Manuskrito
Ang manuskrito[1] ay isang isinulat na impormasyon na manuwal na nilikha ng isa o maraming mga tao gaya ng isang sulat na isinulat ng kamay na salungat sa pagiging inilimbag (printed) o nilikha sa ibang paraan. Ang terminong ito ay maaari ring gamitin para sa impormasyon na itinala ng kamay sa ibang mga paraan kesa sa pagsusulat halimbawa sa mga inkripsiyon na inukit sa isang matigas na materyal gaya ng kahoy.
Sa mga kontekstong paglilimbag at akademiko, ang isang manuskrito ay isang tekstong isinumite sa tagalimbag bilang paghahanda sa publikasyon na karaniwan bilang isang typescript na inihanda sa isang makinilya o sa kasalukuyan ay isang printout mula sa isang printer ng kompyuter na inihanda sa isang pormat na manuskrito. Ang mga manuskrito ay maaaring nasa anyong aklat, mga skrolyo o sa pormat na codex.
Etimolohiya
baguhinNagmula ang salitang manuskrito sa manuscript (Ingles) at manuscrito (Kastila)[1], na kapwa nanggaling naman sa manu scriptus ng Latin na may literal na kahulugang "kamay [manus] ang sumulat [scriptus]" o "isinulat ng kamay".
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 English, Leo James (1977). "Manuskrito". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.