Malayang pamilihan

Ang malayang pamilihan (Ingles: free market) ay isang pamilihang kompetitibo o may kompetensiya, kung saan ang mga halaga o presyo ay naaayon sa naibibigay at pangangailangan. Pangunahing itong natatagpuan sa mga bansa kung saan ang pamamagitang pangkabuhayan at ang regulasyong isinasagawa ng estado o pamahalaan ay nakahangga sa paglilikom ng buwis, at pagpapatupad ng pribadong pagmamay-ari at mga kontrata. Kaiba ang malalayang mga pamilihan mula sa mga kalagayan nakikita sa mga pamilihang tinatabanan o kaya mula sa isang monopolya, na makapaghahain ng mga pagkakaiba-iba o kaibahan sa presyo na walang nagagawang mga pagbabago sa paglalaan at pangangailangan. Ang mga tagapagtaguyod ng isang malayang pamilihan ay nakaugaliang magsang-alang-alang sa kataga bilang nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan ng produksiyon ay nasa ilalim ng pribado, at hindi pagmamay-ari ng publiko (hindi tinatabanan o kinukontrol ng estado o ng pamahalaan) o ng pagmamay-aring pangkooperatiba. Ito ang pangkasalukuyang paggamit ng mga ekonomista para sa katagang "malayang pamilihan" at gayundin sa kulturang popular; ang katawagan ay nagkaroon ng ibang paraan ng paggamit na pangkasaysayan.

Ang ekonomiyang may malayang pamilihan ay isang ekonomiyang kinapapalooban ng lahat ng mga pamiliihan na hindi tinataban o pinasusunod sa gawi o kagustuhan ng anumang mga partido, maliban na lamang sa mga nakikilahok sa pamilihan. Sa pinakadalisay nitong kaanyuhan, ang pamahalaan ay mayroong isang gampaning walang kinikilingan sa pangangasiwa nito at sa paglikha ng mga batas (lehislasyon) na para sa gawaing pang-ekonomiya, at hindi rin nagbibigay ng limitasyon dito sa pamamagitan halimbawa ng paglalagay ng regulasyon sa mga industriya o pagbibigay ng proteksiyon sa mga ito magmula sa mga pagdiin o presyong pangpamilihan na maaaring magmula sa loob at sa labas. At ang pamahalaan ay hindi rin masiglang nagtataguyod sa o tumatangkilik sa mga ito, katulad ng sa hindi pagmamay-ari ng mga kagustuhang pang-ekonomiya o hindi pag-aalok ng mga tulong na pondo (subsidy sa Ingles) sa mga negosyo o sa gawain ng pananaliksik at pagpapaunlad.

==Tingnan din==Teksto ng nakataas na panitikMalaking tekstoTeksto ng nakataas na panitikTeksto ng nakababang panitik


Negosyo Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.