Ang Assam (tungkol sa tunog na ito listen ) ay isang estado ng Hilagang-silangang Indiya, na matatagpuan sa timog ng Silangang Himalaya sa kahabaan ng mga lambak ng Brahmaputra at Ilog Barak. Ang Assam ay may lawak na 78,438 km2 (30,285 mi kuw). Ito ay pinamamagitan ng Bhutan at ng estado ng Arunachal Pradesh sa hilaga; Nagaland at Manipur sa silangan; Meghalaya, Tripura, Mizoram at Bangladesh sa timog; at Kanlurang Bengal sa kanluran, sa pamamagitan ng Koridor ng Siliguri na isang kapiraso ng lupa na may haba na 22 kilometro (14 mi) na nag-uugnay sa mga natitirang estado ng India.

Assam
Ang Kaziranga National Park ng Assam ay tahanan ng halos lahat ng mga Indian rhinoceros sa mundo. Ito rin ang hayop pang-estado ng Assam.

Ang Kaziranga National Park ng Assam ay tahanan ng halos lahat ng mga Indian rhinoceros sa mundo. Ito rin ang hayop pang-estado ng Assam.
Opisyal na sagisag ng Assam
Sagisag
Mga koordinado (Dispur): 26°08′N 91°46′E / 26.14°N 91.77°E / 26.14; 91.77
Bansa India
PagkaestadoEnero 26, 1960
KabiseraDispur
Pinakamalaking lungsodGuwahati
Distrito33
Pamahalaan
 • GobernadorJagdish Mukhi
 • Punong MinistroSarbananda Sonowal (BJP)
 • LehislaturaUnikameral (126 seats)
 • Parliamentary constituency14
 • Mataas na KorteMataas na Korte ng Gauhati
Lawak
 • Kabuuan78,438 km2 (30,285 milya kuwadrado)
Ranggo sa lawak17th
Pinakamataas na pook
1,960 m (6,430 tal)
Pinakamababang pook
25 m (82 tal)
Populasyon
 (2011)
 • Kabuuan31,205,576
 • Ranggo15th
 • Kapal397/km2 (1,030/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+05:30 (IST)
Kodigo ng ISO 3166IN-AS
HDIIncrease 0.598 (medyum)
Ranggo ng HDIIka-15 (2016)
Literasiya72.19 % (19th)[1]
Mga opisyal na wika[2]Asames
Bengali (sa may 3 distrito ng Lambak Barak}
Websaytassam.gov.in
Unang kinilala bilang isang dibisyong administratibo noong ika-1 ng Abril 1911 na simula ng pagkatatag ng Probinsyang Assam dahil sa paghati sa Probinsya ng Silangang Bengal at Assam.
^[*] Ang Assam ay isa sa mga orihinal na dibisyong pam-probinsya ng Britanikong India.
^[*] May sarili nang lehislatura ang Assam simula pa noong 1937.[3]

Kilala ang Assam sa paggawa ng tsaa at sutla. Pinangangalagaan at nililigtas ng estado mula sa pagkaubos ang mga rinosero ng Indiya na iisa ang sungay, kasama na ang mga ligaw na kalabaw, mga pygmy hog, mga tigre at marami pang uri ng mga ibong asyatiko, at nananatiling isa sa mga huling tahanan ng mga Asyanong elepante. Nakatutulong ang turismong naturalesa sa ekonomiya ng Assam dahilan ng Kaziranga National Park at Manas National Park, na kung saan ay mga Pandaigdigang Pamanang Pook. Mga gubat ng punong sal ang kadalasang makikita sa lugar, dahilan ng palagiang pag-ulan, na nagmumukhang berde sa buong taon. Ang Assam ay nakatatanggap ng mas maraming pag-ulan kaysa sa ibang lugar sa India; na siya namang pumupunta sa Ilog Brahmaputra at mga tributaryo nito na nagbibigay sa rehiyon ng matubiging kapaligiran.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Assam Population Sex Ratio in Assam Literacy rate data". Census2011.co.in. Nakuha noong 2012-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Report of the Commissioner for linguistic minorities: 52nd report (Hulyo 2014 hanggang Hunyo 2015)" (PDF). Commissioner for Linguistic Minorities, Ministry of Minority Affairs, Government of India. pp. 58–59. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 28 Disyembre 2017. Nakuha noong 16 Pebrero 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.assamassembly.gov.in/history.html