Ang rupi[1] o rupiya[2] (₨ o Rs.) (Hindi: rupiya, Sanskrito: rupyakam sinhala, rupiyal: may ibig sabihing "mga barya ng pilak") ay madalas na pangalan ng mga bayarin na ginagamit sa India, Sri Lanka, Nepal, Pakistan, Mauritius, at Seychelles; sa Indonesia ang bayarin doon ay tawag na rupiah at sa Maldives ang rufiyah, na hango sa mga salitang Hinding Rupiya. Ang Indiyanong rupi ay binubuo ng isang daang paise o pice (isahan paisa). Ang rupi ng Sri Lanka ay may 100 sentimo at ang rupi ng Nepal ay may isang daang paiosa o pice (parehong isahan at maramihan), o apat na Suka o dalawang Mohor.

Mga bansang gumagamit ng Rupee bilang opisyal na bayarin

Etimolohiya

baguhin

Ang pinagmulan ng salitang "rupee" ay mahahanap sa Sanskrit na salitang rūp or rūpyāh, na ibig sabihin ay "nahulmang pilak," orihinal na "bagay na may imahe, isang barya," mula rupah "hugis, kapareho, imahe."[3] Ang Sanskritong salita rūpyakam (Devanāgarī: रूप्यकम्) ay may ibig sabihin na barya ng pilak. Ang salitang Rupiya ay unang itinala ni Sher Shah Suri noong kanyang maikling panunungkuln sa India (1540-1545). Ito ay ginamit bilang pilak na barya na bumibigat ng 178 na gramo. Ipinakilala rin niy ang mga barya na gawa sa Tanso na tawag ay Dam at mga gintong barya na tawag ay Mohur na bumibigat ng 1169 na gramo.[4] Matapos, ang mga Emperador ng mga Mughal ay nagsagawa ng standardisasyon ng pananalapi sa paggamit ng tatlong mga metal sa buong Indian sub-continent para maging ayos ang pananalapi.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. mula sa Ingles na Rupee
  2. mula sa Espanyol na Rupia
  3. etymonline.com (20 Septyembre 2008). "Etymology of Rupee". Nakuha noong 2008-09-20. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  4. Mughal Coinage Naka-arkibo 2002-10-05 sa Wayback Machine. at RBI Monetary Museum. Retrieved on 4 May 2008.

Panlabas na kawing

baguhin