Sosyalismo

(Idinirekta mula sa Sosyalista)

Ang sosyalismo ay tumutukoy sa isang sistemang pampulitika at pang-ekonomiya kung saan ang mga ari-arian at ang mga paraan ng produksyon ay pag-mamay-ari ng publiko o komunidad at karaniwang kontrolado ng estado o ng pamahalaan.[1] Ito ay nakabatay sa ideya na ang pagmamay-ari ng publiko sa mga mapagkukunan at paraan ng produksyon ay hahantong sa isang higit na pantay na estado ng lipunan.[2][3] Sa teoryang Marxismo, ang sosyalismo ay ang yugto ng lipunan na transisyonal sa pagitan ng kapitalismo at komunismo na nakikilala sa pagiging hindi pantay ng pamamahagi ng mga kalakal at suweldo ayon sa mga gawaing ginawa.[4]

Kasaysayan

baguhin

Maaaring iugat ang teorya ng sosyalismo sa sinaunang panahon ng Griyego noong inilarawan ni Plato sa kanyang dayalogo noong 360 B.C, ang Republic, ang isang kolektibong lipunan. Ginamit ni Thomas More noong ika-16 siglo ang mga ideya ni Plato para sa kanyang Utopia na isang haka-hakang isla kung saan ang pera ay inalis at ang mga tao ay naninirahan at nagtatrabaho bilang isang komunidad.[5]

Nagdala ng malawakang pagbabago sa ekonomiya at lipunan sa Gran Britanya at sa iba pang bahagi ng mundo ang Rebolusyong Industriyal noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Yumaman ang mga may-ari ng pabrika samantalang ang mga mangagawa ay nabubuhay sa umiigting na kahirapan at nagtatrabaho sa mahabang oras at kalagayan na mahirap at mapanganib.[5]

Lumitaw ang sosyalismo bilang tugon sa lumalawak na sistemang kapitalismo. Nagbigay ito ng alternatibo na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa at lilikha ng lipunan kung saan ang mga mamamayan ay may pantay-pantay na mga karapatan.[5]

Mga katangian

baguhin

Isa sa mga katangian ng sosyalismo ay ang pangako ng pagkakaroon ng isang egalitaryan na lipunan o isang lipunan kung saan ang mga mamamayan ay may pantay-pantay na karapatan. Isa pa ay ang paniniwala na maaaring bumuo ng isang alternatibong sistemang egalitarian na nakabatay sa pagkakaisa at pagtutulungan. Katangian din ng sosyalismo ang paniniwala na maaaring makagawa ng mga makabuluhang pagbabago sa mundo sa pamamagitan ng mga taong may kamalayan.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga Sanggunian

baguhin
  1. "Socialism - Definition, Origins & Countries". HISTORY (sa wikang Ingles). 2019-10-17. Nakuha noong 2024-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  2. 2.0 2.1 Newman, Michael. (2005) Socialism: A Very Short Introduction, Oxford University Press, ISBN 0-19-280431-6
  3. "Socialism". education.nationalgeographic.org (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  4. "Definition of SOCIALISM". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2024-04-29. Nakuha noong 2024-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Socialism - Definition, Origins & Countries". HISTORY (sa wikang Ingles). 2019-10-17. Nakuha noong 2024-05-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.