika-20 na siglo. Ang Britanikong pagpapabaya ng urbanong pag-unlad ng Dhaka ay itinaob ng unang partisyon ng Bengal na isinauli ang katayuan ng Dhaka bilang isang rehiyonal na kabisera. Ang lungsod ay naging luklukan ng pamahalaan para sa Silangang Bengal at Assam, na may hurisdiksyon na sumasaklaw ng karamihan ng modernong-araw na Bangladesh at ng lahat ng Hilagang-Silangang India. Ang partisyon ay responsibilidad ni Lord Curzon, kung sino sa wakas isinagawa ang mga ideyang Britaniko para sa partisyon ng Bengal para mapabuti ang administrasyon, edukasyon, at negosyo. Ang Dhaka ay naging luklukan ng Konsehong Pambatasan ng Silangang Bengal at Assam. Bagaman ang Dhaka ay ang pangunahing kabisera sa buong taon, ang Shillong ay pag-urong sa tag-init ng administrasyon. Kabilang ang mga Tenyente Gobernador ay Sir Bampfylde Fuller (1905–1906), Sir Lancelot Hare (1906–1911), at Sir Charles Stuart Bayley (1911–1912). Ang kanilang pamana ay nabubuhay sa mga pangalan ng tatlong pangunahing lansangan sa modernong Dhaka. Nakita ng panahon ang pagtatayo ng mga maringal na gusali, kabilang ang Mataas na Hukuman at Curzon Hall. Ang lungsod ay tahanan ng iba't ibang grupo ng mga tao, kabilang ang mga Armenyo, Hudyo, Anglo-Indiyano, at Hindu. Ang mga Hindu ay kinabibilangan ng parehong mga Marwari at Bengaling Hindu, at noong 1941 lumitaw ang isang pluralidad na nagtrabaho sa mga propesyon tulad ng pagtuturo, gamot, batas, at negosyo.

Pagdating sa politika, dahil sa pagkakahati, nagawa ni Dhaka na maging tagapagdala ng pamantayan ng mga komunidad ng mga Muslim sa Britanikong India; kumpara sa mabigat na lungsod ng Calcutta na pinangungunahan ng mga Hindu. Noong 1908, itinayo ang All-India Muslim League sa lungsod habang isang kumperensiya tungkol sa liberal na edukasyon na itinanghal nina Nawab ng Dhaka at Aga Khan III. Ang populasyong Muslim sa Dhaka at silangang Bengal ay karaniwang pinaboran ang paghahati sa pag-asa na makakuha ng mas mahusay na mga trabaho at mga pagkakataon sa edukasyon. (Ang isang katulad na paniniwala ay nagpasigla ng Partisyon ng India noong 1947.) Gayunman, maraming Bengali ang tutol sa bipurkasyon ng rehiyong etnolinggwistiko. Ang paghahati ay pinawalang bisa sa pamamagitan ng isang anunsyo ng Hari George V habang Durbar ng Delhi noong 1911. Nagpasya ang mga Britaniko na muling pagsamahin ang Bengal habang ang kabisera ng India ay inilipat sa New Delhi mula sa Calcutta.

Bilang isang "marilag na kompensasyon" (Ingles: splendid compensation) para sa pawawalang-bisa ng partisyon, ibinigay ng mga Britaniko sa lungsod ang isang bagong tatag na unibersidad noong dekada 1920. Noong una ang Unibersidad ng Dhaka ay minodelo sa estilong residensiyal ng Unibersidad ng Oxford, kaya kilala bilang Oxford ng Silangan dahil sa residensiyal na kalikasan. Bilang Oxford, ang mga mag-aaral sa Dhaka ay kaakibat ng kanilang mga bulwagan ng paninirahan sa halip na ang kanilang mga kagawarang akademiko (ang sistemang ito ay inialis pagkatapos ng 1947 at ang mga mag-aaral ay ngayon kaakibat ng mga kagawarang akademiko). Kabilang sa mga guro ng unibersidad ang siyentipikong si Satyendra Nath Bose (kung sino ay tukayo ng Higgs boson); linggwistang si Muhammad Shahidullah, Sir A. F. Rahman (ang unang Bengaling bise kansilyer ng unibersidad); at historyador na si R. C. Majumdar. Itinayo ang unibersidad noong 1921 ng Imperial Legislative Council. Sa simula may tatlong guro at labindalawang departamento, na sumasaklaw sa mga paksa ng Sanskrit, Bengali, Ingles, liberal na sining, kasaysayan, Arabe, Araling Islamiko, Persa, Urdu, pilosopiya, ekonomika, politika, pisika, kimika, matematika, at batas.

Gumawa ang East Bengal Cinematograph Company ng unang buong-haba na mga pelikulang tahimik sa Dhaka habang dekada 1920. Ang DEVCO, isang subsidiary ng Occtavian Steel Company, ay nagsimula ng malawak na distribusyon ng elektrikal na lakas noong 1930. Niyari ang Paligparang Tejgaon (ICAO: VGTJ, Bengali: তেজগাঁও বিমানবন্দর) habang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang isang base para sa mga puwersang Alyado. Itinayo ang Dhaka Medical College noong 1946.

Sa panahon ng partisyon ng India, lumipat ang mararaming mayayamang pamilyang Hindu sa Kanlurang Bengal. Ang kanilang mga ari-arian ay dinampot ng Estado sa ilalim ng mga batas na tuluyang kilala bilang Vested Property Act.

Metropolitanong Dhaka

baguhin
Animasyon ng NASA na ipinapakita ang urbanong paglaki ng Dhaka mula noong 1972 hanggang noong 2001.
 
Tanawin sa himpapawid ng pangunahing CBD (Central Business District) ng Dhaka noong dekada 1980.
 
Isang tipikal na tirahang kapitbahayan noong dekada 1980.

Nagsimula ang pag-unlad ng "totoong lungsod" pagkatapos ng partisyon ng India, kung kailan ang Dhaka ay nakilala bilang pangalawang kabisera ng Pakistan. Ito ay napormalisa noong 1962 nang ideklara ni Ayub Khan ang lungsod bilang pambatasang kabisera sa ilalim ng konstitusyon ng Pakistan ng 1962. Lumitaw ang mga bagong kapitbahayan sa dating mga lugar ng baog at agraryo, kabilang ang Dhanmondi (granaryo ng bigas), Katabon (tinik na gubat), Kathalbagan (kahuyan ng langka), Kalabagan (kahuyan ng saging), at Gulshan (hardin ng bulaklak). Mabilis na pinabuting ang mga antas ng pamumuhay kumpara sa mga pre-partisyon. Nagsimulang mag-industriyalisa ang ekonomiya. Sa labas ng lungsod, niyari ang pinakamalaking gilingan ng jute sa buong mundo. Ginawa ng gilingan ang mga paninda ng jute na kailangan habang Digmaang Koreano. Nagsimulang itayo ang mga bahay na duplex. Noong 1961, ang bumuting antas ng pamumuhay ay nasaksihan nina Elizabeth II at Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh. Noong 1966 binuksan ang otel na InterContinental Dhaka, na idinisenyo ni William B. Tabler. Isinapi ang arkitektong Estonyo-Amerikanong Louis Kahn para idisenyo ang Asambleang Dhaka, na orihinal na inilaan upang maging pederal na parlamento ng Pakistan at kalaunang naging parlamento ng Bangladesh na malaya. Iniugnay ng East Pakistan Helicopter Service (isang subsidaryo ng Pakistan International Airlines) ang lungsod sa mga rehiyonal na bayan.

Binuksan ang Dhaka Stock Exchange noong Abril 28, 1954. Ang unang lokal na kompanyang panghimpapawid na Orient Airways ay nagsimula ng mga lipad sa pagitan ng Dhaka at Karachi noong Hunyo 6, 1954. Ang Dhaka Improvement Trust ay itinatag noong 1956 upang coordinate ang pag unlad ng lungsod. Ang unang master plan para sa lungsod ay nabuo sa 1959. Ang Southeast Asia Treaty Organization ay nagtatag ng isang sentro para sa medikal na pananaliksik (na tinatawag ngayong ICDDR,B) sa lungsod noong 1960.

Ang maagang panahon ng kaguluhan sa politika ay nakita sa pagitan ng 1947 at 1952, partikular na ang Kilusang Wikang Bengali. Mula sa kalagitnaan ng 1960s, ang anim na hinihingi ng Awami League para sa awtonomiya ay nagsimulang magbunga ng mga adhikaing pro-kasarinlan sa buong Silangang Pakistan. Noong 1969, si Sheikh Mujibur Rahman ay pinalaya mula sa bilangguan sa gitna ng isang kaguluhan sa masa na humantong sa pagbibitiw ni Ayub Khan noong 1970. Ang lungsod ay may maimpluwensyang pamamahayag na may mga kilalang pahayagan tulad ng Pakistan Observer, Ittefaq, Forum, at Weekly Holiday. Habang krisis sa politika at konstitusyon noong 1971, ang junta ng militar, na pinamunuan ni Yahya Khan, tumangging ilipat ang kapangyarihan sa bagong halal na Pambansang Kapulungan, na nagdulot ng kaguluhan sa masa, sibil na pagsuway, at kilusan para sa sariling pagpapasya. Noong Marso 7, 1961, kinausap ng lider ng Awami League, ni Sheikh Mujibur Rahman, ang isang napakalaking pampublikong pagtitipon sa Ramna Race Course Maidan sa Dhaka, kung saan siya ay nagbabala ng isang pakikibaka para sa kalayaan. Kasunod nito, nakita ng Silangang Pakistan ang isang kilusang di-pakikipagtulungan kontra estadong Pakistani. Noong Araw ng Republika ng Pakistan (Marso 23, 1971), ipinakita na mga watawat ng Bangladesh sa buong Dhaka bilang isang pagpapakita ng paglaban.

Noong Marso 25, 1971, ang Hukbong Katihan ng Pakistan ay nagbunsod ng mga operasyong pangmilitar sa ilalim ng Operasyong Malaking Lente (Ingles: Operation Searchlight) kontra populasyon ng Silangang Pakistan. Nasaksihan ng Dhaka ang karamihan ng mga kasamaan ng hukbo, kabilang ang isang henosidyo at ang isang kampanya ng malawakang panunupil, na may pag-aresto, pagpapahirap, at pagpatay ng mga sibilyan, estudyante, intelligentsia, aktibistang pampolitika at minoryang relihiyoso sa lungsod. Nakita ng hukbo ang mga himagsik ng mga Riple ng Silangang Pakistan at pulisyang Bengali. Ang malalaking bahagi ng lungsod ay sinunog at sinira, kabilang ang mga kapitbahayang Hindu. Ang malaking bahagi ng populasyon ay ginalaw o napilitang tumakas sa kanayunan. Ang Dhaka ay pinalo ng mararaming air raid ng Hukbong Himpapawid ng India sa Disyembre. Sumuko ang Silangang Komander ng Pakistan sa Ten. Hen. Jagjit Singh Aurora sa Ramna Race Course sa Dhaka noong Disyembre 16, 1971.

Pagkatapos ng kasarinlan, ang populasyon ng Dhaka ay lumaki mula sa ilang daang libo hanggang ilang milyon sa loob ng limang dekada. Idineklara ng Asambleang Konstituente ng Bangladesh ang Dhaka bilang kabiserang pambansa noong 1972. Nasaksihan ng panahong post-kasarinlan ang mabilis na paglago kapag inakit ng Dhaka ang mga migranteng manggagawa mula sa buong pambukid na Bangladesh. Ang 60% ng paglago ng populasyon ay dahil sa migrasyong pambukid. Kinaya ng lungsod ang kaguluhang sosyalista noong maagang dekada 1970, tapos ang mga taon ng batas militar. Isinauli ang stock exchange at malayang pamilihan noong huling dekada 1970. Noong dekada 1980, nakita ng Dhaka ang inagurasyon ng Pambansang Bahay ng Parlamento (na nanalo ng Premyo ni Aga Khan para sa Arkitektura), ang isang bagong internasyonal na paliparan, at ang Pambansang Museo ng Bangladesh. Ang Bangladesh ay nagpasimula ng pagbuo ng South Asian Association for Regional Cooperation (SAARC) at nag-host ng unang summit nito sa Dhaka noong 1985. Ang isang pag-aalsang masa noong 1990 ay nagdulot ng balik ng demokrasyang parlamentaryo. Hinost ng Dhaka ang isang trilateral na summit sa pagitan ng India, Pakistan, at Bangladesh noong 1998, ang summit ng D-8 Organization for Economic Cooperation noong 1999, at ang mga kumperensiya ng Commonwealth of Nations, SAARC, OIC, at mga ahensiya ng KNB habang iba't ibang taon.

Noong dekada 1990 at 2000, naranasan ni Dhaka ang pinabuting paglago ng ekonomiya at ang paglitaw ng mga mayamang distritong pangnegosyo at mga bayan ng satellite. Sa pagitan ng 1990 at 2005, dinoble ang populasyon ng lungsod mula sa 6 milyon hanggang 12 milyon. Nasa lungsod lumaki ang direktang pamumuhunan sa ibang bansa, lalo na sa mga sektor ng pananalapi at tela. Sa pagitan ng 2008 at 2011, ang pamahalaan ng Bangladesh ay nag-organisa ng tatlong taon ng pagdiriwang para markahan ang 400 taon mula nang itatag ang Dhaka bilang isang maagang modernong lungsod. Ang madalas na hartal ng mga partidong pampolitika ay lubhang hinadlangan ang ekonomiya ng lungsod, ngunit nagbawas ang antas ng mga hartal mula nang 2014. Nitong mga nakaraang taon, nakaranas ng flash flood ang lungsod habang mga balaklaot.[kailangan ng sanggunian]

Ang Dhaka ay isa sa pinakamabilis na lumalagong megalungsod sa mundo. Hinuhulaan na ito ay magiging isa sa pinakamalaking metropolises sa mundo sa pamamagitan ng 2025, kasama ang Tokyo, Lungsod ng Mehiko, Shanghai, Beijing at Lungsod ng Bagong York. Ang karamihan sa populasyon nito ay mga migrante mula sa mga kanayunan, kabilang ang mga takas sa klima. Ang sikip ng trapiko ay isa sa mga pinakaprominenteng katangian ng modernong Dhaka. Noong 2014, iniulat na pinahiran ng mga kalsada ang lamang 7% ng lungsod. Ang unang yugto ng Dhaka Metro Rail mula sa Uttara hanggang sa Agargaon ay pinasinayaan ng Punong Ministro ni Sheikh Hasina noong Disyembre 28, 2022.

Mga larawan

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Dacca". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373.
  2. "Out of place, out of time". Himal Southasian (sa wikang Ingles). 26 Marso 2019. Dhaka was a courtly, genteel town – the very last flowering, in their telling, of Mughal etiquette and sensibility. It is this history that is today still reflected in the faded grandeur of the old city, now crumbling due to decades of neglect. The narrow, winding, high-walled lanes and alleyways, the old high-ceilinged houses with verandas and balconies, the old neighborhoods, the graveyards and gardens, the mosques, the grand old mansions – these are all still there if one goes looking.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Out of place, out of time". Himal Southasian (sa wikang Ingles). 26 Marso 2019. the colonial-era part of Dhaka, developed by the British during the early 20th century. Similar to colonial boroughs the length and breadth of the Subcontinent, this development was typified by stately government buildings, spacious tree-lined avenues, and sturdy white-washed bungalows set amidst always overgrown (the British never did manage to fully tame the landscape) gardens. Once upon a time, this was the new city; and even though it is today far from the ritziest part of town, the streets here are still wider and the trees more abundant and the greenery more evident than in any other part.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Bangladesh ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.