Hanapbuhay
- Ito ay tungkol sa pang-araw-araw na kabuhayan. Para sa ibang gamit, tingnan ang paggawa (paglilinaw).
Ang hanapbuhay, hanap-buhay, pinagkakakitaan, o trabaho (Kastila: trabajo, Ingles: work, job, employment, labor, labour, occupation) ay ang gawain, gampanin, o tungkulin na isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao upang makatanggap ng kapalit na salapi, gana, o suweldo. Tinatawag ang taong naghahanapbuhay bilang manggagawa, empleyado, o trabahador.
KahalagahanBaguhin
Inilirawan ng Amerikanong si Henry Van Dyke ang hanapbuhay sa isang tula. Ganito ang kanyang sinaad ukol dito:
Sa orihinal na InglesBaguhin
- "Let me but do my work from day to day,
- In field or forest, at the desk or loom,
- In roaring market-place, or tranquil room
- Let me find it in my heart to say,
- When vagrant wishes beckon me astray –
- 'This is my work – my blessing, not my doom –
- Of all who live I am the one by whom
- This work can best be done in my own way'."[1]
- "Pabayaan mo akong gawin ang gawain ko sa araw-araw,
- Sa kabukiran man o sa kagubatan, sa mesa o sa habian,
- Sa maingay na pamilihan, o tahimik na silid,
- Pahintulutan nawang hanapin sa puso ko ang masabing,
- Kapag hinihikayat ako ng pagala-galang mga pagnanais na paglayo –
- Ito ang aking gawain – aking biyaya, hindi kapariwaraan –
- Sa lahat ng mga nabubuhay, ako ang nag-iisang
- Pinakamahusay na makagagawa ng gawaing ito sa sariling kong paraan'."
Mensahe ng tulaBaguhin
Batay sa tulang ito ni Van Dyke, bawat tao ay mayroong gawaing dapat gawin na hindi pag-aari ng iba. At kailangang igalang ang sariling hanapbuhay, at bigyan ito ng pinakamataas na antas ng kahusayan o kagalingan.[1]
Tingnan dinBaguhin
Mga sanggunianBaguhin
- ↑ 1.0 1.1 The Christophers (2004). "Henry Van Dyke, may-akda, propesor sa Pamantasan ng Princeton, Presbiterong ministro, Ministro ng Estados Unidos para sa Nederlandiya, The Worth of Work". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384., pahina para sa Setyembre 5.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.