Rupiah ng Indonesia
Ang rupiah (Rp) ay ang opisyal na pananalapi ng Indonesia na nilalabas at kinokontrol ng Bangko ng Indonesia. IDR ang kodigong ISO 4217 para sa rupiah. Sa di-pormal na pananalita, ginagamit ng mga taga-Indonesia ang salitang "perak" ('pilak' sa wikang Indones) sa pagtukoy sa rupiah. Nahahati ang rupiah sa 100 sen, bagaman hindi na ginagamit ang sen at namamayani na ang mga barya at papel de bangko dahil sa pagpintog ng salapi.
Nagkaroon ang pulo ng Riau at Irian Barat (Kanlurang Irian; kalahati ng New Guinea na sakop ng Indonesia) ng sarili nilang uri ng rupiah noong nakaraan, ngunit naging bahagi na ito sa pambansang rupiah noong 1964 sa Riau at 1971 sa Irian Barat.
Redenominasyon
baguhinAng mahabang panahon na paghahanda sa redenominasyon ng rupiah ay nakabinbin pa sa pangkonsinderang pormal na kongreso nito. Simula noong 2010, ang bangko sentral ng Indonesia na Bank Indonesia, ay paulit-ulit nang pinaghahandaan ang pagtanggal ng tatlong sero sa kanilang pananalapi, upang mapadali ang paggamit ng pambayad na hindi makakaapekto sa kanilang halaga. Naisumite noong 2015 ang panukala sa redenominasyon ng rupiah sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ngunit hindi pa rin ito umiiral sa ngayon. Ang tagapangasiwa ng Bangko ng Indonesiya na si Agus Martowardojo ay inulit ang panawagang iyon noong 2017, winika na kung magsisimula ang redenominasyon sa madaling panahon, matatapos ang paghahandang iyon sa darating na 2024 o 2025.[1]
Salaping umiiral
baguhinNasa 100 hanggang 1,000 rupiah (tinatanggap din ang baryang 1 rupiah sa sirkulasyon [na nagkakahalaga ng 0.32 sentimo ng Pilipinas sa petsang ika-10 ng Hunyo 2021], ngunit walang masyadong halaga at hindi na ginagawa sa sirkulayon) at ang salaping papel na mula 1,000 hanggang 100,000 rupiah. Nagkakahalaga ng 14,300 rupiah (sa petsang ika-11 ng Mayo 2021, 1:00 n.u. sa oras sa Pilipinas) kada dolyar ng Estados Unidos, at ang pinakamataas na denominasyon sa rupiah ng Indonesiya, ay nagkakahalaga lamang ng 332 piso ng Pilipinas (sa petsang ika-10 ng Hunyo 2021, sa oras na 6:00 n.g. sa oras sa Pilipinas).
Mga barya
baguhinSa ngayon, mayroong tatlong serye ng barya na nasa sirkulasyon: ang mga baryang aluminyo, bronse, at nikel na may petsang 1991 hanggang 2016. Ito ay nasa denominasyon na 50, 100, 200, 500, at 1,000 rupiah. Unting-unting nawawala sa sirkulasyon ang higit na lumang serye ng barya. Dahil sa mababang halaga ng mga baryang nagkakahalaga ng higit na mababa sa 50 rupiah, hinahalaga ito sa malapit na 100 rupiah (mananatili sa malapit na 100 rupiah kung ang may dagdag nito ay 1 hanggang 49 rupiah, samantala sa dagdag na 100 rupiah kung may dagdag nitong 50 hanggang 99 rupiah) sa mga supermerkado at mga tindahan.[2] Makikita ang mga pambansang bayani ng Indonesiya ang mga baryang 100, 200, 500, at 1,000 rupiah ang mga baryang gawa noong 2016.
Mga barya ng rupiah ng Indonesia[3] | ||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Larawan | Halaga | Serye | Diyametro | Kapal | Bigat | Materyal | Harap | Likod | Pagkakaroon | |
Harap | Likod | |||||||||
Rp 50 | 1999 | 20 mm | 2 mm | 1.36 g | Aluminyo | Garuda Pancasila | Ibong kepodang at ang halaga ng barya | Napakababa | ||
Rp 100 | 1999 | 23 mm | 2 mm | 1.79 g | Ibong palm cockatoo at ang halaga ng barya | Mataas | ||||
Rp 200 | 2003 | 25 mm | 2.3 mm | 2.38 g | Ibong Bali Starling at halaga ng barya | |||||
Rp 500 | 1991 | 24 mm | 1.8 mm | 5.29 g | Tansong aluminyo | Bulaklak na hasmin at halaga ng barya | Mababa | |||
1997 | 1.83 mm | 5.34 g | Mataas | |||||||
2003 | 27 mm | 2.5 mm | 3.1 g | Aluminyo | Mataas | |||||
Rp 1,000 | 1993 | 26 mm | 2 mm | 8.6 g | Bi-metal, nikel at tansong aluminyo | Anahaw at ang halaga ng barya | Napakababa | |||
2010 | 24.15 mm | 1.6 mm | 4.5 g | Aserong nikelado | Garuda Pancasila at ang halaga ng barya | Angklung at Gedung Sate | Mataas |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ It is time for rupiah redenomination, central bank says, Jakarta Post, ika-30 ng Mayo 2017
- ↑ Bank to redenominate rupiah Naka-arkibo ika-7 ng Agosto 2010, sa Wayback Machine.
- ↑ Instrumen Tunai. Bangko ng Indonesiya